CHAPTER 31: Have We Met Before?

16 0 0
                                    

SUHO'S POV

SUHO: Handa na ba ang lahat?

Tanong ko saka tiningnan silang lahat. Nakabihis na sila ng maayos at ready na kaming pumunta sa airport para sunduin ang Exo M.

BAEKHYUN: Oo na, yung kaluluwa na lang ni Kai ang hindi pa. Naglalakbay pa yata sa Mars eh. HAHAHAHAHA.

Nagtawanan sila maliban kay Kai. Baliw talaga si Baek kahit kailan.

Tiningnan ko si Kai at nakaupo lang siya sa couch habang malalim ang iniisip. Nilapitan ko siya at tinapik ang balikat niya, tumingin siya sakin.

SUHO: Huy Kai. Paskong pasko samantalang ang mukha mo pang-biyernes santo.

Tumingin naman siya sa akin at huminga ng malalim sabay tayo. Hindi niya inintindi ang sinabi ko at dire-diretso lang siyang lumabas ng bahay.

Bastos na bata talaga. Di man lang in-entertain yung sinabi ko.

Nagkibit balikat na lang kami at lumabas na rin ng bahay.

Dalawang van ang gamit namin dahil kung isa lang ang gagamitin namin baka magmukha kaming sardinas mamaya pauwi. 

Si Chanyeol, Kyungsoo at Sehun ang nasa kabilang van samantalang ako, si Kai at Baekhyun naman dito sa isa.

Ako na ang nag-prisintang mag drive sa aming tatlo dahil sa itsura ni Kai, mukhang wala siya sa sarili niya at kung si Baek naman baka ibangga pa nito sa kung saan ang van. Malakas pa naman ang trip niyan sa buhay.

Bago ako sumakay sa van, nilapitan ko muna si Chanyeol, siya kasi ang magdi-drive sa isang sasakyan.

SUHO: Yeol, daanan muna natin si Nami.

Bulong ko sa kanya at tinaasan niya lang ako ng kilay.

CHANYEOL: Sure ka? Baka madaganan natin siya kapag dinaanan natin yun.

Biro niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

SUHO: Gag*. Umalis na nga tayo.

Sabi ko sabay sakay ng sasakyan.

Pinaandar ko na ang makina at umalis na kami. Nauunang mag drive si Chanyeol at nasa likod naman ang sasakyan namin.

Kailangan talaga naming isama si Nami kasi sabi sa amin ni Manager, noon pa daw siya nito kinukulit tungkol sa grupo niya.

(NOTE: Si Mr. Lee po ang tinutukoy na Manager ni Suho)

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa tapat ng condo niya kaya pinark muna namin ang sasakyan sa tabi.

KAI: What are we doing here?

Napalingon ako nang magsalita si Kai.

SUHO: Kailangan natin siyang isama sa pagpunta ng airport. Matagal niya na kasi itong hiling eh, tinutupad lang natin.

BAEKHYUN: Pero paano? 

KAI: I'll talk to her.

Akmang bababa na siya ng sasakyan pero agad ko siyang pinigilan.

SUHO: Not you Kai. Baka hindi lang siya makinig sa'yo. Let Sehun do it.

Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko. Magpo-protesta pa sana siya pero mukhang naisip niya na rin na may point ako kaya di na lang siya umimik.

Tumingin ako sa harapan at nakita kong bumaba na si Sehun at pumasok na ng condo.

NAMI'S POV

Time check: 9:02 a.m

BEING ONE OF THE BOYSWhere stories live. Discover now