Someday (1)

800 49 1
                                    

GPOV

"Hindi ka ba napapagod ? I mean,Everytime na magkasama kayo iba yung topic nyo like fav. color nya,mga ayaw ng ex nya .. Alam mo yun ? never pa yata kayo nag-usap ng tungkol sa inyo." Himutok ng kaibigan kong si Chynna.

Totoo naman kasi yung sinasabi nya.
Eveytime na magkasama kami ni Solenn,Wala kami ibang topic kundi yung ex nya. Minsan naiisip ko na siguro mahal nya pa yung ex nya o kaya sadyang malalim lang yung pinagsamahan nila kaya ganon sya.
Napapagod ? Sa totoo lang gusto ko ng mapagod,Gusto ko ng magreklamo na pwede ba ako muna ? pwede ba yung tayo naman ? Pero everytime na nakikita ko yung saya sa mga mata nya habang nagkukwento ay natatameme ako. Sino ba naman ako para pigilan yung ganong saya di ba ?

"Hindi ako mapapagod na makinig sa kanya Chyns." Nakangiting sagot ko kaya napailing sya.

"Gago ka talaga tsong ! Obvious naman na trip ka lang non eh. Ilang taon ka na bang tanga ? 1 year ?---

"Hindi yun trip okay ? Mahal nya ako chyns,Ramdam ko yun everytime na magkasama kami." Basag ko sa mga susunod na sasabihin nya.

"Mahal daw .. " Bubulong bulong na sagot nya sabay irap sakin kaya natawa ako. "Mahal pero panay yung chaka nyang ex yung topic ? Pakisabi nga sakin kung move on na ba yun sa ex nya o ginagawa ka lang rebound."

"Move on  na daw sya." Tipid na sagot ko sabay iwas ng tingin.

Yun yung sabi nya sakin.
Kaya daw nya nakukwento sakin yung ex nya ay dahil wala na yung kirot sa puso nya. Wala na yung pagmamahal. Hindi naman daw maaalis yung ganong kwento dahil may alaala sila. Alaala na nakalipas na.

"Okay fine. Inlababoo ka talaga,So ano ? anong oras daw sya dadating ? Nagugutom na ko." Puro talaga sya reklamo.😒

"Parating na yun,May dinaanan lang daw. Ang mabuti pa mauna ka ng kumain dyan, Punta lang ako saglit sa 7-11 para bumili ng iinumin natin." Agad kong kinuha yung pouch ko at lumabas na ng condo unit ko.

Kailan ba nagsimula ang katangahan ko ?
Hindi ko na maalala. Basta ang alam ko,Simula ng makilala ko si Solenn ay alam kong sya na yung babaeng gusto kong makasama habang-buhay. Love at first sight yata ang tawag don. Yung tipong Nung makita mo sya parang biglang naging slow motion ang lahat,Tumigil ang buong paligid at tanging kayong dalawa lang ang nandoon.

"Hoy ! Glaiza !" Nagulat ako ng biglang may tumawag sakin kaya naputol yung pagmumuni-muni ko. tsk ! Paglingon ko ay nakita ko si Rhian na humahangos papunta sakin. "Grabe ! Ang bingi mo naman !" Inis na bungad nya ng tuluyang makalapit sakin. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Ibang-iba na sya ngayon. Nung huling magkita kami ay nung grumaduate kami sa Highschool,after nun ay hindi ko na sya nakita. Tanging Facebook,Instagram at Messenger na lang ang nagco-connect sa aming dalawa. Alam kong maganda sya,pero mas maganda pala sya sa personal.tsk !

"ay ano.." Bakit ba ako nauutal ? Tinaasan nya ako ng kilay. Isa si Rhian sa mga matalik kong kaibigan pero ewan ko ba kung bakit pagdating sa kanya ay nauutal ako. "Yung.. Yung sasakyan mo ! " Sabay tingin ko sa di kalayuan kaya pati sya ay tumingin din doon. "Ano kasi .. tsk ! Bakit doon mo pinarada ? Tignan mo hindi makadaan yung mga tricycle !" Kunwari ay galit kong sabi kaya napakamot sya sa ulo nya.

"eh kasi tinatawag kita hindi ka naman lumilingon kaya bumaba na ako sa sasakyan ko at sinundan kita. Saan ka ba pupunta ?" Tanong nya. Agad kong itinuro yung building ng 7-11. " Sige pasok ka na don,Kunin ko lang yung kotse ko tapos sunod ako sayo."

Napatango na lang ako.
Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makapasok sya sa kotse nya bago ako naglakad papunta sa 7-11.

Abala ako sa pagtingin-tingin at pagsipat sa mga alak na nakadisplay ng may marinig akong pamilyar na boses na dahilan para bumilis ang pintig ng puso ko.

"May okasyon ba ?" Tanong ni Rhian mula sa Likuran ko. "Vodka na lang ang kunin mo,alam ko naman na fav. mong inumin yan." Dugtong nya na binuntutan pa ng mahinang pagtawa.

"4th Anniversary namin ni Solenn,Naghanda ako na kaunti." Sagot ko ng may pagmamalaki. "Gusto mong sumama sa Condo ? nandun si Chynna." Tanong ko bago ko sya lingunin. Agad naman syang nag-iwas ng tingin.

"Hindi na,next time na lang. May aasikasuhin pa kasi ako." Tipid na sagot nya. " Ahm .. Happy Anniversary sa inyo haha ! Halatang mahal na mahal mo sya hah? Naghanda ka pa talaga." Tumatawang bati nya kaya natawa din ako.

"Hindi lang mahal na mahal.. feeling ko ikamamatay ko kapag nawala sya sakin,or kahit makita ko lang na mapunta sya sa iba." Napansin ko na muli syang nag-iwas ng tingin. Problema neto ? may muta ba ako sa mata ?

Someday you're gonna realize..
One Day You'll see this through my eyes..

Napatingin ako ulit sa kanya ng marinig kong tumunog yung cellphone nya.
Ang senti naman ng ringtone nya.

Coz someday someone's gonna love me
The way i wanted you to need me
Someday someone's gonna take your place..

"Huy ! Di mo ba sasagutin yan ?" Takang tanong ko sa kanya dahil nakatitig lang sya sakin na para bang wala syang naririnig. "Ang lungkot ng ringtone mo,palitan mo nga yan." Biro ko sa kanya kaya natawa sya.

"wait lang." Sambit nya kaya tumango ako at bahagyang lumayo bago nya sagutin yung tawag. Naririnig kong nag-uusap sila ng kung sinuman pero hindi ko naiintindihan hanggang sa ibababa na nya yung phone. "Glaiza."

"hmmm?"

"Mauna na ako,pakikamusta na lang ako kay Chynna. Kapag nagkaroon ako ng free time ay pupuntahan ko kaagad kayo..Chat na lang tayo." Nakangiti nyang sambit. Bakit ba ang gandang nilalang nya ?

"Sige. Ingat ka." Sagot ko pagkatapos ay balewala ko syang hinalikan sa pisngi. Alanganing ngumiti sya bago tuluyang nagpaalam.

Actually Pito talaga kami sa barkada.
Ako,Si Chynna,Si Sheena,Si Mike, Si Luis,Si Kath at Si Rhian. Ang Plano namin bago mag-kolehiyo ay sa iisang School lang kami papasok pero biglang nagbago ang plano ni Rhian dahil nagpasya syang sa ibang bansa na mag-aral day after ko ipakilala sa kanila si Solenn.

To Be Continued..

RaStro StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon