CHAPTER 42: Love him....

12 0 0
                                    

KAI'S POV
Nang masiguro kong tulog na si Nami. Hinarap ko naman si Suho na nakatayo sa tabi ko.

KAI: Let's go outside. May kailangan tayong pag-usapan.

Hindi na siya nagtanong pa kung tungkol saan ang pag-uusapan namin.

Sinenyasan niya lang yung iba kaya lumabas na kami ng kwarto.

Dumiretso kami sa living room at nagkanya-kanya ng pwesto.

KAI: May kailangan lang akong sabihin.

TAO: Tungkol saan ba tong pag-uusapan natin, Kai?

Tanong ni Tao na halatang inaantok na.

BAEKHYUN: Siguraduhin mo lang na may kwenta tong pag-uusapan natin dahil kung hindi....

Pagbabanta pa ni Baek.

Ako pa talaga ang tinakot? Bigwasan ko siya diyan eh.

KYUNGSOO: Ikaw lang naman Baek ang walang kwenta eh.

HAHAHAHA SAVAGE...

KAI: As I was saying, nakausap ko kahapon yung nurse ng school namin. At.......meron akong nalaman......

I paused and looked at Sehun. Nagtataka siya sa mga sinasabi ko, pero halata rin na mayroon siyang ideya kung ano ang tinutukoy ko.

LUHAN: Anong kinalaman ng school nurse ninyo sa sasabihin mo?

Kinuwento ko sa exo m ang nangyari nung araw na sumakit ang ulo ni Nami at sinugod siya sa clinic. Bakas ang pagkalungkot sa mga mukha nila samantalang nanatiling tahimik lamang ang exo k  habang inaalala ang mga sinasabi ko.

LAY: Can we go straight to the point. Sabihin mo na kung ano ang dapat mong sabihin.

Atat masyado tong si Lay eh. Nagmamadali?

Huminga muna ako ng malalmim bago magsalita. Isa isa ko silang tiningnan at halatang hindi na sila makapaghintay.

KAI: My girlfriend has a traumatic amnesia.

Iba't-ibang reaksyon ang makikita sa kanila nang sabihin ko iyon.

Alam kong hindi nila inaasahan ang sinabi ko. Maging ako ay ganyan din ang reaksyon nang malaman ko ang tungkol doon.

Ilang minutong katahimikan ang namuo sa paligid hanggang sa magsalita si Luhan.

LUHAN: K-kailan pa?

KAI: Hindi ko alam. I haven't talk to her since nang malaman ko yung tungkol dito.

Sa tuwing kakausapin ko naman kasi siya, panay iwas lang ang ginagawa ni Nami. O kaya naman ay iniiba niya ang usapan.

SEHUN: Paanong hindi natin nalaman iyon?

Hindi makapaniwalang tanong ni Sehun.

I just shrugged. Hindi ko rin kasi alam ang sagot sa tanong niya eh.

XIUMIN: What should we do now?

CHANYEOL: Hindi natin to pwedeng hayaan. Hindi biro ang kalagayan niya ah.

KRIS: Maybe we should bring her to the hospital?

Nagkanya-kanya na sila ng suggestion kung anong dapat gawin. Samantalang nanatili akong walang imik.

Nakaka-frustrate lang kasing isipin na hindi mo alam kung paano mo matutulungan ang girlfriend mo.

CHEN'S POV
Maaga akong nagising ngayon dahil sa hindi malamang dahilan. Usually kasi, late talaga akong magising lalo pa at late na rin akong nakatulog kagabi.

BEING ONE OF THE BOYSWhere stories live. Discover now