CHAPTER 17: KISS Confession

10 0 0
                                    

NAMI'S POV

Almost two days na rin ang nakakaraan simula nung makausap ko si Yeri tungkol kay Kai. And with these two days, palagi na lang umaaligid si Kai sa paligid ko. Hindi niya ko tinitigilan. Palagi niya na lang akong inaasar. Talagang tinotoo niya yung sinabi niya sa akin noong isang araw na hindi siya titigil.

Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako papatol sa mga kalokohan niya pero ang hirap magpigil. Lalo na kung isang unggoy ang katapat mo. 

Kung ano-anong kalokohan na nga yata ang nagawa niya sa akin eh gaya ng nilagyan niya ng mga basura yung locker ko at tinapunan niya ko ng tubig at marami pang iba. How great right?

Pero syempre, dahil hindi naman ako papayag na ako ang ma-agrabiado sa aming dalawa, tinulak ko siya sa pool sa harap ng maraming tao. Iyon pa lang ang nagagawa ko for now at hindi iyon doon nagtatapos.

Nga pala, kung itatanong niyo kung alam ito nila Sehun at nung barkada? Hindi. Kung bakit? Well, simple lang. Gumagawa si Kai ng mga kalokohan, whenever the boys are not around me. At wala rin akong balak sabihin ito sa kanila dahil gulo lang ang dala nito pag nagkataon.

Ayokong sirain ang pagkakaibigan nila dahil alam ko ang pakiramdam na masira ang isang relasyon na iniingatan at pinahahalagahan mo. 

Si Yeri lang ang nakaka-alam ng tungkol dito pero sinabihan ko siya na huwag  itong sasabihin kila Sehun. Nung una, hindi pa siya sang-ayon sa akin eh, pero buti na lang at napaki-usapan ko.

Matapos ng last subject namin uwian na. Nagpaalam ako kay Sehun na hindi ako sasabay sakanila pauwi,  buti na lang at pumayag naman siya. 

Umuwi na akong mag-isa dahil absent si Yeri ngayon. Nakakatampo nga ang babaeng yun eh. Di man lang nagpaalam kung saan pumunta. Hays!

Habang naglalakad ako, bigla na lang may tatlong hudas na humarang sa daanan ko kaya napataas ako ng kilay. Naka-uniform din sila pero taga-ibang school.

Akmang lalagpasan ko na sila kaso masyadong haliparot yung isa dahil hinawakan ako sa braso at iniharap sa kanya.

NAMI: Let go of me if you don't want me to break your dumbass faces.

Kalmadong sabi ko sa kanila while giving them my cold stare.

PANGIT2: Huwag ka ng pakipot miss. Tatlo kami at nag-iisa ka lang. Di mo kami kaya.

Maangas na sabi nung isang lalaki na mukhang aso.

PANGIT1: Makikipaglaro lang naman kami sa'yo eh.

Nagtawanan pa sila na parang demonyo kaya napangiwi ako. Kaya habang busy silang tumawa, ginamit ko na ang pagkakataong iyon para umatake.

Buong lakas kong hinila yung kamay kong hawak nung isang hudas at nahila ko naman nga iyon. Nagsalubong ang kilay nung lalaking may hawak sa akin dahil muntik pa siyang madapa. 

Sa sobrang lakas kasi ng paghila ko, pati siya muntik nang madala. Pero syempre di ko hinayaang madapa siya noh kaya mabilis ko siyang nahawakan sa kwelyo at naiharap sa akin

Binigyan ko siya ng nakamamatay kong kindat sabay uppercut sa kanya at headbutt. Ang ending, sleeping beauty ang peg niya.

1 down, 2 to go.

Akmang sasampalin ako nung isa pero mabilis ko iyong naharangan gamit ang braso ko. Hahawakan sana ako nung isa pero bago niya pa man yun magawa ay binigyan ko siya ng isang malutong na sipa sa mukha dahilan para dumugo yung ilong niya.

Medyo napa-atras pa nga siya dahil sa lakas ng pagsipa ko eh.

Sunod ko namang pinagtuunan ng pansin itong pangit na gusto akong sapakin. Ngunit laking-gulat ko nang paglingon ko sa kanya ay akma niya na akong susuntukin.

BEING ONE OF THE BOYSWhere stories live. Discover now