apatnapu't anim

151 6 0
                                    

Una. Bungad. Pinagmulan. Pinanggalingan. Umpisa. Kumusta?

At kung ano ano pang mga salitang nag lalarawan sa isa,

Simula..

Nakakapanindig balahibong karanasan kung saan wala kang alam o hindi mo alam ang pakiramdam pero dahil ito ang una at ganito dapat ang magiging eksena,
hahayaan mo na ang buwan ang mag dikta
at ang langit ang mag pasya
kung tutugma ba o mag iiba ng ruta
Pero dahil ito ang una at ganito dapat ang maging eksena,
magiging matapang ka at lalamunin ang sariling takot na baka hindi umubra o mawalan bigla ng gana at mawala ka nalang bigla sa mapa
Pero dahil ito ang una, at paulit ulit kong bibigkasin na ito ang una at talagang ganito ang pakiramdam at ganito ang eksena,
lalakasan ang loob at hihingi ng tulong kay Buddha o kay Darna at sa kahit sinong Diyos o mga taong may kakayahang mag alis ng takot at kaba para mabigkas ng mabuti at malinaw ang mga salitang
'Kamusta? Anong pangalan mo? Ako nga pala si Juan at mahilig ako sa buwan'
At kalaunan, dalawa lang ang pwede nitong kahihinatnan
Una, parehas silang mabibighani sa buwan at sa taglay nitong kaliwanagan
at kasabay nito, ang pag kakaroon nila ng malalim na pag kakaintindihan hindi lang tungkol sa buwan kundi pati na din sa kung paano nag kokonekta ang dalawang planeta at sa mga bagay na sila lang ang nakaka alam at wala ng iba pa ang pwedeng umagaw nito sa kanila
At ang pangalawa at pang huli

Huli...

Katapusan. Kahihinatnan. Dulo. Hangganan. Paalam

At kung ano ano pamg mga salitang nag lalarawan sa isa,

Wakas..

Nakakapanindig balahibong karanasan kung saan wala ka ng alam dahil kabisado mo na ang pakiramdam kaya mamamanhid ka sa sakit at pighati dahil sa dagat ng lungkot, palutang lutang ang iyong puso
Pero dahil ito na ang pang huli at ganito dapat ang magiging eksena,
tatanggapin mo lahat ng ibabato sayo ng mundo dahil kahit anong gawin mong iwas o pag yuko, hahanap pa din talaga ng paraan ang kalawakan para iparamdam sayo ang sakit ng salitang paalam
At dahil ito na ang pang huli at inaasahan mo na ang mga mangyayari,
yayakapin mo ang katapusan at yayapusin ang bawat letra ng wakas at aalisin ang lungkot sa salitang dulo at magiging masaya pag binigkas ang hangganan dahil lahat ng bagay sa mundo ay panandalian lamang

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon