sampu

363 8 0
                                    






Noong bata ako, laging binabanggit ng nanay ko ang pagdalaw ng multo o ano mang nakakatakot at masasamang elemento sa bahay pag hindi ako kumain ng gulay o pag ako daw ay nang away.
Nakabalot pa ng kumot ang katawan ko pag natutulog dahil baka hilahin ng multo ang paa ko
At sinisigurado kong tama at hindi baliktad ang pag kakasuot ko ng damit para hindi ako maligaw sa aking panaginip
Namulat ako na takot masugatan dahil pag may dugo paniguradong may mahabang tren na lilitaw sa mismong sugat may kasunod pang bus at kalesa pag masyadong malaki ang hiwa
Meron pang pagkakataon na naglalaro ako ng taguan sa labas kasama ang mga kalaro ko at tinawag niya ng malakas ang pangalan ko kaya natigil ang laro
Lumapit ako sakanya ng humahangos dahil gusto ko ng malaman ang dahilan ng pagtawag niya at lalot higit gusto ko ng makapag laro ng taguan
"Bakit, Ma?"
Umiling siya at alam ko na ang gusto niyang iparating. Nanginig ang tuhod ko dahil na din sa pagod sa pagtakbo Pero dahil gusto ko ng mag laro ng taguan at manatili pa sa labas kasama ang mga kalaro ko para makipag habulan, hindi ko na pinakinggan pa ang mga panakot niya na baka madapa ako sa pagtakbo o manuno at mabati ng engkanto sa pag tataguan ko.
"Saglit na lang to, Ma. Uuwi na din ako mamaya last na pramis!" mabilis kong tugon sa kanya at tumakbo na pabalik sa mga ka laro ko.
Natuloy ang naudlot na taguan at habulan pero nag katotoo nga na nadapa ako at nasugatan.
Dumugo ang sugat ko pero walang lumabas na tren o kahit maligno kanina nung nag tatago ako
Pero dahil bata pa ako at madaling matakot at ma uto, hindi ko na inulit ang pag lalaro ng taguan o kahit ang makipag habulan sa lansangan dahil sa takot na baka sa susunod na madapa ako may lumabas ng tren sa sugat ko at baka may magpakita ng multo o engkanto sa pag tataguan ko.
Hanggang ngayon na matanda na ako at mulat na sa katotohanang gawa gawa lamang ng malikot na imahinasyon ng mga tao ang engkanto at iba pang mga elemento, takot pa din ako.
Takot na takot ako.
Hindi sa mga sinasabi ng nanay ko tungkol sa multo o sa nuno sa punso, pero sa katotohanan na hindi nalang ang takot na maka kita ng multo pag hindi ko binalik ang sukli sa nanay ko ang kinakatakutan ko.
Hindi nalang ang pagiging laging taya ang kaiinisan ko
Hindi nalang ang pag hahanap ng magandang oag tataguan ang pro-problemahin ko
At hindi nalang ang pag kaka dapa ko ang magiging dahilan ng pag patak ng luha sa mga mata ko.
Pero sige okay lang
Okay lang na tawagin akong duwag o tanga dahil natatakot ako sa mga bagay na gawa gawa lamang at walang basehan
Ngunit hindi ba't lahat tayo ay may sariling kinakatakutan?
Lahat tayo ay may kinukubling kahinaan na pilit itinatago sa karamihan sa kagustuhang mag mukang matapang at walang kinakatakutan
Noong bata pa ako, takot ako sa multo at sa mga masasamang elemento
Ngayong matanda na ako, takot pa din ako sa multo
At ang multo pala ay ako

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon