CHAPTER 16: Girl Talk

9 0 0
                                    

NAMI'S POV

Para akong tangang naglalakad pabalik sa classroom dahil sa kaka-isip sa mga nangyari kanina.   

Yung lakas ng tibok ng puso ko, hanggang ngayon di pa rin nawawala. Kasalanan to ni Kai eh. Ginugulo buhay ko.

Nang makarating ako sa room, wala na yung teacher namin kaya yung mga kaklase ko pauwi na rin. 

Imbes na umuwi, umupo lang ako sa upuan ko at yumuko habang ina-analyze yung mga pinagsasabi sa akin ni Kai kanina.

SEHUN'S POV

Napatingin ako sa pintuan nang pumasok si Nami na parang wala sa sarili. Kumaway-kaway pa nga ko sa kanya eh puro deadma lang siya. Umupo siya sa upuan niya sabay yuko at para bang may malalim na iniisip.

Hay! Ano na naman kayang kababalaghan ang nangyari dito?

Nilapitan ko siya at yumuko sa harapan niya para matapatan yung mukha niya. Ni hindi na nga siya kumukurap eh. Problema nito?

Akala mo naman hinalay ng limang unggoy eh..............O_O..............Teka? Hindi kaya?

SEHUN: NAMI!!!

NAMI'S POV

Nagitla ako nang may bigla na lang may pontio pilatong sumigaw sa harap ko.

Yung totoo? New Year na ba? Grabe, nabasag eardrums ko dun ah.

SEHUN: Buti naman at nagising ka na sa katotohanan.

Sinamaan ko na lang ng tingin si Sehun na nakabalandra ngayon sa harapan ko. Nakakangalay ngang tumingala eh, tangkad niya kasi masyado.

NAMI: Problema mo?

SEHUN: Ako pa tinanong mo eh ikaw tong mukhang problemado diyan.

Natatawang sagot niya at napakibit-balikat na lang ako.

SEHUN: Wala ka pa bang balak umuwi ha?

NAMI: Eh ikaw? Ba't di ka pa umuuwi?

SEHUN: Syempre, alangan namang iwan kita dito di ba? Ang sama ko naman kapag ganun.

Napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi niya sabay kuha sa bag ko.

NAMI: I'm sorry if I made you wait for me. Kay Yeri na lang ako sasabay ha.

Bored na sabi ko. Tinapik ko muna ang balikat niya bago tuluyang umalis.

Habang naglalakad ako sa corridor, kinuha ko ang phone ko at tinext si Yeri na hintayin ako sa labas ng gate. 

At nang tuluyan na nga akong makalabas ng building ay nakita ko na siya doon na kumakaway sa akin.

YERI: Musta lakad niyo kahapon? 

Bungad agad niya sa akin nang makalapit ako sa kanya.

NAMI: Ayos naman.

Cold na sabi ko kaya napakunot siya ng noo.

YERI: Buti pa yung lakad niyo ayos naman, samantalang iyang mukha mo pang biyernes santo ang peg.

Medyo natawa pa siya nung sabihin niya yun kaya napa-iling na lang ako.

NAMI: Tara na nga. Punta tayo dun sa paborito kong cafe'. Libre ko.

YERI: Talaga? Di ko iyan tatanggihan.

Natatawang sabi niya kaya natawa na rin ako.

Naglakad na lang kami papunta sa Infinitea, yung cafe' na tinutukoy ko.

BEING ONE OF THE BOYSWhere stories live. Discover now