CHAPTER 32: Lunch with Them

19 0 0
                                    

KAI'S POV

Napakunot ang noo ko nang makita kong tulala si Nami. Sinundan ko ang tingin niya at nag-init ang ulo ko nang makita kong kay Luhan siya nakatitig.

Ako lang ang dapat niyang titigan at wala ng iba. 

Lumapit ako kay Nami at hinawakan siya sa bewang, dahilan para makuha ko ang atensyon niya. 

NAMI: What do you think you're doing?

Mataray na saad niya habang nakataas ang isa niyang kilay. Ang sungit talaga ng babaeng to.

KAI: I'm just making sure na akin ka lang.

Bulong ko sa tenga niya sabay smirk.

Nagsilapitan na ang exo k sa exo m para magbatian. 

TAO: Musta tol? Grabe wala ka pa ring pinagbago. Ang pangit mo pa rin hanggang ngayon.

Rinig kong sabi ni Tao kay Suho.

SUHO: Ungas ka. Nag shades ka lang akala mo naman kung sino ka ng gwapo diyan.

Natawa na lang kami sa kakulitan ng dalawang iyan.

LUHAN'S POV

Nang tuluyan na akong makalapit sa exo k, una kong napansin ang babaeng kasama nila.

Di ko alam kung bakit parang nakaramdam ako ng tuwa nang makita ko siya. 

Nga pala, nasabi na rin sa amin ni Manager na meron daw siyang bagong member na idinagdag sa grupo, at alam na rin naming babae yun. Kaya sigurado na akong iyang babaeng kasama nila ngayon ay yung bago ng member ng grupo namin.

Nung una, nagulat pa kami pero natuwa rin kami kasi iba rin talaga kapag merong babae sa grupo niyo.

Nang matapos na ang kamustahan at batian session namin ay nagyaya na si Kris na kumain ng lunch.

NAMI'S POV

Time check: 10:30 a.m

Kilala ko na yung anim na kaibigan daw kuno nila. Nakapag-pakilala na rin ako sa kanila kanina kaya kilala na namin ang isa't isa.

Natutuwa nga ako sa kanila eh, puro kasi sila biro.

Naglalakad na kami ngayon papunta ng parking lot. Hindi ako mapakali dito dahil malapit nang mag eleven. Baka malate na ako sa usapan namin ni Mr. Lee.

Bago pa man makasakay si Sehun sa sasakyan ay kinalabit ko na siya. 

NAMI: Sehun, kailangan ko na kasing umalis eh.

Napakunot naman ang noo niya sabay tingin sa wrist watch niya.

SEHUN: Huwag muna. 

Napatingin na rin sa amin yung iba dahil sa lakas ng boses nitong kausap ko. Nahiya tuloy ako.

NAMI: But, I really have to go. Baka kasi mapagalitan ako ni----

KRIS: It's okay Nami. And besides, gusto ka pa naming makasama ng matagal. Huwag kang mag-alala, hindi ka malalate sa lakad mo.

Sabi ni Kris, isa sa mga kaibigan nila na mas matangkad pa kay Chanyeol kaya todo effort talaga ako ditong tumingala. 

Gusto ko pa sanang magsalita kaso nakakahiya naman sa kanila eh. Kaya tumango na lang ako. Bahala na si batman.

Sasakay sana ako sa van na sinakyan ko kanina kaya lang si Kai, bigla na lang akong hinila papunta sa kabila kaya doon na lang ako sumakay. 

Si Suho ang driver namin tapos katabi niya si Lay. Sa likod kaming dalawa ni Xiumin. Tapos sa pinakalikod naman sina Luhan, Kyungsoo at Kai. Yung iba nasa kabilang sasakyan.

BEING ONE OF THE BOYSWhere stories live. Discover now