Nginitian mo ako
Nginingitian mo nanaman ako
Hindi ko akam kung normal ba na ngitian mo ang isang tao at titigan mo ito na para bang sa ilang segundo mawawala ito sa paningin mo
Hindi ko alam kung ngingiti din ba ako o ano pero hindi mo pinutol ang tinginan natin
Para bang nag hihintay ka ng susunod kong gagawin
Nag hahamon kung hanggang kelan ko itatanggi na gusto ko din na ngitian ka at mas lalong gusto ko na ngumingiti ka sakin
Pero dahil mataas ang pride ko at ayaw kong mag patalo, nakipag titigan ako sayo
Kahit halos lamunin na ako ng lupa dahil sa mga titig mong nakaka tunaw, pinilit kong labanan yon
Ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako mahuhulog sa mga titig na nakakatunaw at nakakapanlambot
Dahil ganon na ganon ang mga titig ng manloloko
Pero hindi ko inasahan ang susunod mong ginawa
Nag lakad ka papunta sa direksyon ko at pumwesto ka sa harapan ko ng hindi pinuputol ang mga titig at hindi napapawi ang malaking ngiti sa labi
Tinuran mo ang pangalan ko na para bang matagal mo ng alam iyon
Na parang itinadha talagang ibuka ng labi mo ang pangalan ko
At hindi ko nagugustuhan ang pakiramdam na 'to
Para bang hindi na sumasang ayon ang ang katawan ko sa prinsipyong pinang hahawakan ko
Inilahad mo ang kamay mo para ipakilala ang sarili mo
"Ako nga pala si Juan."
Hindi ko inabot ang kamay ko pero hindi ka natinag.
"Ako nga pala si Juan, ang mapapangasawa mo, ang magiging tatay ng mga anak mo at ang makakasama mo hanggang sa dulo."
At sa puntong iyon, alam kong ngingiti na ako sa tuwing ngingitian mo ako
Alam na alam kong nanalo ka sa laban ng hindi mo nalalamang may nilalabanan ka pala
At napaka daya ng mundo
Simple lang naman ang hiningi ko
Kailangan ko lang naman ng taong kasama kong ngumiti sa gitna ng pagsubok
Isang ngiti na nag papahiwatig ng madaming damdaming iisa lang ang gusto
Mahalin ng totoo.
Mahalin ng sapat.
Mahalin ng hindi nag hihintay ng kapalit.
Mahalin dahil mahal ka
At mag mahal lang hanggang dulo
Sa madaming beses,
nadali nanaman ako ng ngiti ng isang manloloko
BINABASA MO ANG
Unspoken Words
PoesiaMga salitang kinimkim Mga katagang sinasabi ng palihim Mga letrang hindi kayang bigkasin At mga damdaming hindi nabigyan ng pansin © natatanging 2017