CHAPTER 21: Sweetness Overload

12 0 0
                                    

NAMI'S POV

Nag-init ang ulo ko sa pagsisinungaling niya dahil alam ko naman na sinadya niya yun.

NAMI: Di sinasadya? Eh kung ihampas ko kaya sa pagmumukha mo iyang mga libro at sabihin kong 'di ko sinasadya'!!!

Naramdaman ko ang paghawak ni Sehun sa kamay ko para pahupain ang galit ko.

SEHUN: Ayos lang yun pare. Kami ng bahalang mag-ayos ng mga to.

Kalmadong sabi niya kaya napaharap ako sa kanya sabay iling.

KAI: Sehun, ikaw na munang bahalang magligpit ng mga yan. Pinapatawag kasi si Nami ni Professor Kim.

Napatingin ako kay Kai sa sinabi niya. At isang matalim na titig lang ang nakita ko sa kanya. Galit ba siya?

KAI: Sige tol. Mauna na kami sa'yo ah.

Kinuha ni Kai ang kamay ko at bigla na lang akong kinaladkad palabas ng library at hinila sa kung saan. 

NAMI: Aray! Ano ba?! Bitawan mo ko! 

Sabi ko habang pilit na inaalis ang kamay ko na hawak niya pero di niya ako binibitawan.

KAI: NO!

Hala. Galit nga. 

Hindi na ko umimik pa dahil natatakot ako sa kakaibang aura na bumabalot sa kanya ngayon.

Nakakainis naman si Sehun eh. Di man lang kami pinigilan.

Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil na rin ako.

Nasa canteen kami ngayon at wala ng ibang estudyante dito. Mukhang nag-start na ang afternoon class.

Pina-upo ako ni Kai sa isa sa mga table tapos pumunta naman siya sa counter para yata bumili.

Pagbalik niya, may dala na siyang isang tray na may lamang mga pagkain. Inilapag niya iyon sa table at tumabi siya sa akin.

Uusog sana ako ng konti kasi masyado siyang nakadikit sa akin kaya lang hinawakan niya agad ako sa beywang kaya di ako nakaalis.

KAI: Kumain ka na. Ayokong nagugutom ka.

Ramdam ko ang lambing sa boses niya. Mukhang humupa na ang galit niya.

Kahit na nagugutom ako, di ko ginalaw yung pagkain. Baka kasi may nilagay siyang lason diyan eh. Mabuti na yung nag-iingat.

KAI: Hindi ka ba kakain? O baka naman gusto mong subuan pa kita?

Napatingin ako sa kanya at nakita ko na naman ang mapaglarong ngiti sa labi niya.

NAMI: Ayoko. Baka kasi malason pa ako sa pagkaing binigay mo eh. 

Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko tapos humagalpak siya ng tawa.

Takte! Ba't ang sarap sa tenga ng tawa niya? Tapos ang gwapo pa niya pag naka-ngiti.

Oops...Erase erase. Gutom lang yata to.

KAI: Di ko kayang gawin sa'yo yun noh. Kung kay Baekhyun siguro pwede pa. 

Ako naman ngayon ang natawa sa sinabi niya. 

NAMI: Ewan ko sa'yo.

Sabi ko sabay subo sa samgyeopsal na binili niya. 

Naramdaman ko ang mahinang paghaplos niya sa buhok ko kaya tinapik ko yung kamay niya pero natawa lang siya. 

Maka-haplos kasi, ano palagay niya sakin? Aso?

BEING ONE OF THE BOYSWhere stories live. Discover now