Someday (5)

514 51 3
                                    

RPOV

"congrats" Tipid na sambit ko habang nakatitig sa kawalan. Last week ay nagpropose si Glaiza kay Solenn at syempre bilang supportive na kaibigan ay nandon ang lahat kasama na ako. "Sure ka na ba talaga ? i mean,lalagay ka na sa tahimik?"

"Buong buhay ko ngayon lang ako naging sigurado." Nakangiti nyang sagot. Napabunting hininga ako. "ikaw ? kailan ka ba magpapakasal ?"Natatawang tanong nya.

Natawa ako ng mapakla.
Ako ? Magpapakasal? Kanino ? Sa sarili ko ?

"Dont tell me wala pang nanliligaw sayo ?" Dugtong na tanong nya sabay lingon sa akin.
Minsan iniisip ko kung bakit may mga taong katulad nya ? Sobrang Manhid😒. "hahaha !! i knew it ! wala ? as in? di nga ? ano ba kasing gusto mo?"

Inirapan ko sya bago ako muling tumingala sa kalangitan at nagbilang ng bituin.

"I only want two things in this world..I want you..i want us." Pabulong na sabi ko sapat lang para ako lang ang makarinig. "Pake mo ba hah Glaiza ?" Mataray na tanong ko kaya lalo syang natawa.

"Wow hah ? So nagtataray ka na ngayon ? haha tsaka alam mo..Wag kang bumulong bulong dyan..Alam mo ba ang kasabihan ? Anumang bagay na ibinubulong ay hindi totoo."- Glaiza.

Paano ko naman sasabihin ng harapan na Mahal ko sya ? Na mahal ko na sya dati pa,Bago pa nya makilala si Solenn.
Ano na lang ang iisipin nya sakin ? Na sinasamantala ko yung pagiging magkaibigan namin ?

"Uy joke lang,eto naman hindi mabiro." Pukaw nya sakin . Nagulat ako ng akbayan nya ako bago sya tumingala sa kalangitan. "Alam mo,Nung nagpunta ka sa ibang bansa..ako lang mag-isa lagi ang nandito sa rooftop.Mag-isa kong binibilang yang mga bituin na yan.Sila chyns naman kasi madalas ay busy at madalang lang magawi dito. Namiss kita ng sobra alam mo ba yun ?"

Hindi ako kumibo kasi hindi ko naman alam yun.

"Hindi ko naman maisama si Solenn dito kasi lagi rin syang wala sa tabi ko,madalas ay nandun sya lugar ni Raf..ex nya." Kwento nya.Napasimangot ako.

"Bakit ka pumapayag na nagpupunta sya dun ? Ex nya yun..di ka ba nag aalala na baka magkaroon sila ng something." Nakabusangot na tanong ko. Napangiti sya ng mapakla.

"I love her Rhi..Siguro hindi mo ako naiintindihan 😅.. May sarili rin syang mga gusto..Ayokong sakin lang umikot yung mundo nya,okay na sakin yung maging parte lang ako nun. Ayoko syang kontrolin.". Okay fine 😒 Si Solenn na ang maswerte. "ayoko syang mawala sakin."

Ano ba ang nangyari sa Glaiza na hinahangaan ko ? Yung Glaiza na attention seeker,Yung Glaiza na ayaw maitsapwera,Yung Glaiza na Gusto sya lang at wala ng iba,Yung Glaiza na minahal ko..

"Anong nangyari sayo.." Naisantinig ko kaya nagtatakang napalingon sya sakin.

"ha?"Tanong nya. Napapikit ako..This is it.Its now or never.

"nagayuma ka ba ? Because you didnt want to lose her,you lost yourself in the process. Its not you anymore." Salubong ang kilay na sabi ko sa kanya pagkatapos ay tumayo ako.Tumayo din sya at hinawakan ako sa braso.

"uy,anong problema mo ?" Takang tanong nya. "may nasabi ba ako ?"

"yung girlfriend mo hindi mo kasama ngayon dahil ano ? Kasama ng ex nya,gumimik ? Pinayagan mo at sabi mo sanay ka na sa ganon ? Glaiza naman !! Ano ba ?" Naiinis na sigaw ko.

"alam mong hindi ako mahilig sa night life..Kaya pinayagan ko sya kasi ayokong mabored sya." Nakayukong sagot nya,sarap batukan neto.

"You know what ? You became a girl who kept being mistreated and you formed a habit of saying IM USED TO IT . Ikaw yung babaeng hindi naaappreciate ng girlfriend pero okay lang sayo ?! Hindi ka nya pinahahalagahan tapos you became a girl who kept being taken for granted and you dealt with it by repeating EVERYTHING'S OKAY !?----

"Anong gusto mong gawin ko ?!" Singhal nya kaya napaatras ako. "Sya yung kasama ko nung mga panahon na sobrang lungkot ko. Sya yung nasa tabi ko nung panahong kailangan ko ng masasandalan !! Rhian ..Sya yung nandito eh..sya yung nandito na dapat ikaw ang nasa tabi ko !"Tuluyan na syang nagbreakdown. Naguluhan ako bigla sa sinabi nya.

"What do you mean ?" Tanong ko.

"I love you .. but it doesnt matter anymore..Wala ka naman palagi..Im Used to it."Malungkot na sagot nya bago ako tuluyang lampasan at iwanan.

TO BE CONTINUED..

RaStro StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon