CHAPTER 36: Password

24 0 0
                                    

KAI'S POV

Pag-alis ni Nami kanina sa living room, sinundan ko siya. Pero mukhang di niya yun nahalata dahil sa sobrang antok. 

Gusto ko lang naman siyang i-check eh.

Akmang aalis na ako nang makapasok na siya sa kwarto niya pero napatigil din ako agad nang marinig kong may kausap siya sa telepono.

Umiral yung pagka-chismoso ko kaya pinakinggan ko yung pag-uusap nila. Tuwang-tuwa pa nga si Nami.

 [I miss you more]  

Tss. Sino naman kaya iyang kausap niya? Ba't parang ang sweet niya yata?

Hindi muna ako umalis tapos nakinig pa ako ng usapan nila. Narinig ko rin yung pagkanta ni Nami.

Nakaka-inlove pala ang boses ng asawa ko? Buti na lang at di siya kumakanta sa public places dahil kung hindi, baka marami na akong naging kaagaw sa kanya.

 [I Love you more Travis. I'm so blessed that you came into my life]  

Anak ng!! At sino naman iyang Travis na iyan?! Is she cheating on me?

Agad kong binuksan ang pinto at hindi ko napigilan ang galit ko.

KAI: WHAT THE F*CK WAS THAT?!!

Muntik pa siyang mahulog sa sofa dahil sa gulat, pero agad din naman siyang tumayo.

Lumapit ako sa kanya at pilit kong pinipigilan ang galit ko.

KAI: Sino yung kausap mo?

Mahina kong sabi pero sapat na para marinig niya.

NAMI: Si T-travis, p-pinsan ko.

She's stuttering. Is it because she's nervous? or she's lying?

KAI: Give me your phone.

Inirapan niya lang ako.

NAMI: What now? Hindi ka naniniwala sa akin? Is that the reason why you're getting my phone?

Medyo iritado niyang sabi.

KAI: Tss. Kung wala kang tinatago then why don't you just give it to me?

I said.

Umirap na naman siya sa akin tapos binigay din yung phone niya.

Binuksan ko naman iyon agad. Kaso, may password. Psh, may tinatago nga.

NAMI'S POV

Muntanga tong boyfriend ko. Makakuha ng cellphone kala mo naman may tinatago ako.

KAI: What's the password?

Tanong niya habang nakatingin sa lock screen ng phone ko.

NAMI: I love you.

Sabi ko...............O_____________O

Napatakip ako ng bibig nang marealize ko yung sinabi ko. Eh sa yun naman kasi talaga ang password ko eh.

Tumingin ako kay Kai and he's just smiling at me, playfully.

KAI: Seriously?

Nang-iinis na saad niya.

NAMI: Shut up okay?!!

Bulyaw ko sa kanya pero nginisian niya lang ako.

KAI: I love you too wife.

Bwisit! Babanat pa. Banatan ko to eh.

May kung ano siyang pinindot sa phone ko. It took minutes bago niya ibalik iyon sa akin.

BEING ONE OF THE BOYSWhere stories live. Discover now