CHAPTER 9: Yeri's Birthday

7 0 0
                                    

NAMI'S POV

NEXT DAY............

You entered my territory and there's no way to escape. You're mine now and you cannot do anything about it. Bear that in your mind, babe.............

You entered my territory and there's no way to escape. You're mine now and you cannot do anything about it. Bear that in your mind, babe.............

Paulit-ulit na nag-eecho sa isip ko yung sinabi ni Kai sa akin kahapon. At pagkatapos din nun, hindi ko na siya nakita pa sa buong campus nang buong araw. Ano ba kasing naisip niya at sinabi niya yun? May pa 'you're mine now' pa siyang nalalaman. Adik ba yun?

Sa tuwing naaalala ko yung mga ginawa ni Kai sa akin kahapon, parang may kakaiba akong nararamdaman. Hindi ko nga alam kung saan nanggaling yung mga banat niya na yun eh. 

Pinasok ko raw yung teritoryo niya tapos di na ko makakatakas? Eh anong klase ba ng teritoryo ang sinasabi niya? Kuta ng mga unggoy? 

Kinilabutan ako sa mga pinagsasabi niya ha. Kahit siya na lang ang natitirang unggoy--este tao sa mundo, hinding-hindi ko siya papatulan. Like Duh?! Adik na lang ang magkakagusto sa hayop na katulad niya.

PROF. HWANG: Ms. Park, are you still with us?

Nagitla ako nang tawagin ako ni Prof. Hwang kaya napatingin sa akin ang buong klase.

NAMI: Y-yes, Sir.

Pinilit kong sumagot ng maayos pero na-tetense ako sa mga tingin nila sa akin. Idagdag niyo pa ang tingin sa akin ni Prof na mukhang hindi naniniwala sa sagot ko.

PROF. HWANG: Well then, stand up and answer my question.

Napalunok muna ako bago tuluyang tumayo. 

Ano ba yan? Kainis naman kasi si Kai eh. Ginagambala ang isip ko. Baka kung ano pang itanong ni Prof sa akin, hindi pa naman ako nakikinig.

PROF. HWANG: What is chemical equilibrium?

Shete! Science pala kami ngayon? Di bale, mukhang nabasa ko na kasi iyang tanong ni Sir sa encyclopedia eh. Kaso di ko masyadong maalala. 

Napatingin ako sa gilid ko nang biglang itaas ni Sehun ang kamay niya sabay sabing........

SEHUN: Let me answer your question, Sir.

PROF. HWANG: Sorry but I want to hear her answer.

Napabuntong-hininga si Sehun dahil sa pagreject ni Sir sa pag-volunteer niya. Kinindatan ko na lang si Sehun na parang sinasabing 'i can handle this'.

Tumayo ako ng maayos at diretsong tumingin kay Sir. Bahala na kung mali yung sagot ko, basta ang importante may masabi man lang ako.

NAMI: Systems in equilibrium are balanced. In the same way chemical reactions can be in equilibrium. In short, the products and reactants are produced at the same rate.

Oha! Miss Universe lang ang peg. Confident yung pagkakasabi ko kahit di naman talaga ako sigurado sa sagot ko. Para pag mali yung sagot ko, di halata. 

PROF. HWANG: Can you give an example?

Aba! Di ako na-inform na may round 2 pala ang question and answer portion na ito. 

NAMI: For example, if you are running in a treadmill you are in constant motion. However, you are not moving forward or backwards. As fast as you run forward, the treadmill is moving you backwards. You are in equilibrium with the treadmill.

Umupo na ako at hindi ko na hinintay ang comment ni Prof. Hwang. Mukhang wala na rin naman siyang masasabi dahil nalaglag na yung panga niya sa sahig dahil sa sagot ko. 

BEING ONE OF THE BOYSWhere stories live. Discover now