CHAPTER 30: LQ

17 0 0
                                    

KAI'S POV

Halos isang oras din akong naghintay sa labas ng unit ni Nami pero nang sinabi nung isang staff na umalis daw siya. Tinawag ko siya agad. 

Isang oras akong naghintay sa kanya tapos malalaman ko na lang na may iba siyang kasama? Damn it. She's too easy. Pero pagdating sa akin, ang hard niya.

Sa sobrang inis at galit na nararamdaman ko, malakas kong sinuntok ang manibela ng sasakyan.

NAMI: Kai! Ano ba?!

F*ck that JV. Talagang pinagmamalaki pa niya na sabay silang nag-lunch ni Nami. Babasagin ko talaga ang mukha ng hay*p na yun.

Binalingan ko si Nami at kita sa mga mata niya ang pagka-inis kaya mas lalong uminit ang ulo ko. 

Sinimulan ko na ang pagpatakbo ng makina.

KAI: What?! Ikaw pa itong may ganang magalit ngayon huh?!

NAMI: Calm down okay?! 

Sa sitwasyon ngayon, di uso sa akin ang salitang hinahon. Parang gusto kong manuntok na lang.

KAI: Bakit magkasama kayo ng gag*ng yun?!

NAMI: Huwag mo nga siyang tawaging gag*.

Aba! Pinagtanggol pa.

KAI: Eh sa gag* naman talaga yun eh. Malandi siya!

NAMI: Kai pwede ba? Maghinay-hinay ka sa pananalita mo.

KAI: Pinagtatanggol mo ba siya?  

NAMI'S POV

Napapagod na ako sa pakikipag-away sa unggoy na to ah.

NAMI: Ikaw naman kasi eh.

KAI: Ako pa sinisi mo. Eh sino kaya sa ating dalawa ang basta basta na lang sumasama sa ibang lalaki kahit di niya naman kilala? Niyaya lang mag-lunch um-oo naman kaagad. 

Aray ah. Nakakasakit na to ah. 

Gusto ko pa sanang magsalita pero para akong napipi dahil sa sinabi niya. Para kasing sinabi niya na rin sa akin ng diretsahan na malandi ako.

Alam kong medyo oa pakinggan pero masyado talagang masakit eh. Yung tipong gusto ko ng umiyak. Kung sa iba pa nanggaling iyan pwede ko pang balewalain. Kaso iba ngayon eh. Si Kai na mismo ang nagsabi niyan. Si Kai na walang ibang ginawa kundi ang iparamdam sa akin na mahal niya ako. 

Pero bakit ganito? Siguro nga tama sila. Kung sino pa ang taong pinakamamahal mo, siya rin ang taong makakasakit sa'yo.

Buong biyahe naging tahimik na lang kami. At sobra ang pagpapasalamat ko sa Diyos dahil sa wakas ay nakarating na agad kami sa condo ko.

Magsasalita pa sana si Kai pero di ko na siya pinansin. Binuksan ko agad ang pinto at mabilis akong naglakad papuntang elevator. Narinig ko pa ang pagtawag ni Kai sa pangalan ko pero di ko iyon pinansin.

NAMI: Let go!

Napapitlag ako nang bigla niya akong hawakan sa braso. Taena nahihirapan na nga akong bitbitin itong dala kong bag nakikisali pa siya.

KAI: Teka lang. Mag-usap muna tayo.

Nagmamakaawa pa siya niyan pero ako namn itong pa hard to get dahil puro tulak ang ginagawa ko sa kanya.

NAMI: Ano ba?! I said let go. Don't touch me.

KAI: No! I won't unless you're not talking to me. Akin na iyang bitbit mo, ako na ang magdadala.

BEING ONE OF THE BOYSWhere stories live. Discover now