Until I Lied (3)

883 53 9
                                    

RPOV
2 Months Later

Madalang ko ng makasama si Glaiza.
Madalas ay inuumaga na sya ng uwi at hindi na nya narereplyan yung mga text ko.
Hindi na rin nya ako sinasama o inaanyayahan kapag may gig sila na labis kong ipinagtaka.
She's not the typical GlaizaDe Castro na hindi sumasama sa gig kapag hindi ako kasama.

Tulad ngayon.
Sinundo ko sya Bar dahil sobrang lasing na daw ito at nanggugulo na.
Kailan ba sya nag-umpisang magbago ?
Nung Hindi ako nakapagpaalam sa kanya na may Date ako ? O nung sinabi kong Boyfriend ko na si Miggy ?
Pero hindi. Masaya sya para sakin at puro bilin pa nga sya kay Miggy nun.😒

Pagkatapos kong bayaran yung nga nainom nya at humingi ng dispensa sa lalaking sinuntok nya ay agad ko na syang nilabas sa bar at inalalayang pumasok sa Kotse.
She's so wasted.😫

Tahimik lang sya at hindi ako pinapansin.
Pakiramdam ko ay may mataas na pader na nakapagitan sa amin.

"Glaiza ? " Tawag ko sa kanya. Pero hindi sya umimik ni hindi ako nilingon. " ano bang problema ? Ano bang nangyayari sayo ?!" Inis na tanong ko. " look at yourself,you're so wasted !"

Napayuko sya.

Hindi sya nagsasalita hanggang sa makarating kami sa bahay nila.
Inalalayan ko syang pumasok sa loob.

"Maupo ka dyan. Ikukuha kita ng maiinom." Sabi ko sa kanya.

"Im a Lesbian."

Napalingon ako sa kanya.

"What ?" Tanong ko baka kasi nagkamali lang ako ng dinig.

Tumingin sya sakin.

"IM A LESBIAN." Ulit nya sa mas malinaw na paraan. "Im a lesbian,Rhian..im sorry,ive been like this since school days.." Humihikbing sabi nya.

"Its okay Glaiza..Ta-tanggap ko. Okay lang sakin kahit ganyan ka." Nauutal na sabi ko.

"The problem is...i fall in love..with you.😭".Nagpunas sya ng luha. " Im sorry i lied."

Napapikit ako at hinihintay na dugtungan nya ng joke yung sinabi nya pero wala.
Unti unting nagsink-in sakin yung mga sinabi nya. Unti unting nagflashback sakin ang lahat.
Ang tagal namin naging maging magkaibigan paanong hindi ko nahalata ?!😣 she gave me too much signals..Yung pagpupuyat nya para sa The Richmans Daughter,Yung pinanood naming Yes Or No..yung paulit ulit na pagkukwento nya tungkol sa Korrasami..😫 bakit hindi ko nahalata ?! Bigla akong nandiri nung maalala ko yung paghawak nya sakin,yung kiss,yung pagyakap ko sa kanya..

Napahawak ako sa batok ko pagkatapos ay napaiLing ako.

"You gotta be kidding me." Natatawang sabi ko. " you're joking right ? Tell me Glaiza. Joke lang to di ba ? Binibiro mo lang ako di ba ?"

Nayuko sya.

Napaawang ang bibig ko ng makita kong seryoso sya.

"Okay lang kung iiwan mo na ako ngayon,kung lalayo ka na,kung mandidiri ka ..naiintidihan ko." Malungkot na sabi nya pagkatapos  tumayo na sya. " Pakisara na lang yung gate pag labas mo. Salamat."

She's about to walk ng hawakan ko yung braso nya.

"Glaiza please.. Ayusin natin to. Tanggap ko naman kung maging ganyan ka man. Just please..please,wag ako.😭" Umiiyak na pakiusap ko sa kanya. " iba na lang..Magkaibigan tayo."

"Yun na nga eh,bakit kailangang magkaganito ?" Umiiyak din na sagot nya.

Niyakap ko sya ng mahigpit.
Ayokong isipin na lesbian sya.
Ayokong isipin na mahal nya ako ng higit pa sa pagiging magkaibigan,Ayokong maramdaman na may malisya na ang lahat. Ayokong mawala sya.😭

RaStro StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon