CHAPTER 23: Keep it a Secret

14 0 0
                                    

KAI'S POV

Matapos ang ilang minuto ay lumabas na rin ang nurse.

SUHO: Kumusta na po siya?

Nag-aalalang tanong ni Suho.

NURSE: Ayos na ang kalagayan niya ngayon. All you have to do is guard her and make sure na hindi siya nalilipasan ng gutom. Makakasama yun lalo na sa kondisyon niya.

Teka. Ano ba talagang sakit niya?

YERI: Ano po ba ang sakit ni Nami?

Pagkasabi nun ni Yeri, parang may gumulo sa isip nung nurse. Mukhang nagdadalawang-isip pa siya kung ano yung sasabihin niya.

NURSE: S-she's okay now.

She's lying.

Tiningnan ko sila at mukhang paniwala naman sila sa sinabi ng nurse.

NURSE: Nalipasan lang siya ng gutom kanina kaya sumakit yung ulo niya. Pero mas maigi na rin kung lagi niyo siyang babantayan.

SEHUN: Sige po, makakaasa kayo

Pag-alis ng nurse, nanguna agad ako sa pagpasok sa room. 

Tinabihan ko si Nami na nakaupo na ngayon sa kama at malalim ang iniisip.

YERI: Nami. Buti naman at maayos ka na.

Masayang sabi ni Yeri sabay yakap sa kanya. Nginitian naman siya nito pero halatang nanghihina pa rin siya.

NAMI: Anong ginagawa niyong lahat dito? 

CHANYEOL: Sehun called us, at sinabi niyang sinugod ka dito sa clinic kaya pumunta agad kami dito.

Napabuntong-hininga si Nami sa sinabi ni Chanyeol.

NAMI: Sorry kung nag-alala pa kayo sa akin. Maayos na ang lagay ko ngayon kaya pwede  na kayong umuwi. Napansin ko kasing gabi na rin eh.

Nagkakasakit na nga siya pero kami pa rin ang iniisip niya.

SUHO: Hindi ka namin pwedeng iwan ditong mag-isa. Lalo na at nanghihina ka pa.

Napasimangot na lang si Nami sa sinabi ni Suho.

NAMI: Gusto ko ng umuwi. Ayoko ng magtagal pa dito.

KAI: Maayos na ba iyang pakiramdam mo? Di ka ba nahihilo?

NAMI: Ayos na ako. Sa condo ko nalang ako magpapahinga.

Hindi pa man kami nakakapagsalita ay bigla na lang siyang tumayo. Akmang kukunin niya na ang bag niya pero naunahan ko siya.

Sinamaan niya lang ako ng tingin tapos humarap siya sa iba.

NAMI: Tara na guys. Uwi na tayo.

Tumango lang sila at nagsimula ng maglakad.

Inaalalayan ni Yeri si Nami habang hawak ko naman ang bag niya.

SUHO: Yeri, mas mabuti kung sa amin na kayo sasabay. Gabi na at delikado na rin sa daan.

Sabi ni Suho pagdating namin sa parking lot. 

Tumango lang sina Yeri at Nami at sumakay na rin sila sa van. 

Si Chanyeol na ang nagdrive tapos katabi niya si Kyungsoo. Sa likod nila sina Suho Yeri at Sehun tapos sa pinakalikod naman ako si Nami at Baekhyun.

Tiningnan ko si Nami at nakita kong papikit-pikit yung mata niya kaya naman sinandal ko yung ulo niya sa balikat ko. Di naman siya pumalag at hinayaan na lang. Naramdaman ko na tumingin si Baek sa gawi namin pero di ko lang iyon inintindi.

BEING ONE OF THE BOYSWhere stories live. Discover now