CHAPTER 12: Dance Training

11 0 0
                                    

KYUNGSOO'S POV

Nandito kami ngayon sa loob ng office ni Mr. Lee kasama ang buong exo k pero wala ang may-ari ng opisinang ito. Ngayon kasi ang first training ni Nami pero dahil newbie pa lang naman siya, orientation muna ang gagawin. Wala pa naman kaming balak na magpakita sa kanya eh. Gusto kasi naming ma-sorpresa siya kapag nalaman niyang kami ang magiging ka-grupo niya. At saka pumunta lang kami dito para makita siya sa unang araw niya dito sa SME.

Habang abala ang lahat sa kanya-kanya naming agenda, bigla na lang bumukas ang pinto at pumasok si Baekhyun na aligaga. Mukha na siyang matatae sa itsura niya eh hahahah.

SUHO: O ba't ganyan itsura mo? Alam mo, para kang tanga.

Sabi ni Suho na na-iiling pa.

SEHUN: Oo nga Baek. Kung natatae ka, pumunta ka ng banyo. Baka dito ka pa magkalat eh.

Sinamaan naman ng tingin ni Baekhyun ang precious maknae namin.

BAEKHYUN: Tumigil nga kayo. We have a problem here. Can't you see?

Seryosong sabi niya. At kailan pa siya natutong mag-english? Gaano niya kaya yun ka-tagal pinractice? Nahahawa na rin yata to sa kae-english ni Nami.

Hindi na kami nagsalita at hinintay na lang ang sunod na sasabihin niya dahil mukhang hindi talaga siya nagbibiro.

BAEKHYUN: Nasa labas na si Nami kaya magtago na kayo sa mga lungga niyo.

Napasinghap kami sa sinabi niya.

KAI: What?! Ba't ang aga niya? Ala una pa lang ah.

Nagtatakang tanong niya.

BAEKHYUN: Ano ba kayo? Magtago na kayo dahil baka maabutan niya pa tayo dito. Sibat na!

Ang oa talaga nito kahit kailan. Eh sa liit niyang iyan, pwede naman siyang magtago kahit saan-saan. 

CHANYEOL: Teka nga! Nasaan na ba siya?

BAEKHYUN: Nasa labas mismo ng office at mukhang may kausap sa telepono.

Nakahinga kami ng maluwag sa sinabi niya. Pero kailangan pa rin naming umalis dito.

KYUNGSOO: Halika na, lalabas na tayo. Basta itikom niyo iyang bibig niyo ha.

Lumapit na ako sa pinto at dahan-dahan iyong binuksan. Nakita ko si Nami sa kanang direksyon na may kausap sa telepono at buti na lang ay nakatalikod siya.

Sinenyasan ko naman agad sila na lumabas na. Nang makalabas na kaming lahat, sinara ko na ang pinto at tinahak namin ang kabilang direksiyon.

KAI: Bakit ba kasi nating kailangan magtago? Malalaman niya naman to eh kahit ano pang tago ang gawin natin.

Reklamo ni Kai nang tuluyan na kaming makalayo.

CHANYEOL: Manahimik ka nga. Makisakay ka na lang sa trip namin.

KAI: Tss.

NAMI'S POV

Pagtapos ng tawag ay tinungo ko na ang office ni Mr. Lee. Pero bago pa man ako tuluyang makapunta doon ay sinalubong na ako ni Ms. Choi, yung secretary niya.

Nagbow ako sa kanya at ganun din siya.

MS. CHOI: Uhmm, Ms. Park, sumunod po kayo sa akin.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

NAMI: Why? I have to meet Mr. Lee.

MS. CHOI: Yun na nga po eh. Wala po siya sa office niya kaya sumunod po kayo sa akin para ma-meet niyo siya.

BEING ONE OF THE BOYSWhere stories live. Discover now