CHAPTER 11: Pervert Guy

14 0 0
                                    

NAMI'S POV

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang ako naman ay atras ng atras. Ano ba talagang balak niyang gawin? Kinakabahan na ko dito eh. Hindi na nga yata tumitibok yung puso ko. Mas lalo akong kinabahan nang maramdaman kong wala na kong maatrasan dahil headboard na yung nasa likod ko.

Shit! Pano na to? Sobrang lapit na ng mukha niya sakin. Itulak ko na lang kaya siya? Oo tama. Pero bakit parang di ko kaya? Bakit sa tuwing malapit siya sa akin, parang nawawalan ako ng lakas? Gusto ko siyang sampalin, suntukin at saktan para lang lumayo siya pero di ko magawa.

NAMI: L-lumayo k-ka nga s-sakin.

Pinilit kong magsalita kahit na sa loob loob ko ay parang wala na kong mailabas na lakas. Nakita ko kung paano bumuo ang evil smirk sa labi niya na madalas kong makita sa tuwing inaasar niya ko.

KAI: Tss. Ayoko nga. Nag-eenjoy pa ko sa posisyon natin eh.

What the?! Is he flirting with me? AGAIN?! Ka-lalaking tao nito, wagas kung makalandi. Dapat pala talaga sinunod ko nalang yung sinabi sa akin ni Sehun noon na layuan ko na si Kai. Edi sana, hindi ako nilalandi ngayon ng unggoy na to.

NAMI: Alam mo.......

KAI: Hindi ko alam.

Napairap ako sa ka-pilosopohan ng lalaking to. Pero isang nakakalokong ngiti lang ang ibinigay niya sa akin. Sa sobrang inis ko, itinulak ko siya palayo sa akin sabay kuha sa phone ko. Hindi na rin kasi ako komportable sa posisyon namin eh.

Lumayo na ko sa kanya dahil baka kung ano pang kalokohan ang gawin niya.

NAMI: You're such a pervert guy!

Tumawa lang siya ng nakakaasar sa sinabi ko.

KAI: Pervert? Eh mukhang gustong-gusto mo naman yung ginawa ko eh. Want me to do it again?

Isang nakakalokong ngiti ang nabuo sa labi niya na siyang ikinapula ko sa inis.

What the hell?! Never kong ginustong landiin ako ng isang unggoy. 

NAMI: Go out of this room! Ang mga unggoy dapat nasa gubat. Kaya anong ginagawa mo dito ha?! Naliligaw ka yata ng kuta.

KAI: First of all, bahay ko to. So I can do whatever I want. Second, nakikitulog ka lang sa kwarto ko kaya huwag kang magsalita na para bang sa'yo to. And third, huwag mo akong tawaging unggoy dahil hindi ako hayop. May nakita ka na bang unggoy na ganito ka-gwapo, ha?

Spell H-U-M-B-L-E. Pati nga yata ang salitang gwapo nahiya na sa kayabangan ng lalaking to.

Nanahimik na lang ako sabay higa sa kama. Matutulog na lang ako kaysa makipag-usap sa walang kwentang unggoy na yan. Nai-stress lang beauty ko diyan eh. Hmp!

Pero bago pa man ako tuluyang lamunin ng antok, naramdaman kong hinila ni Kai ang kumot para i-kumot sa akin. 

KAI: Jalja. Dalkomhan-kkum( good night. sweet dreams)

------------------------------------------------

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mala-diyosang mukha. Charot. Ano ba yan? Ang aga-aga, kung ano-anong pinagsasabi ko. Lumingon ako sa maaliwalas na paligid ng kwartong to. 

Time check: 7: 34 am

Masyado pa palang maaga. Pumunta ako sa banyo para maghilamos at mag-ayos ng sarili ko. Pagtapos ko sa banyo, inayos ko na yung gamit ko. Buti na lang at sabado ngayon. Kailangan ko na kasing umalis dahil pupunta pa ko sa SME para sa first day ko bilang trainee. Ayokong ma-late noh, nakakahiya kay Mr. Lee. Although hapon pa ang punta ko doon.

BEING ONE OF THE BOYSWhere stories live. Discover now