CHAPTER 22: Medical History

11 0 0
                                    

SEHUN'S POV

Napatingin ako kay Nami nang hawakan niya ang kanyang ulo. Para bang may iniinda siyang sakit kaya hinawakan ko siya sa balikat para iharap sa akin.

Nagulat ako nang makita kong may pumatak na luha sa mata niya kaya naman di ko na napigilan ang di mag-alala.

SEHUN: Nami! Ayos ka lang? May masakit ba sa'yo?

Nag-aalalang tanong ko pero di siya sumasagot at patuloy lang sa paghawak sa ulo niya.

Nakaramdam ako ng kaba nang bigla na lang siyang mawalan ng malay. Buti na lang at naagapan ko agad.

Naalarma na din ang iba kong kaklase kaya nagsimula ng magkagulo dito.

Agad kong binuhat si Nami at dinala sa clinic. Pinahiga ko siya sa isa sa mga kama doon.

NURSE: Anong nangyari sa kanya?

Tanong ng nurse na nagbabantay dito.

SEHUN: Di ko po alam. Bigla na lang siyang nawalan ng malay.

Agad na nilapitan ng nurse si Nami para i-check.

SEHUN: Kumusta po ang lagay niya?

NURSE: May nangyari ba bago siya mawalan ng malay?

Napa-isip naman ako at naalala ko yung pananakit ng ulo niya.

SEHUN: Kanina habang nakikinig kami ng music, bigla na lang sumakit yung ulo niya tapos nahimatay na siya pagkatapos nun.

NURSE: Is that all? 

Naguguluhan man pero napatango na lang ako. Wala na kasi akong ibang alam na dahilan kung bakit siya nahimatay.

NURSE: Sa palagay ko kasi, there's another reason why she lost her consciousness. Base from my observations kasi, hindi normal ang headache na naramdaman niya. I guess she has a severe medical history na naging dahilan kung bakit sumakit ang ulo niya at nawalan siya ng malay.

Medical history? At ano naman ang sakit ni Nami noon?

SEHUN: Ano pong sakit niya?

NURSE: I can't tell. Kailangan ko pa siyang makausap kapag nagising na siya para malaman natin kung ano talaga ang sakit niya. For now, let her take a rest. Para makapagpahinga ang siya.

Tinanguan ko na lang ang nurse tapos umalis na siya.

Nilapitan ko si Nami at umupo sa tabi ng kama niya. 

Nalungkot ako nang maalala ko ang sinabi ng nurse na may sakit siya. Sobrang tagal na naming magkaibigan pero di niya man lang sinabi sa amin na may sakit pala siya.

Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Yeri. 

[Hello Sehun?]

[Yeri, pumunta ka dito sa clinic]

[Huh? Bakit, anong nangyari?]

[Mamaya ko na ipapaliwanag.]

[Okay. Papunta na ako diyan]

Pagkababa ko ng tawag, tiningnan ko ulit si Nami na mahimbing na natutulog. Sana maging maayos na ang lagay niya.

KAI'S POV

Kalahating oras na akong naghihintay dito sa lobby pero wala pa rin si Nami. Kanina pa naman natapos ang klase pero bakit wala pa siya?

Kinakabahan na ko dito sa tuwing pumapasok sa isip ko na may nangyari na sa kanyang masama. Pero sana huwag naman.

BEING ONE OF THE BOYSWhere stories live. Discover now