Sa gitna ng daan ng hindi pag kakaintindihan
Sa bawat pagliko dulot ng nag babadyang kapahamakan
Sa hindi mabilang na pag preno dulot ng kalituhan
Sa mga pag hinto dahil sa matinding kapaguran
Nananatili pa ring nakahawak ng mahigpit
Nakakapit ng sobrang higpit
Kahit madaming lubak at daang gulagulanit
Hindi pa din bibitaw
Hinding hindi bibitaw
Kahit masakit
Kahit namimilipit sa sobrang pag kapit
Mananatili at mananatili pa ding nakasiksik sa gilid
Maghihintay ng pagkakataong makalapit
Hindi dahil gustong umulit
Pero dahil sa pag asang makakamit muli
Ang kapayapaang matagal ng inaasam ng puso at isip
BINABASA MO ANG
Unspoken Words
PoetryMga salitang kinimkim Mga katagang sinasabi ng palihim Mga letrang hindi kayang bigkasin At mga damdaming hindi nabigyan ng pansin © natatanging 2017