Until I Lied(1)

1.3K 56 3
                                    

A/N: Another story for Rastro 😂

RPOV

"I owned one of the best Bus Company here in the Philippines. Kaya kitang buhayin,hindi mo na kakailanganin pang magtrabaho bilang isang model dahil mayaman ako at--

"Wait,slow down. I-i..i just need to go to the comfort room. Excuse me." Pakikiraan ko sa lalaking kaharap bago nagmamadaling naglakad patungo sa Ladies Comfort room.

To: Glaiza
Hey ! I need you here. Ngayon na !

From:Glaiza
Bakit ? Nasa date ka di ba ? Ano ka ba,ienjoy mo muna ang gabi !😂

Napasimangot ako sa reply nya kaya agad kong dinial yung number nya para naman masigawan ko sya.

"Hello ! Bwiset ka ! Sunduin mo na nga ako dito.😣 Kanina ko pa gustong umuwi. My god ! He's getting into my nerves !" Inis na sabi ko kay Glaiza over the phone.

"Okay,okay..wag kang sumigaw. Pupuntahan na po kita mahal na reyna." Sagot nya na kahit hindi nya sabihin,alam kong nagpipigil sya ng tawa.

Ilang taon na ba kaming magkaibigan ?
10 years ? No. 13 years to be exact.
She became my best buddy during school days.
At sya rin ang walang sawang nagbubugaw sakin sa kung sino sino na puro palpak naman.😣

Sumilip ako mula sa pintuan ng cr at tinanaw yung ka-date ko na mukhang naiinip na.
Ang yabang nya ! Grabe 😣 anong akala nya sakin ? Mukhang pera ? Saan kaya napulot ni Glaiza yung lalaking yun ?😒

Pagkatapos kong mag-retouch ay bumalik na ako sa table namin.
Agad naman syang ngumiti ng makita ako.
Actually,gwapo naman si Luis..Sadyang mahangin nga lang at sobrang turn off ako sa ganon.

"Im sorry kung medyo natagalan. Tumawag kasi si mommy,may emergency daw sa bahay." Pagsisinungaling ko.

"What happen ? " Nag aalalang tanong nya.

"Uhm ano--

"Rhian ! Whew !" Hinihingal na tawag sakin ni Glaiza kaya napangiti ako. Sa wakas ! Makakatakas na ako sa date na to. " Hi Luis,Im sorry pero kailangan ko na kasing sunduin si Rhian."

"Uh,yeah. Actually nasabi na nga nya sakin na may emergency daw sa bahay nila. Ako nalang ang maghahatid sa kanya." Sabi ni Luis.

"Hah ?! No. Wag na. Si Glaiza na lang tutal nandito na sya. Lets go Glai.." Aya ko kay Glaiza sabay hawak sa braso nya. " well go ahead Luis." Paalam ko.

"Ok. Take Care. See you again."

Hindi na ako sumagot dahil wala na akong balak makipagdate ulit 😣

Nagpasya kami ni Glaiza na manood nalang ng movie sa malapit na mall para madivert yung inis ko.

"What happen ? Bakit nagmamadali kang umalis sa date mo ? Di mo ba sya nagustuhan ?" Tanong ni Glaiza habang nanonood kami at kumakain ng popcorn.

"He's nice,kaya lang mayabang." Sagot ko.

"Ganoon ba ? Sige,ipapakilala nalang kita dun sa ka-banda ko. Gwapo din yun." Nakangiting sabi nya kaya napasimangot ako.

"Glaiza,pang ilang date na ba to  ? Pang anim ?  Yung una mong pinakilala sakin,Mama's boy. Yung pangalawa,Mukhang totoy. Pangatlo..hiwalay sa Asawa. Yung pang apat,May putok..My god,di ko talaga makalimutan yun.😒 tapos yung panglima naman..Bad breath ! Kainis,okay na sana eh. Si luis naman..hari ng yabang ! Baka naman yang ipapakilala mo hari ng libag !😒😒" Inis na sabi ko sabay subo ng popcorn. Narinig kong humagikhik sya kaya hinampas ko sya sa braso.

"What ? Haha ! Eh di ko naman kasi maitindihan kung ano ba talaga gusto mo." Natatawang sabi nya.

"Gusto ko gentleman. Gwapo. Mabait,malinis sa katawan. Sweet,loyal..hindi presko,at higit sa lahat--

"Rhian,walang ganyan." Putol nya sa sasabihin ko. "Perfect na tao ang hinahanap mo kaya walang ganon."

"Kainis ka naman eh ! Ihanap mo ako ng ganon. " Singhal ko sa kanya.

Natawa naman sya.

"Okay. Try and try until you die--este until you succeed. Haha. Saan tayo after nito ?" Tanong nya.

"Ewan ko. 8:15 pa lang. Punta tayo sa bahay ng boyfriend mo. Buti ka pa may Forever." Sagot ko.

"Haha ! Forever agad ? Tsaka wala akong boyfriend okay ? Benjamin is just a friend. A male Friend. Not a boyfriend." Natatawang sabi nya. "Punta na lang tayo sa Condo. Nood tayo ng The Richman's Daughter. Ang ganda na ng eksena eh. Ngayon na yung ending nun. Cant wait to watch the last episode.." Excited na kwento nya.

"Puro ka ganyan. Kamukha mo na si Althea kakapanood mo ng TRMD. Wala na bang iba ? What about manood tayo ng Thai Movie ? Yung love story."

"Yes Or no ! Maganda yun. Swear !" Mabilis na sagot nya at bahagya pang napatayo.

Tinignan ko sya ng makahulugan.

"Okay ??? Di ko pa naririnig yang movie na yan. Pero mukha ngang maganda dahil excited ka. So tara ? Wag na natin tapusin tong movie. Ang pangit na eh."

Magkasunod kaming lumabas ng sinehan.

"Glaiza,ano ba yung mga gusto mo ? I mean sa taong mamahalin mo.?" Takang tanong ko dahil kahit minsan ay wala pa syang pinapakilala sakin.

"Simple lang,yung mahal ko at mahal ako." Nakangiti nyang sagot bago ako alalayan maupo sa front seat. "Yung simpleng tulad mo."

"Hah ?" Tanong ko dahil hindi ko na halos narinig yung huli nya sinabi.

"Sabi ko yung seatbelt mo. Pakikabit na." Natatawang sabi nya bago i-start yung kotse.

Natawa na lang ako.😂

Nakarating kami sa Unit nya ng wala pa halos 15 minutos.
Pinaupo nya ako sa sofa pagkatapos ay dumiretso sya sa kitchen para kumuha ng maiinom at makakain namin habang nanonood kami.

Pagbalik nya ay inopen nya yung laptop nya pagkatapos ay kinonect nya sa 42 inches LED Tv nya.
Naupo sya sa tabi ko kaya sumandal ako sa balikat nya habang hawak nya yung bowl na may lamang french fries.

"Glaiza. Ang hilig mong manood ng ganyan." Tukoy ko sa pinapanood namin. Lesbian story kasi yung palabas. "Lesbian ka ba ?" Tanong ko.

Hindi sya sumagot.

"Syempre hindi di ba ?😂 masyado kang maganda kapag naging lesbian ka. Mahilig ka lang talaga siguro sa ganyang mga palabas fo support LGBT Community." Natatawang sagot ko sa sarili kong tanong.

"What if lesbian nga ako ? Lalayuan mo ba ako.?" Tanong nya kaya napatingala ako sa kanya.

"Depende. Okay lang naman kung maging lesbian ka. Ang cool non..just .hmm,wag ka lang mahuhulog sakin dahil hindi ko alam kung paano ka sasaluhin..so lesbian ka ba ?" Nakangising tanong ko.

"Hindi. Tsaka if ever man na mangyari yun,hindi ako mahuhulog sayo. May taste ako. Haha gusto ko kagaya ni pie. She fight for kim. " Tukoy nya sa pinapanood namin.

"Arte mo. Mas maganda kaya ako dyan." Nakasimangot na sagot ko.

"Haha ! Manood ka na nga lang. Daldal mo eh." Saway nya sakin kaya tumahimik na lang ako hanggang sa matapos yung movie.

"Tara,hatid na kita. Late narin kasi." Aya nya sakin pagkatapos nyang ligpitin yung pinagkainan namin.

11 o'clock na ng gabi ng maihatid nya ako.

"Good night,Glaiza. Take Care okay ?" Bilin ko sa kanya pagkatapos ay hinalikan ko sya sa pisngi.

"Good night,Whiwhi 😂" Paalam nya.

Hinintay ko muna mawala sa paningin ko yung kotse nya bago ako pumasok sa Gate.

TO BE CONTINUED..

RaStro StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon