CHAPTER 8: Getting Closer

13 0 0
                                    

NAMI'S POV

Sa wakas, uwian na. Kanina ko pa talaga gustong umuwi eh. Inaantok na kasi ako sa mga tinuturo ng professor namin. Nakakainis naman kasi si Sehun eh, aabsent ng walang pasabi. Wala tuloy akong kadaldalan dito.

Kinuha ko na ang bag ko para umalis nang bigla kong maalala si Yeri. Siya na lang kaya kasabay ko pauwi? Para makapag-bonding naman kami kahit paano.

Dumiretso ako sa classroom ni Yeri at buti na lang ay naabutan ko pa siya. Tinawag ko siya kaya agad siyang napalingon sa akin. Nginitian ko siya saka ako lumapit sa kanya. 

NAMI: Yeri, sinong kasabay mo pauwi? 

YERI: Wala naman. Bakit?

NAMI: Hmm...pwede bang sabay na lang tayo?

YERI: Sige ba. Kaso may dadaanan pa ko eh. Is it okay with you?

NAMI: Oo naman. Tara?

Pag-alis namin ng campus, sumakay kami sa taxi papunta sa mall. May pinapakuha daw kasi yung mama niya sa kanyang damit sa shop ng tita niya.

Pagdating namin sa mall, dumiretso agad kami sa dress shop ng tita niya. Pumasok kami sa isang room na sa tingin ko ay office. Marami ditong magagandang damit na naka-display tapos meron ding mga gamit sa pananahi. Siguro yung tita niya ang gumagawa ng mga damit dito.

YERI: Andiyan na si tita.

Napalingon ako sa babaeng palapit sa amin. Napakaganda niya at batang-bata ang itsura. Pag tinignan mo siya, di mo maiisip na tita siya ni Yeri dahil mukha silang magpinsan. Nagbow kaming dalawa sa kanya nang tuluyan siyang makalapit.

YERI: Tita Pam, si Nami nga po pala, kaibigan ko.

Nagbow ulit ako sa kanya pagkatapos akong ipakilala ni Yeri.

''Nice to meet you, iha. Hindi mo naman sa akin nasabi Yeri na meron ka pa lang kaibigang diyosa.''

Diyosa daw? Ang ganda naman nung pakinggan. Pwede take two? 

NAMI: Bolero po pala kayo?

Natatawang sabi ko.

TITA PAM: Hindi kita binibiro, maganda ka talaga iha. By the way, just call me, Tita Pam.

NAMI: Okay po Tita Pam.

YERI: Tita, nasaan na nga po pala yung mga damit?

TITA PAM: Ay oo nga pala, halika samahan mo ko.

Tumingin muna sa akin si Yeri bago umalis at sinabing............

YERI: Umupo ka muna sa couch para di ka mangalay, babalik din ako agad.

Tinanguan ko siya saka sila tuluyang umalis. Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik na agad si Yeri na may bitbit na paper bag.

YERI: Tara na, Nami.

Tumayo na ako at nagpaalam na kami kay Tita Pam.

YERI: Nami, kain muna tayo. Nagwawala na yung mga alaga ko sa tiyan eh.

Natawa ako ng bahagya sa sinabi niya. Ano kayang animal yung nasa tiyan niya? Yung itsura niya kasi parang hindi kumain ng isang linggo.

NAMI: Osige. Saan ba masarap?

YERI: Sa Maple Tree House tayo. Masarap doon.

Hindi na ako nakapagsalita dahil bigla na lang akong hinila ni Yeri papunta sa kung saan. Pagdating namin sa Maple chuchu na sinasabi niya naghanap na agad ako ng upuan tapos siya na lang daw ang mag-oorder sa aming dalawa. 

BEING ONE OF THE BOYSWhere stories live. Discover now