GPOV
"Rhi,okay ka lang ? kanina ka pa tulala dyan." Narinig kong sabi ni Mike. Wala sa loob na napatingin ako kay Rhian.Ang totoo ay hindi ko alam kung okay lang ba talaga Sya. "Wag mo ng isipin yun,mahal ka din non."
Lately ay napapansin kong kakaiba ang mga ikinikilos nya.Weird but true. Lumingon sya sakin kaya nag-iwas ako agad ng tingin at bumaling kay Solenn na mukhang lasing na lasing na dahil ang daldal na nito.
"Oy Rhian,Na inlove ka na ba ?" Tanong ni Solenn kaya sinaway ko sya. Mukha kasing wala sa mood si Rhian. "Sshhh .. Let me be babe,Gusto ko lang makipagkwentuhan sa bestfriend mo."
"I did." Tipid na sagot ni Rhian. "But i wish i didnt." Dugtong nya habang nakatitig sa akin. Whoah !!! Ano na naman kasalanan ko sa kanya ?
Naalala ko lastweek lang ay nakatulog sya sa rooftop. So ano ? galit pa rin sya sakin dahil ginising ko sya ? Ang lakas kaya ng hilik nya nun,nag-aalala lang naman ako na baka binabangungot na sya eh.😒
"Ano ka ba naman ,Di mo na dapat sya tinatanong ng ganyan..She's inlove okay ? Look at her ..She's smilling out of nowhere." Sabat ni Kath.
" Yeah..She's smilling but dont let that fool you. Look into her eyes,She's breaking inside.----
"Sol..Lasing ka na." Saway ko kay Solenn. Mukha kasing wala syang balak tigilan si Rhian. " Come on,Hahatid na kita sa room. Magpahinga ka na."
Maingat kong inalalayan si Solenn.
Bakit ba parang ang bigat ni Solenn ngayon ? Tsk ! Ang hirap pa naman hanapin ng guestroom dito sa bahay ni Luis. Tsk tsk tsk !"babe.." Ungol ni Solenn bago pilit idilat ang mga namumungay na mata. "Im sorry for everything.."
Napangiti ako.
Hindi ko alam,basta napapangiti lang ako bakit ba ?"Hindi ka naman mawawala sakin di ba ?" Tanong nya ulit kaya napilitan akong huminto sa paghakbang at hinarap sya.
"Hindi ako mawawala sayo kahit anong mangyari." Pagbibigay ko ng assurance sa kanya. "Hinding hindi."
"kahit pasaway ako ?" Tanong nya. Bakit ba ang dami nyang tanong ngayon ? "Kahit maldita ako ? Kahit mahirap akong pakisamahan ?"
"Kahit ano ka pa." Natatawang sagot ko pagkatapos ay hinalikan ko sya sa noo.
Napangiti sya sa ginawa ko pagkatapos ay walang babalang inangkin yung mga labi ko.The kiss last for about 1 minute bago sya bumitaw. "para naman saan yun ?""For loving me unconditionally." Nakapikit na sagot nya bago tuluyang makatulog sa bisig ko dahil sa kalasingan.
Pagkatapos kong mahanap yung kwarto na tutuluyan namin ay inihiga ko na sya at maingat na inayos yung unan at kumot para maging komportable sya. Nakangiti akong habang pinagmamasdan sya. Haaayyy😇😇😇😍😍😍
"Oh asan na yung iba ?" Tanong ko kay Rhian ng abutan ko syang nakaupong mag-isa sa balcony habang nilalaro yung alak sa baso. "Sabi ko ihahatid ko lang si Solenn sa kwarto eh."
Hindi sya sumagot,Ni Hindi man lang ako nilingon.
"Im sorry ." Basag ko sa pananahimik nya dahil mukhang wala syang balak na kausapin ako. Sa sinabi ko ay napatingin sya sakin.Bigla akong nakaramdam ng kung ano,Para bang binabasa nya yung pagkatao ko sa klase ng pagtitig nya.
"Sorry for what ?" Tanong nya bago muling nag-iwas ng tingin at tumanaw sa sa malayo. "She's so lucky to have you.." Dugtong nya kaya napakunot noo ako.
"Rhian..may problema ka ba ?" Tanong ko sa kanya bago ako tuluyang lumapit. "Come on,tell me."
"Hindi ka ba magagalit ? Okay lang ba sayo kung sasabihin ko ?" Nanghahamong tanong nya habang nakatitig ng deretso sa mga mata ko. Umiling ako. She's my bestfriend at hinding hindi ako magagalit sa kanya.
"Everyday i think to myself,should i smile because we're friends ? or should i cry because that's all we'll ever be ?. You know what's the awkward moment ? Its when you realize that you're inlove with your bestfriend but you cant say anything because you know it would ruin everything. I love you Glaiza." Halo-Halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon,Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit o dapat akong matuwa. Paulit-ulit na naririnig ko sa utak ko yung mga huling katagang binitiwan nya.
"Nagbibiro ka lang tama ? Binibiro mo lang ako di ba ?" Natatawang tanong ko sa kanya pero hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha nya.Nandon pa rin yung kaseryosohan sa mga mata nya. Mabilis ko syang niyakap. " No rhian,please .. dont do this.." Nagmamakaawang sabi ko habang yakap sya ng mahigpit. "May mahahanap ka pang iba,yung mamahalin ka ng walang kahati,Yung hindi ka sasaktan.."
"I cant.." Sagot nya pagkatapos ay pilit nyang inalis yung mga braso ko na nakayakap sa kanya. Umiiyak na tinignan ko sya. " I love you and you dont love me but that's fine,Ill be okay. Ill fight through it,even though it hurts now..it'll get better,Im sure with it."
Napayuko ako ng makita ko kung paano maglandas yung unang luha nyang ngayon ko pa lang nakita,Yung unang luha na ako ang dahilan..Mahal ko sya,pero bilang kaibigan lang.😔😔
"Rhian..Im sorry.." Nagtangka akong hawakan sya pero mabilis syang umiwas. "Nasaktan kita..Nasasaktan na pala kita ng hindi ko alam."
"Alam mo ba kung ano yung nararamdaman ko everytime na nakikita ko kung gaano mo kamahal si Solenn ? Its like having a broken ribs..Nobody can see it but it hurts everytime you breathe." Alam kong nagpipigil sya ng luha ng mga sandaling iyon. Gusto ko syang lapitan at sabihin na baka naguguluhan lang sya,Na hindi sya lesbian at baka naimpluwensyahan lang namin sya,pero yung nakikita kong sincerity sa mga mata nya ay patunay na alam nya kung ano ang sinasabi at nararamdaman nya ngayon.
"Papatunayan ko kung gaano kita kamahal,bigyan mo lang ako ng chance na patunayan kung gaano kita kamahal..its okay if you dont love me back,just give me a chance to make you understand how much i love you." Napapikit ako sa sinabi nya.
"No,Wala kang dapat patunayan.." Sa wakas ay sabi ko. "I cant and we cant. Im sorry." Dugtong ko.
Muling naglandas sa pisngi nya ang masaganang luha na kanina pa nais kumawala sa mga mata nya.
Tumalikod ako sa kanya pero bago pa ako makahakbang ay muli syang nagsalita.
Mga salita na nagpagulo ng lahat."Someday ill forget about you. At kapag dumating yung araw na marerealize mo na pareho lang tayo ng nararamdaman..Wala na ako sa tabi mo."
TO BE CONTINUED..