DESTINED TO BE THE PERFECT TWO(9)

1K 66 5
                                    

RPOV

Its been 5 years simula ng mawala si Glaiza. Marahil ay nagpapahinga na sya ngayon. Nag- iwan ng malalim na peklat ang kinahantungan ng relasyon namin.
Hindi ko na rin sinubukang magmahal ng iba dahil alam kong hanggang ngayon,si Glaiza pa rin ang mahal ko at patuloy ko pa ring mamahalin yung mga alaala na iniwan nya.

Last year ay nagpunta ako sa london para kumuha ng surogate mother. Gusto ko kasing magkaroon ng anak. Bristish ang donate ng sperm pagkatapos ay kumuha rin ako ng babaeng willing magdala ng magiging anak ko.
Itinago namin ang identity ng isa't isa para walang maging aberya kung sakaling gustong maghabol ng nagdonate o ng nagdala.

At ngayon nga ay meron na akong anak na kinakarga 😂.
Babae ang naging anak ko at sobrang ganda :)
Color blue ang bilugang mata nya at hawig sa ilong ni Glaiza ang ilong ng bata.
Glaiza Denise ang ipinangalan ko dahil naaalala ko sa kanya si Glaiza.

"Hi baby. How are you ?" Nakangiting bati ni Jae Eun sa anak ko habang akay naman nya yung 7 years old na anak nila ni Jade. "This is Ate Eunde..Say hi to baby Glaiza .." Nakangiting utos ni Jae Eun sa anak nya.

"Hi.." Tipid na bati ng anak ni Jae Eun pagkatapos ay bahagyang nagtago sa likod ni Jae Eun.

" naku,nahihiya. Haha ilang taon na ba yan ?" Tanong ni Jae Eun. " ang cute,kamukha nya si Glaiza.".

" 1 year old. " nakangiting sagot ko sabay halik sa pisngi ng anak ko. " yeah,nakuha nya yung ilong ni Glaiza. Hehe"

"Haha let's go. Kumain na tayo. Nandon na silang lahat sa loob. Baka maubusan ka. Ang takaw pa naman ng kaibigan mo." Tumatawang sabi ni Jae Eun.

Tumango lang pagkatapos ay sumunod na sa loob.

2nd birthday ng pangalawang anak nila Jae Eun. Zaine Hee ang ipinangalan nila . Di na lang Zenki 😂.
Nagkakantahan na sila ng pumasok kami pagkatapos mag blow ng candle ay pinahawak ko sandali kay Jasmine yung anak ko dahil kailangan ko ng magCr.

Pagkatapos kong magCr ay nagretouch ako ng biglang may pumasok na nakamascott.

"Hoy Jasmine ! Nasaan yung anak ko ?! Bwiset ka. Inuna mo pa talaga yang pagmamascott kesa sa anak ko . Iniwan mo na naman kay Jade. Di ka na nahiya,alam mo namang may anak na maliit yun !" Sabay batok ko sa kanya kahit nakamascott pa sya. Napahawak sya parteng binatukan ko pagkatapos ay lumabas na ng cr. Agad naman akong sumunod.

Nakita kong hawak na nya yung baby ko kaya agad akong lumapit. Baka mabitawan nya eh.😣 My god ! Wala talaga syang ingat !

"Akina nga ." Singhal ko pero nagulat ako ng ilayo nya sakin. " jasmine,isa ."

"Rhian,nakita mo ba si Solenn ? Pinahawak ko kasi sa kanya si Baby Glaiza..eh di ko na makita." Pukaw sa akin ni Jasmine habang kinakalikot yung phone nya.

Napatingin ako sa mascott na kanina lang ay inaaway ko.
Hawak nya pa rin yung anak ko at parang ingat na ingat na sya ngayon.

"Oh,ayan pala si Baby Glaiza. Hehe,kinabahan ako. Hoy Rhian ! Mahiya ka nga. Pinahawak mo pa talaga yang anak mo. Di mo ba alam kung gaano kainit sa loob ng mascott ?!" Singhal ni Jasmine.

Wala na akong sinayang na sandali.
Tinanggal ko yung suot na ulo ng mascott.
Everyone Gasps. Parang tumigil ang buong paligid,lahat napanganga.

"Glaiza ...." Hindi makapaniwalang sambit ko maya maya ay nangilid yung luha ko. " i..is that really you ?"

She smiled at me pagkatapos ay tinignan yung anak ko.

"Nakuha pala nya ang ilong ko..She's so beautiful..like her mother." Nakangiting sabi nya sabay tingin sa akin. " how have you been..Rhian."

"Rhian,pakisapak nga ako." Sabat ni Jasmine na hindi rin makapaniwala sa nakikita.

Hindi ko pinansin si Jasmine.
Lumapit ako kay Glaiza.
Tinitigan ko syang mabuti.

PAK !

Isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa pisngi nya. Kinuha ni Jasmine yung anak ko para hindi maipit.

"How dare you !" Umiiyak na sumbat ko pagkatapos ay pinaghahampas ko sya sa dibdib.
Hindi sya umilag,Tinanggap nya lahat ng panghahampas ko. Nang mapagod ako ay niyakap nya ako at hinaplos yung buhok ko.

"Ssshhhh.. Tahan na. Di ba sabi ko ayokong nakikita kang umiiyak ?" Alo ni Glaiza sakin. Lumayo sya ng kaunti at hinubad yung suot nyang mascott. Lahat ng bisita ay nakatingin sa amin.

"Akala ko wala ka na .. Akala ko patay ka na..." Umiiyak na sumbat ko.

"Nandito na ako. Hinding hindi na ako aalis." Bulong nya kaya lalo akong napaiyak. " di ba sabi ko babalikan kita ?"

"But what happened..paanong buhay ka pa ? Ang sabi mo sa sulat 1 week na lang ang itatagal mo?"

"Dahil ayokong umasa ka Rhian. Ayokong paasahin ka na gagaling ako. Nagpunta ako sa america para magpagamot. Akala ko wala na akong pag-asa..but im glad dahil kinaya ng katawan ko yung mga gamot..lumaban ako Rhian dahil ayokong iwanan ka." Paliwanag nya. " Ano ang pangalan ng anak natin ?"

"Anak ko lang sya,wag kang mang angkin." Natatawang biro ko.

"Anak ko rin sya dahil ako ang nagdala sa kanya sa sinapupunan ko." Nakangiting sagot ni Glaiza.

"What do you mean ?" Takang tanong ko.

"Pinapasundan kita Rhian,5 years akong naging stalker mo. After 3 years ay Cancer Free na ako at nagpagaling.Nalaman ko na naghahanap ka ng surrogate mother na magdadala sa anak mo that's why i grabbed the opportunity. Ako ang nagdala sa anak natin."

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko.
Kaya pala kamukha nya si Glaiza Denise.
Hinawakan ko yung pisngi nya,bumalik na yung dating glow ng balat nya..mapula na ulit yung labi nya..at malago na ang buhok nya.
Walang bakas na nanggaling sya sa sakit.

"Alam mo bang halos mabaliw ako kahihintay sayo ?" Naiiyak na tanong ko. " araw araw kitang hinihintay.."

She cupped my face and wiped away my tears.
And without hesitation,she claim my lips.
Naririnig ko ang hiyawan at palakpakan ng mgat bisita pero wala akong pakialam.

I miss this woman.

Nang magbitiw kami ay kapwa kami hinihingal.

"Group Hug !!!" Sigaw ni Jae Eun kaya natawa ako.

Kinuha ni Glaiza yung anak namin at pinagmasdang mabuti.

"She had your lips." Nakangiting sabi nya sabay tingin sa akin. Napangiti ako.

"I love you,Glaiza..please,wag mo na akong iiwan." Sabi ko habang nakayakap sa waist nya.

"I love you too, and i will never ever leave you. Not now..not forever." Seductive na sagot pagkatapos ay hinalikan ako sa noo.

TO BE CONTINUED..

RaStro StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon