CHAPTER 39: Unexpected Visitors

11 0 0
                                    

LUHAN'S POV

Nangunot ang noo ko nang mapansin kong pauwi ang daang tinatahak namin.

LUHAN: Uuwi na agad? Akala ko may isa pa tayong pupuntahan?

Bahagyang napalingon sa akin si Kris.

KRIS: Manager told me to go home early. May mambubulabog daw sa bahay eh.

Cool na pagkasabi niya. Nagkatinginan tuloy kami tapos nagkibit-balikat na lang.

Pagdating namin sa bahay, may nakita kaming puting kotse sa labas na naka-park. Mukhang kilala ko na yata kung sino ang bisitang tinutukoy ni Kris.

Bumaba na kami ng sasakyan, ganun din ang exo k.

Pagpasok namin sa loob, naabutan namin ang SHINee na prenteng nakaupo sa couch.

Mga walang hiya talaga. Trespassing na nga, feel at home pa.

NAMI'S POV

Nagtaka ako nang sabihin ni Kris na may mambubulabog daw sa bahay. Di ko na lang iyon pinansin hanggang sa makarating kami sa bahay.

Pagpasok namin...........O////O......

OMO! Anong ginagawa niya--este nila dito?

Gusto kong tumili sa kilig dahil nakita ko ang crush ko pero hindi pwede kaya tumungo na lang ako habang kagat ang labi ko.

KAI: Taemin, anong tinira niyo at dito niyo pa naisipang dumayo?

TAEMIN: Grabe ka naman bespren. Parang namang di mo ako kaibigan niyan ah.

Mabilis kong nai-angat ang tingin ko. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Hindi ko man lang naisip na ang crush at ang boyfriend ko pala ay mag-bestfriend.

Tumawa sila sa isa't isa tapos nagmanly hug.

Napalunok ako nang biglang tumingin sa akin si Kai. Mukhang alam ko na ang binabalak ng unggoy na to.

Lumapit siya sa akin tapos kinabit ako palapit kay Taemin oppa hahahaha.

KAI: Taemin, asawa ko nga pala, si Nami.

Bahagya kong siniko sa tiyan si Kai pero tumawa lang siya. Yumuko naman si Taemin dahil naka-tungo ako.

TAEMIN: Nami? Ikaw yung trainee sa SME di ba?

Tumingin ako sa kanya ng diretso. Buti naman at naaalala niya pa ako.

Gusto niyo bang malaman kung paano kami nagkakilala? Well, ganito kasi iyan.

Last month kasi, habang nagti-training ako sa pagsasayaw sa practice room kasama si Kasper, bigla na lang iyang dumating si Taemin tapos nanood ng sayaw ko. May kasama pa siya nung isa, yung Onew yata.

Tapos ayun, nang makita niya yung sayaw ko, sabi niya ang galing ko daw. Gusto niya nga raw akong makasama sa isang sayaw kaya um-oo na lang ako. Nalaman ko tuloy na magaling din siyang sumayaw kaya naging crush ko siya. Type ko kasi talaga sa mga lalaki yung magaling sumayaw. Ang hot kasing tingnan eh. Kyaaahhh!

NAMI: Ah, a-ako nga. Naalala mo pa pala ako?

TAEMIN: Syempre naman. Na-miss nga kita eh. Na-miss ko yung mga dance moves mo. Pwedeng sample ulit?

Pagbibiro niya kaya hinampas ko siya sa braso. Bagay sila ni Kai na maging magkaibigan, pareho silang maloko.

NAMI: Magsa-sample lang ako kung nakapikit ka.

TAEMIN: Eh pano ko makikita kung nakapikit ako?

NAMI: Edi amuyin mo na lang.

Nagtawanan kami pareho. Ang saya niya palang kausap.

BEING ONE OF THE BOYSWhere stories live. Discover now