CHAPTER 37: Reality Behind

21 0 0
                                    

KAI'S POV

BAEKHYUN: Iwan mo na yun Sehun! Ang bagal kasi magdrive hahaha!!

Binatukan ko si Baek dahil sa lakas ng boses niya. 

KAI: Shut up nga!

BAEKHYUN: Bakit ba?

KAI: Psh. Bulag ka ba? Kita mo ng tulog yung asawa ko, ang daldal mo naman diyan.

Inirapan lang ako ni Baekhyun tapos tumingin siya kay Nami.

BAEKHYUN: Di naman iyan tulog eh.

Confident na sabi niya kaya tumingin ako kay Nami.

Nakapikit lang siya atsaka hindi rin ako sigurado kung tulog nga ba iyan. 

KYUNGSOO: Pagbigyan mo na iyan Baekhyun. Inlababo eh.

Sabi niya tapos nagtawanan sila.

Napatingin ako kay Nami nang makita ko siyang nakapikit ng mariin. Kinabahan ako dahil bigla siyang yumuko habang nakahawak sa kanyang ulo.

Mukhang nakapansin na rin sila kaya medyo naalarma sila sa ikinikilos ni Nami.

KAI: Wife..Are you okay? Hey, magsalita ka.

Hinawakan ko siya sa braso pero mukhang hindi niya man lang iyon napansin.

SEHUN: Teka, anong nangyayari?

Naguguluhang tanong ni Sehun.

CHANYEOL: Hey Nami.

Nag-aalala na sila pati ako halos di na magkanda-ugaga sa dapat kong gawin.

*boogshhh..............

Nagulat kami ng bigla niyang itapon yung cellphone niya.

KAI: Wife, ayos ka lang?

Dahan dahan siyang tumingin sa akin, she's gasping for air. Para bang di siya makahinga ng maayos kaya agad ko siyang niyakap para pakalmahin.

KAI: Wife...ano ba? Magsalita ka naman.

Kinakabahan kong sabi habang hinahaplos ang buhok niya. Naramdaman ko naman na kumalma na siya ng konti.

SUHO: Ito oh, tubig.

Kinuha ko naman yung mineral water na inabot ni Suho at pinainom kay Nami.

KAI: How do you feel now?

Tanong ko sa kanya nang makainom na siya ng tubig.

NAMI: I-I'm f-fine.

Nakakahinga na siya ng maayos kahit paano.

KYUNGSOO: Tawagan na kaya natin sila?

Suhestiyon ni Kyungsoo pero bigla namang tumutol si Nami.

NAMI: No.

KAI: But wife, hindi ka maayos. Pwede naman nating--

NAMI: Hindi na Kai. Sumakit lang yung ulo ko pero.......okay na ako.

She looked at me sincerely. Magsasalita pa sana ako kaso hinawakan ako ni Nami sa kamay ng mahigpit. Di na lang tuloy ako umimik at niyakap ko na lang siya.

I can't really resist my girl.

KAI: Basta, if you feel something, just tell it.

Tumango naman siya at ipinatong ang ulo niya sa balikat ko.

Nakita kong may pinulot si Kyungsoo sa sahig, yung cellphone na binato ni Nami.

KYUNGSOO: Sayang naman nito, Iphone pa naman.

BEING ONE OF THE BOYSWhere stories live. Discover now