CHAPTER 20: Courtship

11 0 0
                                    

YERI'S POV

Hay naku! Saan na naman kaya napadpad si friendship at mukhang di na naman uso sa kanya ang word na existence sa mga oras na ito.

Habang busy ako sa paglilibot para hanapin ang aking oh-so-gorgeous bestfriend ay bigla ko na lang nakasalubong si Kyungsoo.

Nga pala, nasabi ko na ba sa inyong close na ako sa kanila? Kung hindi pa pwes ngayon alam niyo na hehe. 

Naka-close ko lang sila dahil kay Nami. Palagi niya kasi akong sinasama sa tuwing may lakad sila kasama ang boys. 

Sanggang-dikit na kaming lahat eh, maliban kay Kai. Alam niyo naman yata na ang laki ng problema ng taong yun. Di uso sa kanya yung word na friendship eh.

KYUNGSOO: Himala. Ba't di mo kasama si Nami?

Napangiwi na lang ako sa tanong niya.

YERI: Hinahanap ko nga eh. Nakita mo ba?

KYUNGSOO: Aba malay ko. Mukha na ba kong hanapan ng mga nawawalang tao ngayon?

Sinamaan ko na lang ng tingin si Kyungsoo.

Grabe. Laki ng naitulong niya.

YERI: Eh ano pang silbi ng mala-tarsier mong mata kung di natin pakikinabangan?

KYUNGSOO: Aray ah. Na-realtalk ako dun ah.

Natawa kami ng bahagya dahil sa kalokohan namin.

KYUNGSOO: Pero seryoso, di ko talaga nakita si Nami. Baka naman kasama lang ni Sehun.

Napa-isip naman ako sa sinabi niya at sa mga posibilidad na pwede niyang puntahan.

Huwag na kayong magtaka kung ganito ako mag-alala ah. Di niyo naman ako masisisi lalo na dahil sa ginawang pagtatapat sa akin ni Nami noong nakaraang linggo.

Flashback....................

YERI: Oh anyare sa'yo? Para kang hinabol ng sampung kabayo sa itsura mo ah. Huwag mong sabihin sakin na nakipag-marathon ka sa mga tambay sa kanto dahil kung hindi, aba'y malili---

NAMI: Umayos ka nga. Di ako nag marathon noh. Anong akala mo sakin? Athlete?

Napa-irap na lang ako sa pambabara niya.

Ang lakas maka-basag moment eh takte.

YERI: So ano nga?

Huminga muna siya ng malalim bago sabihin sa akin ang kung anumang ililitanya niya.

NAMI: May humahabol kasi sa aking unggoy eh.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

YERI: Unggoy? At kailan pa nagka-unggoy sa university aber?

NAMI: Uhmm......Yeri, to be honest with you. May mali kasi akong nagawa eh. And until now, di ko pa rin nasosolusyunan ang pagkakamali kong yun.

Seryosong saad niya.

YERI: Pagkakamali? 

NAMI: Yeah.......and Kai involves with my stupidity.

Hindi  muna ako nagreact or nagsalita, instead I let her speak and explain herself.

NAMI: I'm sorry if naglihim ako sa'yo, I mean sa inyo including the boys about Kai and me. The truth is that........Kai confessed about his  damn feelings for me. He told me that.........He's in love with me and that he will never stop unless he doesn't get what he wants......

BEING ONE OF THE BOYSWhere stories live. Discover now