Naniniwala ako at patuloy akong maniniwala
sa kakayahang mag paligaya ng buwan at bituin at langit at kalawakan.
Sa kung paano nila pinapaganda ang masalimuot na mundo
sa pag kinang sa gitna ng kadiliman,
sa pag bibigay ng liwanag at pag asa at saya sa iba, sa'yo, sa kanila, sa atin, sa akin, sa tayo..
Walang kapantay ang ibinibagay ng kanilang presensya dahil pag tumingin ka sa itaas, nandun na lahat ng saya.
Inaalis nila ang sakit, galit, pighati, poot at lungkot na pilit ibinabato ng mundo kahit punong puno na ng ganoon ang buhay mo.
Kaya naniniwala ako at patuloy akong maniniwala
sa kakayahan ng buwan at bituin at langit at kalawakan na mag paligaya at mag bigay ng pag asa na sa gitna ng gulo at kadiliman, mananatili pa rin ang saglit na katahimikan.
BINABASA MO ANG
Unspoken Words
PoesíaMga salitang kinimkim Mga katagang sinasabi ng palihim Mga letrang hindi kayang bigkasin At mga damdaming hindi nabigyan ng pansin © natatanging 2017