CHAPTER 43: He likes me?

22 0 0
                                    

NAMI'S POV

Naghiyawan ang exo pagkatapos naming sumayaw ni Kasper.

Nakipag-apir muna ako sa kanya bago ko harapin ang exo na ngayon ay panay ang hiyaw.

Napatingin ako kila Kris, Suho at Lay na papalapit sa akin.

LAY: You did a great job Nami. Mukhang hindi mo na kailangang magtraining.

Napangiti ako sa sinabi ni Lay. Hindi ko inexpect na maa-appreciate nila yung ginawa ko, though I really don't know kung magaling ba talaga ako.

SUHO: Ang laki ng improvement mo Nami. Nung huli kasi naming nakita ng exo k ang dance performance mo, nahihiya ka pa. And it's good to see dahil mas maayos na ngayon.

NAMI: Ano ba...tama na nga yan. Baka lumaki ang ulo ko dahil sa mga pinagsasabi niyo.

Natatawang saad ko kaya natawa rin sila.

KRIS: Mukhang may papalit na sa main dancer ahh.

Napatingin ako kay Kris dahil sa sinabi niya. Sinundan ko ang direksyon ng tinitingnan niya. And then I saw Kai smirking at me.

KAI: Kung si Nami lang naman ang papalit sa posisyon ko........why not?

Napa-iling na lang ako sa sinabi niya.

Matapos naming magbiruan, pumunta muna ako sa kusina para umunom ng tubig. Samantalang sila naman ay nanatili sa studio habang nagkakatuwaan.

Muntik ko ng mabitawan ang basong hawak ko nang biglang sumulpot si Sehun sa tabi ko.

NAMI: Akala ko kung sino na...

SEHUN: Hehe sorry ah. Nagulat ba kita?

NAMI: Ay hindi naman.....

I said sarcastically kaya natawa siya.

Umupo ako sa kitchen counter. Ipinatong ko sa mesa ang kinuha kong cookies sa ref at saka iyon nilantakan.

NAMI: Tara Sehun. Kain tayo.

Agad naman siyang lumapit at umupo sa tabi ko. Pero nangunot ang noo ko nang tingnan niya lang ako.

Ano bang problema niya?

NAMI: Ayos ka lang Sese?

Kunot-noong tanong ko na tinanguan niya lang.

SEHUN: Yeah........Actually, I really want to talk to you.

He said while smiling at me.
Yung ngiti na nakita ko sa kanya nung una kaming nagkita.

NAMI: Tungkol saan? Looks like it's a serious stuff huh.

I tried to joke para gumaan ang atmosphere.

It took seconds bago siya muling magsalita. Tila ba meron siyang inaalalang isang bagay na nangyari sa buhay niya.

SEHUN: Naalala ko lang kasi nung una ka naming nakilala ng exo k.

Bahagya akong natawa nang maalala ko yung first encounter ko kay Kai. Malinaw pa rin sa isip ko ang mga nangyari noon.

SEHUN: It happened sa corridor ng music room. When we saw you with Kai at mukhang may pinag-aawayan kayo nun.

He said and smiled.

NAMI: Ba't mo sinasabi ang mga bagay na yan?

He let out a deep sigh bago magsalita.

I guess, there's something bothering him right now.

SEHUN: Nothing.........Na-miss ko lang kasi yung mga times na........ ako yung ka-close mo sa buong exo k. Ako ang madalas mong makasama tuwing lunchbreak at kapag pumupunta tayo ng library.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 21, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BEING ONE OF THE BOYSWhere stories live. Discover now