My Beautiful Stalker (5)

880 59 0
                                    

Fairytale
Iyon ang paglalarawan ko sa Mansion nila Glaiza ng dalhin nya ako roon upang ipakilala sa mga kasama nya sa Bahay.
Malayong Malayo ang Mansion nila sa mga napapanood ko sa T.V. about sa Vampire. Napakagarbo ng Bahay nila. Dinaig pa ang 5 star Hotel dahil sa karangyaan. At ngayon lang din ako nakakita ng bahay na may sariling Garden sa loob at may mga paruparo pa.

"like what you see ? iniisip mo na ba ngayon na pakasalan si Glaiza para makuha mo ang kayamanan nya ?"

Nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko. Pumihit ako para tignan kung sinuman ang nagsalita.

Matangkad na babae.
maputi,Matangos ang ilong,Nangungusap na mata,mapulang labi,mahabang buhok.
Pamilya ba sila ng mga artista ?
Ang ganda ng Babaeng kaharap ko.😣

"what do you mean ?" Takang tanong ko.

Tumawa sya ng pagak pagkatapos ay inilapit sa leeg ko yung mukha nya.
Bigla tuloy akong kinabahan.Baka mamaya ay bigla na lamang akong kagatin nito at ubusin ang dugo ko,Siguradong bangkay na akong aabutan ni Glaiza dito.

"Napakabango ng dugo mo.Isa Sa dahilan kung bakit ka minahal ni Glaiza.Walang bahid ng dumi." Malamig na sabi ng babae bago lumayo sa akin. "Max." Sabay lahad nya sa palad nya kaya alanganin ko iyong inabot.

"Rhian."

Pagdampi ng kamay ko sa palad nya ay tumilapon sya.
Nagulat ako sa bilis ng pangyayari.

"Max ! " Sigaw ko at mabilis syang nilapitan. "What happen ?"

"hey  ! Stop. dont touch me." Pigil nya sakin ng tutulungan ko sana syang tumayo.

"what's happening here ?" Tanong ng isang babae habang naglalakad pababa ng hagdan.

Mababakas sa Mukha nya ang pagiging mataray at mapaglaro.
Tumayo si Max at inayos yung suot nyang damit.

" Nilagyan sya ni Glaiza ng Protection." Sagot nito pagkatapos ay tumingin sakin. "Nakuha mo ang pagkababae ni Glaiza."

"what ? hindi ako..sya kaya yun." Nahihiyang sabi ko. Pati ba naman iyon ay nalalaman nila ?

"ganon na rin yun. Sayo sya nakipagsex eh. By the way,im Katrina." Pakilala nito at hindi na nangahas pa na makipagkamay sakin.

Nasan na ba si Glaiza ?
Napapaligiran ako ng mga Vampire dito. Ang Creepy.😨

"So you're the famous Rhian ? Ang babaeng kinababaliwan ni Glaiza ?" Nakangising tanong ni Katrina habang sinisipat ang kabuuan ko. "Magaling pumili ng babae si Glaiza."

"Guys,lubayan nyo nga si Rhian. Nagsiligo na ba kayo ? naaamoy ko kayo." Sabat ni Glaiza na sumulpot na lang sa kung saan.

Umirap si Katrina.

"maligo man kami o hindi,maaamoy mo pa rin kami dahil may dugong lobo ka."

Hindi sya pinansin ni Glaiza at derederetso lamang itong naglakad papunta sa direksyon ko.

"kamusta binibini ? ayaw ka bang lubayan ng mga kaibigan ko kaya namumutla ka na ngayon ?" Nakangising tanong ni Glaiza bago taniman ng mumunting halik ang sentido ko. " Nais mo bang maglibot sa kabuuan ng mansion para makabisado mo na ang pasikot-sikot dito."

"Glaiza . Seryoso ka ?" Takang tanong ni Max.

"Ang bahay ko ay magiging tirahan nya. Ang ari arian ko ay mapapasa-kamay nya at walang makakapigil sa nais kong mangyari sapagkat sya ang nais kong maging ina ng mga anak ko."

Natulala ako sa mga sinabi ni Glaiza.
seryoso ba sya ?
Ako ang magiging ina ng mga anak nya ? imposibleng makabuo kami dahil pareho kaming babae.😒

Hinawakan ni Glaiza ang kamay ko at sa isang iglap lang ay nasa loob na kami ng library nila.
Napakaraming libro doon.
Makakapal at luma na.

"G.D.C. Personal Diary..Glaiza,what is this ?" Tanong ko sa kanya.

"oh,That's My Diary." Sagot nya. "when i was 20 years old."

Binasa ko iyon.

Ika-7 ng Abril,1501

Sobra akong nalungkot ng mabalitaan kong aalis na ang aking kaibigan patungong Portugal upang mag-aral ng Agham sa Sining. Sobra kong dinamdam ang kanyang pag alis at nangako ako sa sarili ko na hahanapin ko sya.
Hahanapin kita Rhian.

G.D.C.

"rhian? bakit kapangalan ko sya ?" Takang tanong ko.

"dahil iisa lang kayo.reincarnation i guess ? " Walang anumang sagot nya kaya naguluhan ako. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o ano.

Marami pa akong nabasa pero isa lang ang umagaw ng pansin ko.

Ika-27 ng Oktubre,taong 1966.

Sobrang saya ko dahil muling isinilang ang ika-450 henerasyon ni Rhian.
Hindi na ako makapaghintay na masabi sa kanya kung ano ang aking nararamdaman.

G.D.C.

"Bakit nandito ang petsa ng kapanganakan ni Mommy??" Tanong ko.

"Nandoon ako ng ipanganak sya. Pero sa paglipas ng panahon ay nalaman kong hindi sya ang hinahanap ko kaya naghintay ako ulit ng limampung taon." Sagot nya at muling binuklat yung diary. "And then you came.."

Ika-27 ng Oktubre,Taong 1995.

Dumating na ang babaeng hinihintay ko. Ang ika-500 henerasyon ni Rhian. Sa wakas tapos na ang aking paghihintay.
Hindi na ako mag iisa.

G.D.C.

Natulala ako sa sinabi nya.
She's really serious about this.

"seryoso ka ba ? i mean paano mo nasisigurong ako nga yung babaeng hinahanap mo ?" Kunot-noong tanong ko.

Naupo sya sa harap ko.
She wipe away the strand of my hair at inipit sa tenga ko.

"i know so." Nakangiting sagot nya bago sakupin yung labi ko." At hindi na kita pakakawalan."

Napapikit ako sa sensasyong binibigay nya sakin.

"Paano mo nasabing hindi ka na mag-iisa ? you're immortal..at mortal ako." Kontra ko sa sinabi nya." wait,dont tell me kakagatin mo ako ?" Tanong ko sabay layo sa kanya.

Natawa sya at muli akong hinila.

"syempre hindi. pwera na lang kung nais mong samahan ako habangbuhay." Nakangiti nyang sabi habang yakap ako pagkatapos ay napunta kami sa garden nila.

"Ang ganda talaga ng Garden nyo." Sabi ko habang nakatingin sa mga bulaklak. "bakit walang tinik yung mga rose nyo ?" Tanong ko dahil yung mga binibigay nya saking bulaklak ay wala ring tinik.

"Inaalisan ko sila ng Tinik dahil ayokong masaktan ka."Sagot nya.

"eh bakit yung huling Rose na binigay mo may tinik ? Nasugatan tuloy yung fingers ko." Reklamo ko.

"Nalaman ko kasi na kaya may tinik ang mga rosas ay para malaman nya kung sino ang maglalakas loob na hawakan sya at tiisin ang hapding maidudulot ng mga tinik nya." Sagot nya sabay tingin saakin. "Ako ang rosas,at ikaw ang babaeng hahawak sa akin,Ngayon sabihin mo..Makakaya mo ba ang sakit na maidudulot ko ?"

Naguluhan ako sa tanong nya kaya hindi ko alam ang isasagot.
masyadong matalinhaga ang mga salita nya.

TO BE CONTINUED..

RaStro StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon