CHAPTER 28:Exo M is Coming to Town

15 0 0
                                    

KRIS' POV

Tumawag sa akin kanina si Mr. Lee para ibalita kung kailan ang punta namin sa South Korea. Lahat kami nakaramdam ng tuwa dahil sa makalawa na agad ang alis namin. Excited na akong makita sila. 

Abala kami ngayon sa pamimili ng mga pasalubong namin para sa exo k. Kung saan-ssan na kami nakapunta pero itong mga kasama ko, hindi naman para sa exo k ang binibili kundi para sa kanila.

KRIS: Huy! Inform ko lang kayo ah, pasalubong ang ipinunta natin dito hindi pag-shopping.

Lahat naman sila lumingon sa gawi ko sabay iling. Kanina pa sila bili ng bili ng mga bagay kahit di naman nila kailangan. Mga waldas talaga.

CHEN: Hayaan mo na kami Kris. Minsan lang naman eh.

TAO: Oo nga. At saka kahit para sa amin itong mga pinamili namin, gagamitin rin naman nila to.

Napa-iling na lang ako. Sanay na kasi kaming maghiraman ng mga gamit. Nabibwisit na nga ako eh. Sa tuwing humihiram kasi ng medyas sa akin si Lay o kaya si Tao, ibabalik nila yun na may butas na. Di man lang nahiya.

KRIS: Hay. Ewan ko sa inyo.

LUHAN'S POV

Kanina pa kami dito sa mall, at kanina ko pa naririnig iyang mga reklamo ni Kris na wala namang kwenta. Kesyo nagsho-shopping lang daw kami at di naman bumibili ng pasalubong. Sira talaga. Kung may reklamo siya, dun siya sa barangay huwag dito. Naiinis lang ako sa kanya e.Humiwalay muna ako sa kanila kaya mag-isa lang ako ngayon.

Napatigil ako sa paglalakad nang may madaanan akong book store. Hay, kahit saan ako pumunta, siya pa rin ang naaalala ko.

Pinasok ko iyon at tumingin-tingin ako. Napangiti ako nang may makita akong libro na paborito niyang basahin. Ang CHARM ACADEMY. Mahilig siya sa mga fantasy books na ang author ay si ''APRIL AVERY''.

Meron pa pala nito ngayon? 

Naalala ko nga noon na binigyan ko siya ng librong ganito nung 9th birthday niya. Sobrang saya niya nga nun tapos di siya tumitigil kakasabi ng salamat. Tapos pagkatapos ng klase namin, lagi kaming pumupunta sa garden at dun namin binabasa yung libro.

Naiinis nga ako sa kanya sa tuwing kinikilig siya kay Jett Forester. With matching hampas ng libro pa yan kung kiligin. Psh, mas gwapo naman ako dun noh. 

Naghanap ako ng mga libro ni April Avery. Kinuha ko yung TITAN ACADEMY at MIRREN ACADEMY.

Pagkakuha ko nun, binayaran ko agad sa counter tapos bumalik na agad ako sa mga kasamahan ko pero wala na sila dun sa huli nilang pinuntahan. Pambihira, iniwan pa ako.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko na lang si Lay. 

[Hello, Lay. Mga animal kayo. Di niyo man lang ko hinintay.]

Inis na saad ko nang sagutin niya ang tawag ko.

[Huh? Excuse me, sino to?]

Bwisit. Niloloko ba ako nito?

[Hoy taena mo. Umayos ka. Nasaan kayo?]

[Huh? Sorry po pero di talaga kita kilala eh]

Ginagago ba ako nito? 

Naalala ko, di nga pala nagsa-save ng number itong si Lay kaya naman di niya talaga ako kilala.

[Si Luhan to. So, nasan na nga kayo?]

[Ah. Nasa Guangzhou kami, kumakain. Ang lakas naman ng loob mong sabihin na kami ang nang-iwan eh ikaw tong bigla na lang nawawala diyan eh. Di ka man lang nagpaalam kung saan ka pumunta.]

BEING ONE OF THE BOYSWhere stories live. Discover now