Someday (9)

1K 53 24
                                    

GPOV

Nakatayo ako ngayon sa harap ng opisina ni Solenn,Nagdadalawang isip kung kakatok ba ako at tutuloy o lilisan na lamang at hahayaan na ang tadhana ang magdikta ng lahat.

Pinili ko ang huli.

Hindi ko kaya.
Duwag ako para ipaglaban ka Rhian.
Patawarin mo ako,kaibigan.
Natatakot ako na kapag pinili kita,Sa huli ay ikaw lang din naman ang dudurog sakin.

Nilalaro laro ko yung engagemet ring namin ni Solenn na nakasuot sa daliri ko.
Minsan iniisip ko kung bakit napagkamapaglaro ng tadhana.
Kung kailan may napili ka na,saka naman darating yung araw na magiging magulo ang lahat.

Sana man lang binigyan ako ni Lord ng Sign. tsk !

"Hey !" Bati sa akin ng isang tinig kaya napalingon ako. It was TJ. Rhian's Brother. " Why are you here ? Di ba dapat kasama ka nila Chynna ngayon ?"

"Kasama saan ?" Takang tanong ko. Wala naman kasi ako maisip na lakad namin ngayon.

"Uhmm..I thought.." Alanganing sabi nya at tila ba nag iisip kung itutuloy ang sasabihin o ano. " Akala ko kasama ka nila sa paghatid kay Rhian. Hindi ko kasi sya naihatid kanina dahil marami akong kailangan tapusin dito. Mabuti na lang at nagprisinta si Chyns na sila na lang daw ang maghahatid sa kapatid ko."

"Saan pupunta si Rhian ?" Tanong ko. Bakit Hindi man lang nila sinabi saakin. tsk !
Nakakagigil talaga sila !😠😠 "Akala ko ba mahal---

"She's living for good,Glaiza." Alanganing ngumiti sa akin si Kuya Tj at bahagyang tinapik ako sa balikat. "Now i know kung bakit gusto na nyang umalis.." Dugtong nya habang nakatitig sa daliri ko kung saan nakasuot yung singsing. "Saan mo nabili yan ?"

"Ha ? I--uhm..Sa G@R .." Nauutal na sagot ko. Malungkot na ngiti ang sumilay sa labi nya. Kapareho ng ngiti ni Rhian nung nagpropose ako kay Solenn. "Why ?"

"Iyan din kasi yung ring na binabalik-balikan ng kapatid ko dito sa Pilipinas. Sinabi ko pa nga na ako na lang ang bibili para sa kanya dahil nga hindi nya maafford." Natawa ito ng bahagya.

"Kaya lang masyadong matigas ang ulo nya,Ayaw nya. Balak pa nga nyang ibenta yung sasakyan nya para lang mabili yan. Ibibigay daw nya sa taong mahal nya." Natahimik ako. Gumuhit ang guilt sa puso ko.

"Im sorry." Tipid na sabi ko.

Ngumiti lamang sya at nilampasan na ako.
Naiwan akong tulala.
Binabalik-balikan ni Rhian yung singsing?
Kaya pala ganon na lamang yung paglalasing nya sa rooftop.tsk !

Muli kong nilingon yung pinto ng opisina ni Solenn.

Unang hakbang para sa kanya..
Ikalawang para sa Akin..
Ikatlong hakbang para sa amin..

"Babe ? Why are you here ?" Takang tanong ni Solenn bago mabilis na lumapit sa akin at hinalikan ako sa labi. Pinaupo nya ako pero wala akong lakas ng loob na maupo kaharap sya. "babe"

Unti-unti kong hinubad yung singsing sa daliri ko. Mababakas ang kalituhan sa magandang mukha ng babaeng minsang umangkin sa puso ko.

"Im sorry,But I can't make it anymore." Kusang nalaglag ang luha sa mga mata ko habang inilalapag sa table yung engagement ring namin.

"What's goin' on ? May nagawa ba akong mali ? C'mon tell me.." Naiiyak na tanong habang mahigpit na nakahawak sa mga kamay ko.

"No..Wala..Wala kang nagawa. " Alo ko sa kanya. "Its just..I love you okay ?" Sambit ko pagkatapos ay mabilis sya niyakap. Umiyak ako sa pagitan ng leeg at balikat nya. "I love you and Im sorry.."

"I love you too Glaiza.." Sagot nya paglatapos ay lumuluhang bumitaw sya akin. "But You're not inlove with me.Right ?" Walang alinlangang tumango ako. Siguro dati pa mahal ko na si Rhian,Nabulag lang ako ng kaisipang magkaibigan kami at hanggang doon lang yun. "Go Get her ." Malungkot na ngumiti sya sakin. Niyakap ko sya ulit ng mahigpit ko tuluyang bitawan ang mga kamay nya.

Paglabas ko ng pinto ay mabilis kong tinawagan si Chynna sa pag-asang may hahabulin pa ako.

"Hoy butika ka ! Nasaan kayo hah ?! Bakit hindi nyo ko sinama !" Inis na sigaw ko over the phone habang pasakay sa kotse ko. " Nasaan si Rhian ?!"

"Ah tsong..Ano kasi.." Lalo akong nainis sa sagot nya. Magkakalatay talaga sya sakin mamaya. " Paano mo ba nalaman ?"

"Wag mo na akong tanungin ! Sumagot ka na lang kung hindi..Babasagin ko yang windshield ng kotse mo !" Iritang singhal ko.

"Whoah ! Oo na sasabihin ko na. Nandito na kami sa airport----

"What ?! Nasaan si Rhian !?" Natataranta na ako sh*t !

"Actually kanina ka pa nya pinapakinggan,Wagas kang makasigaw eh.Daig mo pa yung nakalunok ng megaphone." Balik singhal nya sakin. "Delayed yung flight nya kaya makakahabol ka pa,pakidalian mo na lang dahil baka wala ka ng abutan kasi nandito si Lovi." Pabulong na sabi nya kaya napasimangot ako. Ano na naman ginagawa ng babaeng yun dun ? epal masyado.

Di ako sumangot.
Binilisan ko na lang ang pagmamaneho para makarating ako agad.
Buti na lang wala masyadong traffic kaya pwede kong gawinh race track tong kahabaan ng Manila.

"Rhian !!" Tawag ko sa babaeng nakatayo at mukhang seryosong nakikipag-usap kila Chynna. Alam kong haggard na ang itsura ko dahil galing ako sa pag-iyak kanina pero wala akong pakialam ! Ang mahalaga ay naabutan ko sya.

"Why are you here Glaiza ?" Malamig na tanong nya sakin. Hindi ko iyon pinansin,mabilis ko syang niyakap.

"Dont leave please.." Sambit ko sa kanya. " I love you." Narinig ko ang pagsinghap nya,Muling nagkabuhay ang mga mata ngunit agad din iyon nawala at mapakla syang ngumiti sa akin.

"Kinalimutan ko na yung damdamin ko para sayo,And now you love me ?I dont think i still have feelings for you anymore because i remember how much i wanted you to love me before but now its too late." Idinistansya nya yung sarili nya sakin.

"I can't invent feelings i dont have anymore." Dugtong nya.

Kung Kanina ay para akong nanghihina habang ibinabalik kay Solenn yung singsing,Ngayon naman para akong sinasaksak ng mapurol na kutsilyo sa dibdib.

"Rhian..please.." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ang gusto ko lang yakapin sya ng mahigpit,At wag na syang hayaang umalis.Nais kong hawakan yung kamay nya,sabihin na dito na lang sya
Pero Paano ? Nasaktan ko sya ,Minahal nya ako pero anong ginawa ko ?

"Goodbye Glaiza."

Iyon na ang huling Salitang narinig ko mula sa kanya.
Wala akong nagawa kundi tanawin sya habang hila ang maleta na naglalaman ng mga gamit nya.

TO BE CONTINUED..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RaStro StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon