CHAPTER 26: The Christmas Ball

19 0 0
                                    

KAI'S POV

Ngayon na ang araw para sa Christmas Ball namin. 

Pero di ako mapakali dito sa kinauupuan ko. Kanina ko pa siya hinihintay pero hanggang ngayon wala pa rin siya.

I told her na susunduin ko siya pero tumanggi lang siya. Kaya dumiretso na ko dito sa venue. Akala ko pa naman madadatnan ko na siya dito pero wala pa pala siya.

SEHUN: Relax dude, darating din yun.

Hindi ko alam kung ilang beses na iyang sinabi ni Sehun sa akin. Pero di ko man lamang magawang magrelax sa ganitong sitwasyon.

Nandito na yung kaibigan niya. Siya na lang ang kulang.

Nasaan na ba kasi siya? Malapit ng magstart pero di pa siya dumarating.

After ng ilang minuto, parang tumigil ang mundo ko nang makita ko ang babaeng kanina ko pa hinihintay. She's perfectly beautiful with her blue gown. I can't help but to smile.

She keeps on looking around na para bang meron siyang hinahanap. Tumayo ako, and when her eyes landed mine, she smiled.

So, ako pala ang hinahanap niya.

Kahit di niya sabihin, alam ko naman na parehas na kami ng nararamdaman ngayon para sa isa't-isa. Ewan ko nga lang sa babaeng iyan at palagi niya pa ring tinatanggi yung katotohanan na may gusto din siya sa akin.

Lumapit ako sa kanya sabay halik sa labi niya. Narinig ko pa ang pagsinghap niya dahil sa pagkabigla.

KAI: You're so beautiful babe.

Di nakatakas sa paningin ko ang pamumula niya kaya napangiti na lang ako.

Inalalayan ko siyang maka-upo sa table namin.

YERI: Nami, ang ganda mo ah.

Bungad agad ni Yeri nang makalapit kami.

NAMI: Pasensya na Yeri, wala akong barya dito eh.

Sabi niya sabay tawa.

Napa-iling na lang ako. Di ako makapaniwala na hawak ko na ang babaeng mahal ko ngayon. Hindi ako nagsisisi na sa kanya tumibok ang puso ko. Baduy man pakinggan pero yun ang totoo kaya wag na kayong aangal.

NAMI'S POV

Buti na lang at di pa nag-istart. Traffic kasi kanina eh nakakainis.

Napatingin ako kay Kai. Ang gwapo niya sa suot niyang tuxedo. Di ko mapigilan ang di mapahanga sa ganda ng katawan niya. Sigurado ako na nagwo-work out iyan.

Maya-maya pa ay nagstart na ang program. 

''A pleasant evening to each and everyone of you. Tonight is the night for all the first year students. But before we start this celebration, let us all hear the message of our Dean'', panimula nung emcee.

Umakyat naman ng stage si Dean at nagbigay ng message. Di ko na masyadong napakinggan dahil busy kami ni Yeri na magchikahan.

After ng speech, kinuha ng emcee ang mic.

''Thank you for that wonderful message from our Dean. And now, I am gladly announcing that the dance floor is all yours. Have fun our beloved students''.

Karamihan sa mga estudyante pumunta na sa dance floor para sumayaw. Pero nanatili lang akong naka-upo dito habang pinapanood silang sumayaw.

Napatingin ako kay Kai nang ilahad niya ang kamay niya sa harap ko.

KAI: Let's dance.

Nakangiti niyang saad pero umiling lang ako. Marunong naman akong sumayaw pero wala lang talaga ako sa mood ngayon.

BEING ONE OF THE BOYSWhere stories live. Discover now