CHAPTER 13: Childhood Memories

8 0 0
                                    

-BEIJING, CHINA (all about exo m)

NOTE: Isipin niyo na lang po na mandarin yung salita nila diyan except kay Kris dahil siya po ay Canadian. Pero marunong din naman po siya ng mandarin.

LUHAN'S POV

CHEN: Huy! Gising na lulu. Mala-late na naman tayo niyan eh.

Ano ba yan? Umagang-umaga, boses agad ni Chen ang naririnig ko. Wala na bang bago? Eh lagi na lang ako naririndi sa boses niyan tuwing umaga kapag ginigising ako.

Bumangon naman ka agad ako bago ko pa marinig ang nakakarinding boses ni Chen.

Naligo agad ako at nagbihis dahil may pasok ngayon. Pagpunta ko sa dining room, naabutan ko na silang lahat doon na kumakain. Tumabi ako kay Lay at kinuha yung sandwich na sa tingin ko ay gawa ni Xiumin.

TAO: Hoy Luhan! Kailan ka na ba magbabago ha? Lagi ka na lang tinatanghali ng gising. Pati tuloy kami nala-late na nang dahil sa'yo.

Hay naku! Kailan pa ba naging concern iyan si Tao sa oras ng paggising ko? Eh sa aming anim, siya diyan yung tulog mantika eh.

LUHAN: Eh sino ba kasing nagsabi na hintayin niyo ko lagi? Pwede naman kayong mauna na diba?

Tsk.

KRIS: Just eat up, guys. We'll be late.

Hindi na kami umimik pa at kumain na lang. Pagtapos namin, sumakay na kami sa isang van na para sa aming exo m lang. Ito ang gamit namin lagi kapag pumapasok sa school para tipid sa gasolina. May extra pa naman kasi doon sa dorm na dalawang kotse. Alternate na lang kami sa pagdi-drive.

Pag dating namin sa school, naghiwa-hiwalay na kami ng landas. Bale kaklase ko sina Lay, Xiumin at Tao samantalang sina Kris at Chen naman ang magkaklase. Pero kahit na magkakaiba kami ng section, sabay sabay naman kaming kumakain at umuuwi.

And as usual, pagpasok pa lang namin ng classroom nagi-start ng mag-discuss si Sir.

MR. TAN: Luhan and company, you're late, AGAIN.

Ay hindi. Ang aga namin. Ang aga namin para sa next subject.

Nakakatanga to si Sir. Obvious na nga sinasabi pa. Tss. 

XIUMIN: I'm sorry Sir. We just.........

MR. TAN: No excuses Mr. Kim. Proceed to the detention room, NOW.

Hindi ko na sila hinintay pa dahil nauna na akong maglakad palabas para tunguin ang favorite place ko, ang detention room. Joke. Hindi ko naman talaga to paborito eh. Madalas na kasi dito ang bagsak ko tuwing umaga eh hahaha. And worst pati sila nadamay.

TAO: Kainis ka naman Luhan eh. Nauumay na ko sa detention room. 

Inis na sabi niya habang nagkakamot ng ulo.

LAY: Mas mabuti ng sa detention room, kesa naman sa guidance di ba?

Kung sabagay, may point din naman itong kaibigan kong unicorn. Huwag na kayong aangal sa tawag ko sa kanya hahaha. 

Pagdating namin sa aming final destination, naupo agad ako sa upuan sa dulo para walang istorbo. Kinuha ko ang phone ko at pinasak ang earphones sa tenga ko.

(NOW PLAYING: FADED)

Ilang taon na rin ang nakalipas. Pero hanggang ngayon, siya pa rin ang laman ng puso't isip ko.

FLASHBACK............................

7 years ago.......Seoul, South Korea

Kakatapos lang ng discussion namin at uwian na nang bigla na lang akong hilahin ng bestfriend ko palabas ng classroom.

BEING ONE OF THE BOYSWhere stories live. Discover now