CHAPTER 4: My Princess

10 0 0
                                    

NAMI'S POV

Kaya pala ganun yung reaksiyon kanina ni Yeri parang nakakita ng multo. Eh mas masahol pa pala sa multo yung nakita niya eh.

Cold lang ang tingin niya sa akin at hindi ko mabasa ang iniisip niya. Akmang lalagpasan ko na siya nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya. Pakiramdam ko, nag-iinit yung pisngi ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Normal pa ba to?

KAI: Saan ka pupunta?

Cold na sabi niya habang hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.

Pakialam niya ba? Kanina lang kung makatingin siya, kulang na lang patayin ako at i-salvage tapos ngayon magtatanong siya kung saang lupalop ng mundo ako pupunta? Damn.

Inalis ko ang kamay kong hawak niya at hinarap siya. 

NAMI: You don't have f*ck*n care of where in the hell in this world am I going. Bakit? Sino ka ba?

Napakunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Pero agad niya rin iyong binawi at sinamaan ako ng tingin. Hindi naman ako nagpatalo kaya ang nangyari, nagpapatayan na kami sa pamamagitan ng mga death glares namin sa isa't-isa.

''Nami'', napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Sehun at nakita ko silang lima. Lumapit sila sa amin at pinalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Kai.

BAEKHYUN: Nami, kanina ka pa namin hinahanap, nandito ka lang pala.

Oo nga pala. Nawala sa isip ko, si Kai kasi eh. Nakakahiya tuloy sa kanila. Binaling ko ang tingin ko kay Baekhyun.

NAMI: I'm sorry, I.........

SEHUN: Di mo na kailangang magpaliwanag.

Gulat akong napatingin kay Sehun nang putulin niya ang sasabihin ko pero nakatingin lang siya kay Kai. 

SEHUN: Tara. Umalis na tayo.

Napatingin ako sa kamay ko nang hawakan iyon ni Sehun nang mahigpit at hilahin ako paalis doon. Sumunod na rin sa amin sila Suho kaya naiwan si Kai mag-isa.

Hindi ko alam kung bakit pero, kanina kasi kakaiba yung titigan nina Sehun at Kai sa isa't-isa. Parang may namumuong tensyon pero buti na lang at umalis na agad kami. 

Hinarap ako ni Sehun nang makarating kami sa parking lot. Mataman niya akong tiningnan kaya napataas ako ng kilay ng wala sa oras.

NAMI: Why are you staring at me like that?

SEHUN: Bakit magkasama kayo?

NAMI: Bakit ba? Are you mad or something?

SEHUN: May ginawa ba siya sa'yo?

Okay, para na kaming tanga. Nagtatanungan kami pero ni isa sa mga tanong namin wala namang nasagot. Huminga muna ako ng malalim saka ako nagpaliwanag.

NAMI: I was about to go to the lobby but I saw a girl. Kai pushed her that's why I helped her. Paalis na dapat ako pero nakasalubong ko si Kai at pinigilan niya ako. After that, dumating na kayo.

Tiningnan ako ni Sehun na para bang nag-iisip kung totoo ba yung sinabi ko. Pero sa huli mukhang naniwala din naman siya.

SEHUN: Sa susunod, huwag ka ng lalapit sa kanya. Para makaiwas ka na rin sa gulo.

Napaisip ako sa sinabi niya. Anong klaseng gulo naman kaya yung sinasabi ni Sehun? Pero kung sabagay, may point naman siya. Kung palagi akong mapapalapit kay Kai baka mas lalong gumulo yung tahimik kong buhay.

BEING ONE OF THE BOYSWhere stories live. Discover now