Sa malawak na hardin,
May paruparong may suot na salamin.
Siya ay masiyahin
At mahilig sa mga bituin.
Isang araw,
May naligaw na bubuyog sa hardin ng paruparong masiyahin
Hindi niya ito pinansin.
Ngunit pursigido ang bubuyog na siya ay kilalanin.
Walang nagawa ang paruparo sa kakulitan ng bubuyog.
Hinayaan niya itong makapasok sa kanyang malawak na hardin.
Unti-unti, sila ay nag kakamabutihan.
Wala ng ilangan o kung ano man.
Hindi lang niya sa hardin ito pinapasok ngunit pati na rin sa kanyang mundo na puno ng bituin.
Ngunit biglang nag bago ang ihip ng hangin.
Ang bubuyog ay naging bugnutin.
Siya ay nag sawa sa malawak na hardin
Pati na rin sa paruparong masayahin.
Kalaunan, siya ay lumisan.
At naiwan sa malawak na hardin.
Nag iisa,
Ang paruparong hindi na naging masiyahin.

BINABASA MO ANG
Unspoken Words
PoetryMga salitang kinimkim Mga katagang sinasabi ng palihim Mga letrang hindi kayang bigkasin At mga damdaming hindi nabigyan ng pansin © natatanging 2017