Until I Lied (6)

913 53 0
                                    

GPOV

Nakaluhod kami pareho ni Rhian habang nagdadasal. Nagpasya muna kaming dumaan sa isang chapel bago maglibot sa kabuuan ng Baguio.
Sinilip ko sya. Nakapikit sya at mukhang seryoso sa pinagdadasal nya.
Ang ganda pa rin nya or i must say,mas lalo syang gumanda 😍. Mukha talaga syang buhay na barbie.

Napabuntong hininga ako pgkatapos ay pumikit.

"Lord,thank you so much dahil binalik nyo sakin tong siraulo kong bestfriend. Promise po,hindi na ako gagawa ng kahit anong kagagahan na magiging dahilan para lumayo sya ulit sakin. Kakalimutan ko na po yung feelings ko sa kanya..Pangako po yan."

Nagsign of the cross ako pagkatapos ay muli kong binalingan si Rhian.
She was smilling from ear to ear.

"Anong klaseng ngiti yan ?" Mataray na tanong ko. " tigil tigilan mo ako sa mga pag ngiti mo Rhian Denise Hah..Sasabunutan kita."

"Naks ! Babae ka na ulit bes ? Hahaha" Nang aasar na sagot nya.

"Babae ako !😒"

"Father oh,eto pong kaibigan ko Sinungaling." Sigaw ni Rhian kaya tinakpan ko yung bibig nya. " Glaiza ano ba !? Ang baho ng kamay mo ! Ano ba yang hinawakan mo ?! Kadiri !"

Tinignan ko yung kamay ko.
Medyo basa iyon at parang may malapot na nakadikit.

"Eeewww !!!" Tili ko. " Rhian tara na. Kailangan kong maghugas ng kamay.  Kadiri !"

Dahil mabait akong kaibigan,nagprisinta ako na ako naman ang magddrive para makapagpahinga sya.
I got super excited to drive papuntang strawberry farm without realizing that its not a harvest season.
We quite disappointed but it's not a big deal.  Pinayagan naman making maglakad lakad sa farm kahit maputik but it's worth it.

"So saan tayo ngayon ?" Tanong ni Rhian habang nakangalumbaba sa front seat.

"Burnham park.😊 bike tayo. Hihi " nakangiting sagot ko.

"Alam mong hindi ako marunong magbike." Nakairap na sagot nya sabay halukipkip. "Magrent na lang tayo ng boat."

"Rhian ! Wag ka ngang Kj. Gusto kong magbike. Pwede naman kitang turuan eh. Mahalin nga ako natutunan mo,magbisikleta pa kaya ?" Mataray na sabi ko.

"What did you say ?" Gulat na tanong nya.

"Sabi ko..wag kang kj---

"Hindi yun..yung kasunod."

"Alin ? Yung tuturuan kitang magbike ?"

"Hindi,yung susunod doon."

"Ahh yung natutunan mo akong mahalin ?--

"Stop. Sinong nagsabi sayo na mahal kita ?" Tanong nya." Mahiya ka nga."

"Bakit ? Hindi ba ? Haha wag mong ideny. Nakikita ko sa kilos mo." Natatawang sagot ko.😂

"Ano ba kinikilos ko ?"

"Hmm ? Bukod sa panay mo akong tinatakas.selos na selos ka kay arci 😂. Ang ganda kaya ni arci. Mabait pa,sweet,Mahal ako at ---

"At mahal mo sya ?" Walang emosyon na dugtong ni Rhian. "Let's go Glaiza. Saan ba yung sinasabi mong park ?"

Natameme ako sa sinabi nya.
Mahal ? Hindi ko mahal si Arci.
Sya lang ang mahal ko,pero hindi pwede kaya kailangan kong panindigan yung sinabi nya.

"Did you think..magiging mabuting girlfriend sakin si Arci ?" Tanong ko habang nagmamaneho.

"Oo naman,nakikita ko naman na sobrang mahal ka nya.😊" Nakangiti nyang sagot. " and besides,bagay naman kayo."

Nilingon ko sya.
She's acting weird.

"Eh ikaw ? Magiging mabuting girlfriend ka kaya sakin ?" Tanong ko ulit.hindi sya kumibo. " syempre hindi. Sadista ka kaya. Tsaka isa pa,imposibleng mahulog ka sakin. Di ba nga sabi mo..okay lang na maging ganito ako basta wag akong mahuhulog sayo."

Nanatili syang tahimik.

"Rhian,sorry nga pala sa ginawa ko dati. Hindi ko dapat sinabi yon." Hinging paumanhin ko.

"Never say sorry for loving someone." Sagot nya." Pinagsisisihan mo na ba ngayon na minahal mo ako?"

Kapag ba sinabi kong mahal din kita,mamahalin mo pa rin ba ako ?" Walang emosyong tanong nya." Kapag ba sinabi ko na nagsisisi na ako kung bakit lumayo ako sayo,tatanggapin mo kaya ?"

Natahimik ako.

"Kapag ba sinabi ko na ayokong mawala ka sakin at gusto kong ako lang,pipiliin mo ba ako ?" Dugtong nya.

"I never regret na minahal kita. Nagsisi lang ako na sinabi ko pa. Ako ang dahilan kung bakit nagkalamat yung pagkakaibigan natin." Sagot ko. " we're here. " Itinabi ko yung kotse pagkatapos ay inalalayan ko syang bumaba.

Agad akong nagrenta ng bisikleta para sa aming dalawa.

"Glaiza,i can't.." Alanganing sabi nya . " natatakot ako."

"C'mon. You can do it. Ganto lang yan. Sumakay ka,tapos dahan dahan kang magpedal,then kontrolin mo yung manibela." Ginawa naman sya pero natutumba talaga sya. " Rhian,ang sabi ko kontrolin mo yung manibela,hindi ko sinabing sumunod ka sa manibela.😒"

"Eh hindi ko nga makontrol ! Bat ba ang kulit mo ? iangkas mo na lang ako." Reklamo nya.

"No. Subukan mo ulit." Tumayo sya at sinubukan ulit. " opppss !! Hey !  Magpreno ka ! Tsk !" Natampal ko yung noo ko ng bumangga sa sya puno. " ang bobo." Bat di ka gumamit ng preno ? Ayan,nagasgasan ka tuloy."

"Wala ka naman sinabi eh !😭" Naiiyak na sumbat nya.

I rolled my eyes.

"Rhian,kahit siguro yung baby kung nakakapag-bike,hahawakan nya yung preno para hindi sya bumangga." Mataray na sermon ko. " halika na nga. Umangkas ka na lang. Sayang yung binayad ko dyan."

Nilibot namin ang kabuuan ng Burnham Park gamit ang bisikleta.
Para syang bata at tuwang tuwa dahil first time daw nyang maglibot gamit ang bisikleta.

"Nakakapagod. " tumatawang sabi nya habang nakaupo sa damuhan.

"Wow ?! Napagod ka ? Di ba dapat ako yung napagod ?! " Takang tanong ko at pabagsak na naupo sa tabi nya. Palubog na ang araw at medyo tumitindi na rin yung lamig ng hangin.

"This is so good.." Hinihingal na sabi ni Rhian sabay hawak sa kamay ko. Gumapang ang kuryente sa katawan ko at wala sa loob na inangat yung kamay nya at hinalikan. Napatingin sya sakin. "Kung hindi ba tayo naging magbestfriend,may chance ba na mahuhulog ka sakin ?"

Hindi sya kumibo.
Nag iwas sya ng tingin.

"I understand." Dugtong ko. " Isa kang Rhian Ramos at--

"Matagal na akong nahulog sayo." Sagot nya kaya nagulat ako. "You're sweet,kind,over-protective,All in one. Lahat ng hinahanap ko na sayo.." Tumingin sya sakin pagkatapos ay lumunok. "You're the best thing that ever happened in my life."

Bigla akong na-speechless.

"Siguro matagal na talaga kitang gusto,hindi ko lang maamin sa sarili ko dahil pareho tayong babae. Magbestfriend pa.." Dugtong nya habang nilalaro yung daliri ko,pagkatapos ay in-intertwined nya yung fingers namin. " it fits perfectly." Nakangiti nyang sabi. "Sayang,nahuli na ako."

"No." Mabilis na tangi ko. "Ikaw pa rin ang gusto ko Rhian. Mula sa Umpisa,hanggang ngayon." Inilapat ko yung palad nya sa dibdib ko. " did you feel it ?"

"Yeah..Arci daw.."

"Rhian naman eh !" Inis na sabi ko. "Puro ka Arci. Type mo sya noh ? Umamin ka."

"Yeah,type ko sya. Type ko syang sakalin."

Natawa ako.
Hinapit ko sya palapit sakin.
Forehead to forehead
Nose to nose..

"Mahal na mahal kita Rhian. Sana bigyan mo ako ng pagkakataon na alagaan at mahalin ka." Bulong ko na dahilan para mapangiti sya.

"Please,be careful with my heart."

TO BE CONTINUED..

RaStro StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon