CHAPTER 10: In His House

12 0 0
                                    

NAMI'S POV

Pagkatapos naming kumain, lumabas na kami ng mall para umuwi.

YERI: Nami, saan ka nakatira?

Tanong niya nang makalabas kami ng mall.

NAMI: May condo unit ako sa Sheraton Seoul D Cube City Hotel. Ikaw?

YERI: Ah. Sa Hannam-dong ako. Magkaiba pala tayo ng sasakyan pauwi.

NAMI: Ayos lang yun. Sige na, sumakay ka na diyan sa paparating na bus.

YERI: Sure ka? 

Tumango na lang ako sa tinanong niya sa akin. Nagpaalam muna siya sa akin bago siya sumakay sa bus na tinutukoy ko kanina.

Nang makaalis na siya, tinignan ko ang wrist watch ko. 8:47 na pala. Baka, wala ng dumaang taxi dito.

After 22 minutes.............

Langhiya! Ba't walang dumadaang sasakyan dito? Maaga pa naman ah.

Nagulat ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi na ko nag-abalang sumilong dahil basang-basa na ako. Titigil naman iyang pesteng ulan na iyan mamaya eh.

Habang busy ako ditong magpaulan, bigla akong may naramdamang something na malambot na nakapatong sa ulo ko. Akmang haharapin ko na sana kung sinong naglagay nun sa ulo ko nang bigla niya na lang hawakan ang kamay ko at hinila ako papunta sa sasakyan niya. 

Saka ko lang nalaman kung sino yun nang sumakay na rin siya sa kotse.

NAMI: Ikaw na naman?!

Kapag minamalas ka nga naman. Ba't ba kung nasaan ako, nandun rin ang lalaking to?

KAI: Tanga ka ba?! Ba't ka nagpapabasa sa ulan eh may waiting shed naman?! 

Bulyaw niya sa akin na siyang nagpa-kunot ng noo ko.

Ang oa naman nito. Kung makapag-react akala mo kung sinong concern.

NAMI: What the?! Hindi ako tanga! Ano bang pakialam mo kung magpabasa ako sa ulan, ha?!

KAI'S POV

Wagas naman kung makasigaw to. Eh kaharap niya lang naman ako eh. Nakalunok siguro to ng mic.

Atsaka pasalamat nga siya at mabait ako. Kung wala lang akong gusto sa kanya, edi sana hinayaan ko na lang siya dung mangatog sa lamig.

KAI: Will you shut up your fuckin' mouth?!

Bulyaw ko sa kanya dahil nagsisimula na akong mairita sa lakas ng boses niya.

Napataas ang isa niyang kilay sabay irap sa akin. Seriously? Hindi ba siya napapagod sa kaka-irap at katataray niya sa akin? 

NAMI: How dare you to say that to me! Hindi mo ko utusan!

Oh great! Ayan, sumisigaw na naman siya. Tang*na talaga! Pag ako di nakapagpigil, baka kung ano pang magawa ko sa babaeng to.

Hindi ko na lang siya inintindi dahil hahaba lang ang usapan namin nito. Bahala siya diyang magdaldal, tutal mapapagod din naman ang babaeng iyan eh.

--------------------

Nagtaka ako nang bigla siyang tumahimik. Bahagya ko siyang nilingon at nakita kong mahimbing na ang tulog niya. Buti naman at tumahimik na ang babaeng to.

Makalipas ang mahigit isang oras, nakarating na rin kami sa Gangnam-gu. Dito ako nakatira noon nung hindi pa ako trainee under SME. Simula nung umalis ako dito, sina mama at papa nalang ang nakatira dito at yung mga kasambahay. Pero sa tingin ko, wala sila dito ngayon dahil meron silang business trip sa Incheon, tanging mga katulong lang yata ang nandito. May dalawa akong kapatid na babae pero hindi na sila nakatira dito dahil may kanya-kanya na silang pamilya.

BEING ONE OF THE BOYSWhere stories live. Discover now