CHAPTER 27: Can't Resist Anymore

26 0 0
                                    

KAI'S POV

Pagbalik ko sa table namin, wala si Nami doon kaya luminga ako sa paligid.

KAI: Nasan si Nami?

Tanong ko kay Yeri kaya napatigil siya sa pagkain.

YERI: Hindi pa ba nakakabalik? Kanina pa siya umalis para pumunta sa cr. Akala ko nga magkas----

Di ko na siya pinatapos magsalita dahil agad akong tumakbo papunta sa cr. Bigla kasi akong nakaramdam ng kaba nang marinig kong sabihin ni Yeri na hindi pa rin nakakabalik si Nami.

Wala naman sigurong masamang nangyari sa kanya di ba?

Napatigil ako sa paglalakad nang may makita akong babae at lalaki sa di kalayuan na may ginagawang kabulastugan. Di ko maaninag ang mukha nila dahil madilim.

Akmang maglalakad na ulit ako nang makita ko kung paano sinampal nung lalaki yung babae.

Teka? Is that, Nami?

Parang lahat ng dugo ko nag-akyatan sa ulo ko nang makilala ko kung sino yung babae at kung ano ang ginagawa sa kanya ng hinayupak na lalaking yun.

Agad kong sinugod ang gag* at sinuntok siya sa mukha dahilan para mapahiwalay siya kay Nami.

KAI: Siraulo kang hay*p ka!! Piliin mo kung sinong gagapangin mo!!

Galit na bulyaw ko sa kanya pero ngumisi lang ang gag* kaya sinuntok ko ulit siya hanggang sa dumugo na ang mukha niya.

Wala na akong pakialam kung mapatay ko pa ang hay*p na to. Binaboy niya si Nami kaya nararapat lang sa kanya ito.

NAMI'S POV

Di ko na alam kung anong gagawin ko. Napakabilis ng mga pangyayari. Bigla na lang sumulpot si Kai, and for the second time, niligtas niya ako.

Naalarma ako ng paulanan niya ng suntok yung lalaking bumastos sa akin.

NAMI: KAI STOP!!!

Sigaw ko pero parang wala siyang narinig. Kasabay nun ang pagdating nila Sehun, Chanyeol at Yeri.

Sina Chanyeol at Sehun na ang nag-awat kay Kai samantalang niyakap naman ako ni Yeri nang makita niya akong umiiyak.

YERI: Tahan na Nami.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko pero nabigo ako.

SEHUN: Kai tama na! Tumigil ka na!

Saway na Sehun kay Kai dahil pilit pa rin nitong sinusugod yung lalaki.

KAI: Bitawan mo ko! Papatayin ko ang hay*p na iyan!

CHANYEOL: Ano ba kasing atraso nito sa'yo?

KAI: Binastos niya si Nami. At hindi ako papayag hangga't di ko naililibing ng buhay ang tarantadong iyan!

Nasasaktan ako nang makita ko kung gaano kagalit si Kai kaya hinawakan ko siya sa kamay niya para pakalmahin siya.

NAMI: Kai, tama na. A-ayokong makita kang, n-nasasaktan.

Takteng luha to, di ba to nauubos? Kanina pa ko dito umiiyak pero hanggang ngayon di pa rin ako natigil.

Hinarap niya ako at bakat sa mga mata niya ang lungkot at galit. Di ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya.

Dapat pala di ko na lang siya niyakap dahil mas lalo lang akong umiyak. Sobrang nasasaktan ako ngayon. Pangalawang beses niya na akong niligtas at nagi-guilty ako sa sarili ko dahil palagi na lang siyang nadadamay kahit di naman dapat.

BEING ONE OF THE BOYSWhere stories live. Discover now