DESTINED TO BE THE PERFECT TWO(6)

1.1K 63 3
                                    

RPOV
@Glaiza's Unit

So far ay naging maganda naman yung takbo ng relasyon namin ni Glaiza.
Mahilig sya sa surprises. Every monthsarry namin ay hindi sya nawawalan ng mga pakulo.
She never failed to impress me and that's made me love her even more.
Inopen na rin namin yung relationship namin both sides. Mas maganda ng malaman nila samin kesa sa ibang tao pa nila malaman.
Nung una ay hindi nila matanggap,pero nung makita nilang mahal ko talaga si Glaiza at gumagawa sya ng effort to prove herself ay unti-unti na syang tinanggap ng family ko.

"Hmm i smell something. What's that amazing smell ?" Tanong ko habang nilalanghap yung mabangong amoy na nagmumula sa kusina kaya nagpunta ako doon. "Ang bango.."

Napalingon naman si Glaiza.
She was wearing a maong short and sando na pinatungan ng apron at napaka-sexy nyang tignan.

"Hey..i- bakit nandito ka ?" Takang tanong nya ng makalapit na ako. "Rhian,stop kissing me. Hindi ako makapag-concentrate. Akala ko ba busy ka ngayon ?"

"Hmm ? Plano ko kasing i-surprise ka. Hehe patikim naman ako nyan." Tukoy ko sa Cake na nilalagyan nya ng icing at designs. "Ang bango.."

"Haha ! Mamaya na. Palamigin muna natin. Dadalhin ko sana to mamaya sa unit mo kaya lang..well nandito ka na so dito na lang natin kainin." Nakangiting sagot nya.

Yumakap ako sa kanya mula sa likuran nya.

"I love you Glaiza.." Bulong ko.

"I love you,too babe." Naka-smile na sagot nya.

"Wag mo akong iiwan hah ?" Naglalambing na sabi ko.

Naramdaman kong natigilan sya.

"O-oo naman. Syempre." Nauutal na sagot nya." Im done ! Wait lang. Lalagay ko lang to sa ref. Hintayin mo na lang ako sa sala. Nood tayo ng cartoons."

Bumitaw ako sa kanya.

"Okay. Sunod ka kaagad hah ?" Sabi ko bago tuluyang lumabas sa kusina.

She's Acting weird these past few days.
Madalas ay nakikita ko syang tulala at parang wala sa sarili.
Minsan naman ay aabutan ko sya sa office nya na namumugto ang mata tapos kapag tinanong ko kung napano sya,iiling lang sya tapos tatawa at sasabihing mahal na mahal nya ako.

"Ano gusto mong panoorin natin ? Anime lover ka kaya ikaw na pumili." Sabi ko sa kanya ng maupo sya sa tabi ko.

Naghalungkat sya sa mga CD na nakalagay sa divider ng TV nya.

"Glaiza,what's that ?" Tukoy ko sa braso nya dahil may markang itim doon. Hindi naman as in itim talaga,medyo violet sya na maitim na medyo kulay red. Basta ganon.

"Ah ? Wala. Nabunggo ko kasi kanina yung mesa. Ayan,nagkapasa tuloy. Pero di naman sya masakit so okay lang." Nakangiti nyang sagot. "Eto na lang. The Legend of Korra Season 2."

"Maganda ba yan ?" Tanong ko.

"Yeah. Actually parang tayo yung bida dito. Ako si Korra,ikaw naman si Asami 😊." Sagot nya bago isalang yung Cd pagkatapos ay tumabi na sya ulit sakin.

Kumapit ako sa braso nya pero agad ko din syang binitawan ng bigla syang dumaing na masakit daw.
Masakit ? Bakit ? May Ground ba yung katawan ko at nasasaktan na sya ngayon ?

"Grabe ka sakin hah. Kung ayaw mong magpahawak sabihin mo lang." Singhal ko sa kanya. Ang arte.

Napabuntong hininga sya bago dahan-dahang umakbay sakin.
Kitang kita ko yung pag ngiwi nya.
Ano bang problema ng babaeng to ?😒

"Im sorry Babe..binibiro lang kita. Hehe." Tumatawang sabi nya kaya kinurot ko sya sa braso.

"Ouch !" Daing nya. " Sorry na nga eh."

Di ko na lang sya pinansin at nagfocus na lang ako sa palabas.
Totoo nga yung sinabi nya. Cartoon version naming dalawa yung mga bida sa Movie.😊😍

"Glaiza..look at them,ang cute nila 😊." Nakangiting sabi ko habang nakatutok pa rin yung mata ko sa TV.

No Response.
Kaya nilingon ko sya.
Una kong napansin yung bahagi ng braso nya na kinurot ko kanina.
Di naman madiin yun ah ? Bakit nagkapasa ?
Ang sensitive naman yata masyado ng balat nya ngayon ?

"Glaiza ? Bakit parang napapadalas yung pagkakaroon mo ng pasa ?" Takang tanong ko sabay haplos sa braso nya. " im sorry." Sabi ko pero nagulat ako ng biglang bumagsak yung ulo nya sa balikat ko. "Glaiza ? " Tawag ko.

Ano ba yan!?
Sabi manonood daw kami. Tapos tutulugan lang pala ako.😡
I was about to push her nang may makita akong malaking pasa sa bandang balikat nya.
Kitang kita iyon dahil nakasando lang sya.
Inangat ko yung damit nya at tuluyan na akong napaiyak ng may makita pa akong tatlong maliliit na pasa sa bandang tagiliran at tummy nya.

I rush her to the nearest hospital.
Tinawagan ko na din yung parents nya pati sila  Jade at Jae Eun.

"What happen ?" Natatarantang tanong ni Jade.

"I dont know. Nanonood lang kami ng movie..hindi ko alam na wala na pala syang malay non. Akala ko tinutulugan nya lang ako. Tapos nakita ko ang dami nyang pasa sa katawan.😭😭😭" Umiiyak na paliwanag ko." What i am going to do ?? Paano kung may mangyari sa kanya ? Hindi ko kaya.."

"Ssshhh..Everything will be alright. Ipagdasal nalang natin ang kaligtasan nya." Alo sa akin ng mommy ni Glaiza.

"Jade..😭 she'll be okay di ba ?" Umiiyak na tanong ko." Wala ba syang nakukwento sayo ?"

"Wala naman,pero madalas ay dumadaing sya na masakit yung katawan nya. Akala ko ay pagod lang sya .." Sagot ni Jade.

Sumilip ako sa pintuan ng kwarto ni Glaiza.
She was now wearing a hospital gown. Ang daming aparatos na nakakabit sa katawan nya. Naka-oxygen na rin sya.

Brain Cancer,Stage 4

Nakaupo ako sa tabi ng kama ni Glaiza.
Matagal na pala syang may Brain Cancer,kaya pala lagi nyang sinasabi na masakit yung ulo nya. At ngayon ko lang nalaman na unti-unti na palang nalalagas ang buhok nya.
Hinaplos ko yung braso nya.

"Babe..di ba sabi mo hindi mo ako iiwan ? Lalaban ka di ba ? Magpapakasal pa tayo,babalik pa tayo sa peryahan tapos kakanta ka pa para patas tayo.." Umiiyak na sabi ko habang nakahawak sa kamay nya. " Ang daya mo naman eh.. Bakit hindi mo sinabi sakin ? Nakakainis ka Glaiza ! Bakit ka naglihim ?😭"

"Rhian,magpahinga ka na. Kami na lang muna ang magbabantay kay Glaiza." Malungkot na sabi sakin ng mommy ni Glaiza.

"No,tita. Dito lang ako. Baka magising sya at wala ako. Magtatampo na naman to." Sagot ko habang nakatingin kay Glaiza. " kahit maging kalbo ka pa,mamahalin pa rin kita." Bulong ko.

Tahimik na naupo yung parents ni Glaiza.

"Gumaling ka lang..agad agad,pakakasalan kita. Kahit ngayon na. Kahit saang simbahan." Patuloy ko.

But there is no sign na gigising sya ngayon kaya yumakap na lang ako sa braso nya para maramdaman ko  kapag gumalaw sya.

"I love you so much Glaiza. Please,fight for yourself. Fight for us." Bulong ko bago tuluyang pumikit.

TO BE CONTINUED..

RaStro StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon