CHAPTER 2: 1st interaction

11 0 0
                                    

NAMI'S POV

3 days later.........

*kkkkrrrriiiinnngggg

Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko. Bwisit naman oh. Kita mo namang ang ganda na ng tulog ko dito tapos sisirain lang ng hinayupak na alarm clock na to!

Dinilat ko ang isa kong mata para tingnan kung anong oras na.

TIME CHECK: 6:05 a.m(first day of school)

Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang note sa alarm clock. Nakalimutan kong may pasok na pala ngayon. Agad akong bumangon at dumiretso sa bathroom. Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ng sarili ko, humarap ako sa salamin para tingnan ang sarili ko. 

NAMI: It's so beautiful.

Kaso hindi ko alam kung bagay ba ito sa akin. Bahala na nga. Mag-aaral ako at hindi magfa-fashion show kaya wala na akong pakialam kung bagay ba sa akin itong damit ko.

Kinuha ko na ang bag ko at umalis na. Naglakad lang ako papuntang school para makapag-exercise na rin ako. At saka, ganito rin kasi ang napapanood ko sa k drama eh. Naglalakad lang sila papuntang school kaya gagayahin ko na lang. 

Makatapos ang ilang minuto ng paglalakad ay nakarating na rin ako sa school.

Malaki rin ang school na ito katulad ng school ko sa Canada, pero aaminin ko na mas maganda dito kaysa doon. Napakalawak kasi tapos ang gaganda ng building. Hindi naman kaya ako maligaw dito? Nagmistula na nga yata itong hacienda sa sobrang laki nito eh.

Wala pa naman masyadong tao dahil maaga pa kaya naglibot muna ako. May iba't ibang departments dito katulad ng practical dance, practical music, stage arts, theatre arts, broadcasting arts at basta yun na yun. Ang dami kasi eh, nakakatamad kung iisa-isahin ko pa.

Sa section A-1 ang room ko pero di ko pa alam kung saang lupalop ng mundo ito matatagpuan. Hahanapin ko na lang mamaya.

Sa paglalakad ko, nakarating ako sa sa music room. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok ako. Buti na lang at nakabukas iyon. Napangiti ako nang malaman kong kumpleto ang mga musical instruments dito at mukha pang bago. Gusto ko sanang tumugtog ng piano kaso baka masira ko pa iyan. May pambayad naman ako kaso nakakahiya naman di ba? Kabago-bago ko dito tapos makakasira agad ako.

Umupo na lang muna ako sa sahig at kinuha ang phone ko. Sinaksak ko ang earphones ko at nakinig ako ng music. Yung statue ni lil eddie. Napapasabay na rin ako sa pagkanta. Di bale, wala namang makakarinig sa akin dito eh.

KAI'S POV

Gaya ng kinagawian, alas sais pa lang ng umaga nasa school na agad ako. Maganda kasi ang atmosphere dito sa paligid kapag sobrang maaga pa. Nagjo-jogging ako sa school ground kapag mga ganitong oras. Naka-school pants ako tapos t-shirt para kapag sakaling pagpawisan ako, magpapalit na lang ako ng damit. 

TIME CHECK: 7:02

Pumunta na ako sa restroom para magpalit ng damit dahil malapit ng mag 7:30. Yun kasi ang oras ng pasukan eh. At kapag late ka, sa detention room ang bagsak mo. Kinuha ko ang phone ko para tawagan sina Chanyeol at Sehun.

Mga kupal talaga yun. Baka nga mamaya, tulog pa sila eh. Unang araw pa naman ng klase tapos magpapa-late sila. Di na gumaya sakin.

Di-nial ko ang number ni Chanyeol at agad niya naman itong sinagot.

(NOTE: Korean po ang salita diyan pero translated na para madaling basahin)

[Hello? Nasaan na kayo?]

[Bakit? Miss mo na ba kami?]

[Anong miss? Malapit na kayang mag-time, gag*]

[Oo na, papunta na kami diyan. Ikaw naman, di na mabiro]

BEING ONE OF THE BOYSWhere stories live. Discover now