CHAPTER 3: Damn Creature

11 0 0
                                    


NAMI'S POV

lunch break.......

Pumunta kami ni Sehun sa cafeteria para kumain. Nasa malayo pa lang kami pero natanaw ko na agad yung table kung nasaan sila Suho. At kung mamalasin ka nga naman, kasama pa nila si Mr. hinayupak slash kumag slash antipatiko at kung ano-ano pa. In short, DAMN CREATURE.

Nagulat ako nang tumingin siya sa akin ng masama. Medyo nakalapit na rin kasi kami sa kanila eh.

BAEKHYUN: Nami!

Kumaway sa akin si Baekhyun kaya nginitian ko siya. Tuluyan na kaming lumapit sa kanila at ito namang si Kai, halos hindi maipinta ang pagmumukha.

NAMI: Hi Baek.

Napatingin ako kay Kai nang tumayo siya at pandilatan ako ng mata.

KAI: Anong ginagawa mo dito, huh? Di ba sinabi ko na sa'yo na ayaw ko ng makita iyang pagmumukha mo.

Mahina lang ang boses niya pero halata doon ang pagkainis na nararamdaman niya. Hinarap ko siya sabay cross arms.

NAMI: If you don't want to see me, then close your eyes. I'm not a stupid just to make a sh*t.

Halata mo ang tensyon sa pagitan naming dalawa base sa mga titigan namin kaya hindi agad sila nakaimik.

SUHO: Nami? Kilala mo na pala si Kai? Paano kayo nagkakilala?

Tumingin ako kay Suho pero hindi ako nag-abalang sagutin yung tanong niya. Alangan namang sabihin ko kung anong nangyari kanina sa may corridor ng music room, edi pati sila natawa sa katangahan ni Kai. Hindi ako ganun kasama noh.

KAI: Lumayas ka dito kung ayaw mong manghiram ng mukha sa aso!

NAMI: Oh really? At sino namang aso yung tinutukoy mo? Ikaw?

Tumawa ako na may halong pang-aasar kaya itong si Kai, umuusok na yung ilong sa galit.

SEHUN: Nami, siguro mas mabuti kung sa iba na lang tayo kumain.

Tumingin ako kay Sehun sabay tango. Inawat niya  na kami dahil baka mamaya magkaroon pa dito ng giyera.

NAMI: Sorry guys, we have to go. Nakalimutan kong allergic nga pala ako sa mga aso.

Pang-aasar ko kay Kai saka kami tuluyang umalis ni Sehun. Kumain na lang kami sa Congdu, isang restaurant sa Seoul. Pagkatapos naming pumili sa menu, pinasadahan ako ng kakaibang tingin ni Sehun kaya napakunot ako ng noo.

NAMI: Bakit ganyan ka makatingin? Is there something on my face?

Umiling siya saka nagsalita.

SEHUN: Kanina pa kasi ako nagtataka sa inyong dalawa ni Kai. Ano ba talagang nangyari sa inyo? Kanina kasi, kulang na lang mag patayan kayo dahil sa mga titig niyo sa isa't-isa.

Bahagya akong natawa dahil sa sinabi niya. Totoo naman kasi yun eh, nahalata niya rin pala.

NAMI: Paglabas ko kasi kanina ng music room hindi ko alam na dadaan siya. Kaya ayun, nakipaghalikan siya sa pinto tapos siya pa yung may ganang magalit sa akin eh siya naman itong may kasalanan. Ang lawak ng espasyo pero sa gilid siya dumaan. Malay ko bang may dadaan na tukmol dun.

Pagkatapos kong sabihin yun, tawa ng tawa si Sehun kaya napakunot ako ng noo. Ano bang nakakatawa dun sa sinabi ko? Siguro dahil yun sa katangahan ni Kai?

SEHUN: Alam mo, ikaw lang ang nakagawa niyan sa kanya.

Sabi niya habang nagpipigil pa rin ng tawa. Minsan talaga nakakabanas din to si Sehun. Kanina lang nakapoker face, tapos ngayon kung makatawa wagas na akala mo naman wala ng kinabukasan.

BEING ONE OF THE BOYSWhere stories live. Discover now