CHAPTER 34: The First Snow

18 0 0
                                    

NAMI'S POV

Matapos naming mag-impake ng mga gamit namin, lumabas na kami ng unit ko. Siya na ang may bitbit ng bag ko dahil ayaw niya daw akong mapagod.

Etchosero nga eh maleta lang naman yung dala ko. Hihilahin lang naman yun, di ko naman bubuhatin.

Pagdating namin sa baba, nandoon na nga yung mini bus, nasa labas pa nga sina Luhan, Kris at Lay.

NAMI: Kanina pa kayo?

Tanong ko sa kanila nang makalapit ako.

LAY: Nope. Kadarating lang namin.

NAMI: Ahh.

Kinuha na ni Kris yung maleta ko na dala ni Kai tapos pinasok niya na sa loob. Ginala ko ang paningin ko nang may maramdaman akong nakatingin--este nakatitig sa akin.

Hindi naman sa naga-assume ako or what, malakas lang talaga ang pakiramdam ko.

And I was right, I saw Luhan straightly looking at me. Hindi ko mabasa ang tingin niya. Kaya ang nangyari, nagtitigan kami. But I just smiled at him and he did the same.

KAI: Let's go.

Hinawakan niya ang kamay ko at pumasok na kami sa loob ng mini bus. May driver na nga pala kami kaya yung iba naman nagkukulitan na lang.

Binati nila ako nang madaanan ko sila. Umupo kami ni Kai sa dulo para daw tahimik.

Maya-maya pa ay umandar na ang bus.

BAEKHYUN: HACIENDA GRANDE, HERE WE COME. WUHHOOOO!!

Sigaw ni Baek na nasa unahan nakaupo. Di naman halatang excited siya noh?

SEHUN: Ang ingay mo! Magbabakasyon tayo, hindi magra-rally.

Natawa kami sa sinabi ni Sehun.

Nakita kong may kinuhang mga pagkain si Chen sa bag niya. Hindi ko lang makita dahil nakaharang si Tao.

CHEN: Oh ayan. Binili namin iyan sa China. Pasalubong namin sa inyo.

Naghiyawan naman sila at nilantakan na yung mga chips na bigay ni Chen. Napatingin ako sa kanya nang lumapit siya sa akin habang may bitbit na garapon. 

CHEN: Nami, para sa'yo to oh.

Napangiti ako at inabot yung garapon na binigay niya.

NAMI: Salamat.

Bumalik na siya sa upuan niya at saka ko binuksan yung garapon. Parang nagliwanag ang paligid ko nang makita kong cookies pala ang laman nito.

NAMI: WOW! Ang tagal ko nang hindi nakakain ng ganito.

Sabi ko sabay subo ng isa. Paborito ko kasi talaga ang 'peanut brittle cookies'. Ngayon na nga lang ulit ako nakakain nito eh.

Kumuha ako ng isa at sinubo ko sa katabi ko.

NAMI: Kai, lasahan mo, masarap to.

Tiningnan niya naman yun na para bang inaalam pa kung ano ba yun.

KAI: Mas masarap ka pa diyan eh.

Sinamaan ko lang siya ng tingin tapos tinawanan niya lang ako.

NAMI: Bastos.

Tumawa lang ulit siya kaya sinubo ko sa kanya yung cookies, nakanganga kasi siya eh.

Ako naman ngayon ang sinamaan niya ng tingin, natawa lang ako.

Tinago ko na yung cookies saka mamaya ko naman kakainin. Sinilip ko sila sa unahan, tahimik na sila at mukhang tulog na.

BEING ONE OF THE BOYSWhere stories live. Discover now