My Beautiful Stalker (3)

828 53 0
                                    

3/10

Dere-deretso akong umakyat papunta sa third floor ng Mansion kung nasaan ang kwarto ni Max.Agad ko iyon binuksan.

"Hey Glaiza---

"You Bitch ! " Nanggigigil na sabi ko sa kanya habang mahigpit na hawak ang leeg nya."I told you,wag mong gagalawin si Rhian !" Sigaw ko sabay hagis sa kanya sa kama.

"What are you talking about !?" Nauutal na tanong nya kaya lalo akong nanggigil.Hinablot ko yung buhok nya at inangat sya.

"What am i talking about ? You wanna know what am i talking about ?" Nanlilisik ang mga matang tanong ko sa kanya at sa isang kisapmata ay nasa kahabaan na kami ng Edsa. "Mahal mo pa ba ang buhay mo ?"

"Alam mong imortal ako at hindi mo ako kayang patayin Glaiza." Sagot ni Max.

"Pero alam mo bang Pinaghalong Lobo at Bampira ang kaharap mo ?" Tanong ko sa kanya habang inaamoy amoy yung leeg nya. "Alam mo bang may lason ang pangil ko na kayang tumagos sa leeg mo para mamatay ka ?"

"Gla--glaiza,please..no. " Nagmamakaawa nyang sabi habang pilit inilalayo ang leeg nya sa bibig ko." Im sorry kung nagawa ko yun. Oo na,ako ang may kasalanan kung bakit muntik ng mabangga si Rhian. I hipnotized her para maging lutang sya.sorry na Glaiza.."

Bumaon sa leeg nya ang mga kuko ko dahil sa sobrang gigil.

"Babalaan kita ulit. Oras na galawin mo sya,papatayin kita." Sigaw ko pagkatapos ay iniwan ko na sya.

Sumilip ako sa bintana ng Condo ni Rhian.
Nakaupo sya sa kama gaya ng palagi nyang ginagawa.Nakaharap sya sa laptop nya at may binabasa.
Maya maya ay tiniklop nya na yung laptop at itinabi. Nahiga sya at kinusot kusot ang mata.
She's Crazy..Bakit nya kinukusot yung mata nya ? Baka lalo lang mairitate yun.😒. She's Cute tho.😍

Hinintay kong makatulog muna sya bago ako nagpasyang pumasok sa loob.
Pinagmasdan ko yung maamo nyang mukha at bahagya akong napangiti.
Naririnig ko ang banayad na paghinga nya na may mumunti pang hilik kaya lalo akong napangiti.

Kinuha ko yung laptop nya at binuksan.

Cold Skin,Unexplainable strength,Speed,Drinking Blood,Immortal.VAMPIRE.
Napatingin ako kay Rhian. Nagreresearch sya tungkol sa mga katulad ko ? Why is she doing these ? Did she know ?
Muli akong humarap sa Laptop at nagkalkal pa ng kung ano-ano bago ako nagpasyang umalis na.

Tumayo ako at humarap ulit kay Rhian.
Kinumutan ko sya at hinalikan sa noo.

"Good night Sleepy head." Bulong ko sa kanya. Pinatay ko yung ilaw at sinindihan yung lampshade nya.

I was about to jump over the window--

"Who are you ?"

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.
Hindi ako lumilingon at lalong ayokong humarap.
Binuksan nya yung ilaw kaya lumaganap ang liwanag.

Footsteps.

"Stop !" Sigaw ko gamit ang nakakatakot na boses. "Wag kang lalapit."

"Why ? What are you doing here ?! Why are you here ?! who are you ?! Paano ka nakapasok ?" Sunod-sunod na tanong nya.Tumingin sya sa bintana. " dont tell me na dyan ka dadaan ?"

Hindi ko na sya pinansin at tuloy tuloy  na akong tumalon sa bintana leaving her open-mouthed.

***

RPOV

"Pst ? Huy Rhian !😮 " Tawag ni Lovi." Kanina ka pa tulala dyan. Ano na naman ba iniisip mo dyan ?"

"Nakita ko sya kagabi."

"Who ?"

"Yung stalker ko."

Parang naexcite si Lovi at lumapit pa sakin kahit oras ng trabaho. Tatawanan ko talaga sya kapag inabutan sya ni Mr.Benitez na nakikipagtsismisan sakin.

"Oh ano ? Gwapo ba ? Dali magkwento ka !"

"Hindi--

"So pangit ? Kaya pala ayaw magpakita sayo eh--

"Hindi nga sabi ! I mean,hindi ko sya nakita. Ayaw nyang humarap sakin.And what worst is..Tumalon sya sa bintana ng kwarto ko.!"

"That's normal." Balewalang sagot nya. I rolled my eyes.

"Its not normal Lovi. Hindi normal sa isang tao ang tumalon mula sa 60th floor." Sabay irap ko."wait..Nandito sya. Naamoy ko yung pabango nya.

"Ang creepy mo. Wala akong naaamoy. Tsaka Wow hah !? Memorize mo na agad yung pabango nya.?"

"Dahil kinumutan nya ako kagabi. Kaya nga nagising ako eh. But i act na kunwari tulog ako para makita ko kung anong gagawin nya."

"Ladies.." Biglang sulpot ni Mr.Guevarra mula sa pinto." May meeting tayo sa Big Boss. She's already here so get up.Proceed to the Conference Room. Hindi Gusto ni Boss na naghihintay."

Nagmamadali kaming tumayo ni Lovi at inayos yung mga suot naming blouse.
Dinala ko yung mga folders at ilang papeles kasama na yung laptop para sa ilang memorandum.

Pagpasok namin sa loob ay kumpleto na ang lahat. Kami na lang ang wala sa upuan. Naupo kami ni Lovi. Hindi maalis alis yung paningin ko dun sa taong nakaupo sa swivel chair.

"Good morning everyone !" Masayang bati nung taong nakaupo sa swivel Chair.

"Glaiza ?!" Gulat na sambit ko.

"She's the Boss ?" Bulong ni Lovi.

"I think so ? Look at her ..look at her eyes."

"Why ? Ang cool nga ng mata nya eh. Color Green.😍 maybe she's a german."

"Bwiset ka. She's weird ! Look at her. Ang puti nya masyado. Her eyes,its turning Gray--no,its turning Red." That's really weird.

"Baka may hitech ng contact lense ngayon,yung paiba-iba ng kulay---

"Ms.Ramos,Ms.Poe..Baka gusto nyong ibahagi sa amin yang pinag-uusapan nyo ?  Mukhang malaki ang maitutulong nyan para sa project na pinag-uusapan namin dito." Nakangiting tanong ni Glaiza.

Nagkatinginan kami ni Lovi.

"Im Sorry---

"Sorry ? What ?"

"Im sorry President De Castro. We're Just Discussing about--too personal. Again,we're sorry." Hinging paumanhin ko.

Nagpatuloy ulit sa pagsasalita si Glaiza pero wala akong naiintindihan.
Naramdaman ko na lang na nag-aalisan na yung mga kasama ko sa Conference room maliban sakin.
Hindi ako makatayo. Para akong inaantok na hindi ko maintindihan.

"What can i do for you,Ms.Ramos ? May kailangan ka pa ba ?" Nagulat ako ng tanungin ako ni Glaiza. Kaming dalawa na lang ang nasa loob.

"I--uh ?" Nilibot ko ang paningin ko. "There's something wrong.." Bulong ko.

"What's wrong ?" Nakangising tanong ni Glaiza kaya napalingon ako sa kanya. Nakahoodie na sya ngayon.

Yung Hoodie.
Yung amoy nya.
Yung boses nya.

"Its you." Tukoy ko sa kanya.

"Goodbye Rhian." Nakangisi nyang paalam sabay tapik sa balikat ko.

Ng matauhan ako ay wala na sya.
Ako na lang mag-isa ang nasa loob ng Conference Room.

TO BE CONTINUED

RaStro StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon