CHAPTER 25: Be my Date

17 0 0
                                    

KAI'S POV

One week na ang nakalipas at sa makalawa na ang Christmas Ball. Pero hanggang ngayon di ko pa rin natyetyempuhan si Nami.

Gusto ko kasi siyang ayain bilang date. Sabi nga daw sa akin ni Sehun, mukhang ayaw daw sumama ni Nami sa Ball, pero syempre di ako papayag noh.

Break time ngayon at naisipan naming maglaro ng basketball kasama ang barkada ko.

Ka-team ko sina Baekhyun at Chanyeol samantalang kalaban naman namin sila Kyungsoo, Suho at Sehun.

Kanina pa ako nakapag-lunch pero di rin ako nakakain ng marami kasi di ko kasabay si Nami. May ginagawa pa daw kasi siya eh. 

Hinayaan ko na lang kasi baka magalit na naman yun sa akin. Sabihin pa niya na masyado akong bossy.

Habang naglalaro kami napansin kong may dalawang babaeng pumasok. 

I smiled. Nandun ang mahal ko.

KAI: Time out.

Sabi ko sa kanila kaya napatigil sila sa paglalaro at tiningnan ang direksyon kung saan ako nakatingin ngayon.

CHANYEOL: Ah. Kaya naman pala nagtime out. Andyan na pala ang mahal niya hahahaha.

Mga ugok na to. Pagtawanan ba naman ako. 

Di ko na sila inintindi at dumiretso na ko kay Nami. Masyado ko yatang na-miss ang babaeng to.

NAMI'S POV

Pagkatapos kong mag-lunch kasabay si Yeri, dumiretso agad kami sa covered court at naabutan namin silang anim na naglalaro ng basketball.

Puro pawisan na nga sila pero nag-eenjoy pa rin sila sa paglaro.

Tumigil sila sa paglalaro tapos parang may pinag-usapan sila kaya lang di ko narinig kasi medyo malayo ako sa kanila.

Tumakbo si Kai palapit sa akin tapos bigla na lang akong niyakap.

Hindi niya inintindi kung pawisan siya, basta niya na lang akong niyakap.

NAMI: Yucks Kai, punasan mo nga iyang pawis mo. Di ka na nahiya sa akin.

Pang-aasar ko kahit na ang totoo eh mabango pa rin siya kahit na tagaktak na ang pawis niya.

KAI: Sus ang arte mo.

Natawa na lang ako sa kanya.

Kinuha ko yung face towel na nakasabit sa balikat niya tapos pinunasan ko yung pawis niya. Ramdam ko ang lalim ng titig niya sa akin pero di ko iyon inintindi.

Pagkatapos kong punasan ang pawis niya, nilagay ko yung towel sa likod niya tapos binigyan ko siya ng tubig na agad din naman niyang ininom.

KAI: Kumain ka na?

NAMI: Oo na po. Kakatapos lang.

Nginitian niya ko sabay gulo sa buhok ko kaya inirapan ko siya.

Umupo ako sa bench habang pinapanood sila na naglalaro. Nakisali na din si Yeri sa kanila. Puro free throw nga lang ang ginagawa kaya natatawa na lang ako. 

Tumabi sa akin si Kai at tumingin sa akin.

KAI: Ikaw ang date ko sa Christmas Ball ah.

Napatingin ako sa kanya. Nakangiti lang siya sa akin. 

NAMI: Sorry not sorry pero di ako pupunta sa event na yan.

Sabi ko sabay bawi ng tingin sa kanya.

BEING ONE OF THE BOYSWhere stories live. Discover now