CHAPTER 5: Her Good Side

6 0 0
                                    

SEHUN'S POV

-Exo Dorm

Pagdating ko sa dorm namin, naabutan ko silang kumakain. Mga loko talaga to. Di man lang ako hinintay. 

CHANYEOL: O andiyan na pala ang precious maknae natin eh.

Napa-iling na lang ako sa inaakto ni Chanyeol. Nadaig pa niya ang bata kung umarte. Alam ko naman na maknae ako eh. Kailangan talaga paulit-ulit? Pero yung word na precious, di ko matanggap. Pambakla kasi eh. Yucks.

Umupo ako sa couch at nanood ng tv. Wala din naman akong ganang kumain eh. Tumabi sa akin si Suho pero di ko lang siya inintindi. 

SUHO: Kumain ka na ba?

Nang-iinsulto ba siya? Mukha bang may kinain ako sa lagay na to?

SEHUN: Wala akong gana.

Bored na sabi ko habang ang tingin ay nasa tv at hindi sa kanya. Umupo rin si Baekhyun sa katabing couch na inuupuan namin ni Suho. 

BAEKHYUN: May nakuha ka bang impormasyon tungkol sa kanya? huh?

Excited na tanong niya.

SEHUN: Marami. Mas marami pa sa koleksyon ng eyeliner mo hahahahah.

Nagtawanan kami ni Suho dahil sa sinabi ko samantalang si Baekhyun naman halos hindi na maipinta ang mukha. Lumapit na rin sa amin sina Chanyeol at Kyungsoo. Si Kai naman, nasa kusina pa at mukhang di pa tapos kumain.

KYUNGSOO: Anong mga nalaman mo?

Biglang naging seryoso ang atmosphere kaya nagseryoso na rin ako.

SEHUN: Hindi siya Korean dahil ang hometown niya ay sa Canada. Pumunta lang siya dito para sa pag-aaral niya. Sinabi niya rin sa akin na wala na siyang mga magulang.

 Napakunot ang noo nila sa sinabi ko. 

Ganyan din yung reaksiyon ko nang sabihin sakin iyan ni Nami kaya nakakarelate ako sa itsura nila ngayon.

CHANYEOL: Ano?! Wala na siyang mga magulang? Eh sinong nag-aalaga sa kanya ngayon?!

 Ang oa naman nito ni Chanyeol. Kung makareact akala mo siya ang tatay eh.

SEHUN: Yung tita niya na lang daw ang kamag-anak niya. Kaso nasa Canada siya dahil nagta-trabaho. Kaya mag-isa lang siya dito sa Korea.

Lumungkot yung pagmumukha nila nang sabihin ko iyon. Actually mas masahol pa sa malungkot ang itsura nila dahil para silang pinagsakluban ng langit at lupa.

KAI'S POV

Kanina pa ko nakatayo dito sa likod ng pader habang pinakikinggan ang mga pinag-uusapan nila. Sineryoso pala talaga nila yung sinabi ni Mr. Lee sa amin noon.

Flashback.............

 Nasa SME kami para sa aming training bilang exo member. 

Tanging exo k lang ang nandito dahil yung exo m members kaba-balik lang sa China. Pumunta sila dito last month para sa group meet tapos bumalik rin naman sila sa China noong nakaraang linggo. 

Almost 2 months na rin ang training namin at mayroon na ring mga improvements sa amin. Syempre ako ang nagdadala sa grupo lalo na sa pagsayaw. Hindi yan joke ah, totoo yan.

Napatigil kami sa kanya-kanya naming ginagawa nang dumating si Mr. Lee na wagas kung makangiti. Akala mo naman naka-jackpot sa lotto eh.

MR. LEE: Aba, ang sipag niyo ah.

BEING ONE OF THE BOYSWhere stories live. Discover now