CHAPTER 41: TRAUMA

16 0 0
                                    

KAI'S POV
Pagbalik namin sa pool side, nagtaka ako nang hindi ko doon maabutan ang girlfriend ko.

Tanging sila Baekhyun, Tao at Lay lang ang naroon habang nag-uusap.

KAI: Si Nami, nasan?

Kay Lay ako nagtanong dahil siya lang naman ang matino sa kanilang tatlo.

LAY: Nasa--

*boogsh....

Hindi na natapos ni Lay ang sasabihin niya nang makarinig kami ng tunog na nanggaling sa loob ng bahay. Parang may nabasag tapos may bumagsak..

Nagkatinginan kaming lahat...

LUHAN: Mukhang may nangyari sa loob.

Nagmadali kaming pumasok sa bahay at hinanap kung saan nanggaling yung tunog.

Naghiwa-hiwalay kami at ako naman ay napunta sa kusina. Pagbukas ko ng pinto, natigilan ako sa aking nakita.

Nadatnan ko si Nami na nakahiga sa sahig at walang malay.

Agad akong lumapit sa kanya dahil sa sobrang pag-aalala.

KAI: Aray!

Muntik pa akong matumba sa sahig nang may maapakan akong matalim na bagay. Palagay ko, bumaon iyon sa paa ko dahil sa sobrang sakit.

Tumingin ako sa baba at may nakita akong basag na baso sa sahig.

Sa sobrang pag-aalala ko sa girlfriend ko, hindi ko na namalayang may bubog pala diyan.

Nagsimulang dumugo at sumakit ang paa ko. Pero hindi ko iyon inintindi.

Nilapitan ko si Nami at binuhat ko siya ng bridal style.

KAI: Guys! I found her! She's here!

Agad naman silang pumunta sa kinaroroonan ko.

Dinala ko si Nami sa living room at doon ko siya pinahiga sa couch. Hindi ko na kasi kayang maglakad. Patuloy pa rin sa pagdugo yung paa ko.

KRIS: What happened to her?

Kris said with his usual cold voice pero bakas ang pag-aalala dito.

KAI: I saw her lying on the floor. I guess she collapsed.

Pagpapaliwanag ko.

CHEN: Kai! Dinudugo ka!

Nagulat ako sa pagsigaw ni Chen. Ang lapit lapit niya lang naman pero wagas kung sumigaw.

TAO: Oh my gosh! Dalaga ka na---aray!!

Binatukan ko si Tao kaya sinamaan niya ako ng tingin.

Hinubad ko ang t-shirt ko at ginamit ko muna bilang pantapal sa paa kong dumudugo.

SEHUN: Ano bang nangyari diyan?

SUHO: Kukuha lang ako ng gamot.

Umalis si Suho at Chanyeol para kumuha yata ng gamot.

KAI: May naapakan lang akong bubog sa kusina. Di ko napansin kasi madilim.

Pagbalik nina Suho, sakto namang nagkaroon na ng ilaw.

Ginamot niya yung sugat ko pero humahapdi pa rin ng konti.

LUHAN: Mas mabuti siguro kung ilipat na natin si Nami sa kwarto niya.

Napatingin ako kay Luhan at kay Nami.

Mahimbing pa rin itong natutulog at hindi pa nagkakatoon ng malay.

BEING ONE OF THE BOYSWhere stories live. Discover now