labingdalawa

406 10 0
                                    


Para 'to sa mga taong niloko
Para sa mga ginago,
Sa mga nabiktima ng ikaw at ako hanggang dulo
Itong tulang ito,
Ay para sayo.
Masaya ka ba sa buhay mo?
Hindi ka ba napapagod kaka sabi ng "okay lang ako."
Kahit hindi naman totoo?
Hindi ka ba napapagod sa tuwing binabalikan mo lahat ng mga ala-ala ninyong tinapon lang niya sa may dulo?
Hindi ka ba napapagod kaka paalala sa sarili mo na sukdulan na ang katangahan mo?
Hindi ka pa ba pagod?
Kailan ka ba mapapagod?
Kapag wala ng natitirang kahit ano sayo?
Na kahit yung dignidad mo ibinigay mo na na parang wala lang ito sayo?
O kapag umabot na sa puntong sinusuka ka na pati ng sarili mo?
Kaibigan, eto ang tatandaan mo.
Walang mag mamahal sayo kung ikaw mismo,
Hindi pinapahalagahan ang sarili mo.
Walang mag mamahal sayo kung uunahin mo munang mahalin ang lahat bago ang sarili mo.
Hindi ka tatanggapin ng taong mahal mo kung pati sarili mo, hindi mo tinatanggap.
Patapos na ang aking tula, kaibigan.
Tatapusin ko na to kasi lahat ng bagay may hangganan.
Kaibigan, uulitin ko.
Lahat ng bagay sa mundo may hangganan.

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon