apatnapu't lima

171 6 0
                                    





"Okay ka lang?" Tanong ng tao sa harapan ko.

Natawa ako kasabay ng pag tulo ng mga luhang nang galing ata sa mga mata ko.
Ewan pero hindi ako sigurado.

Masyado na akong manhid para maramdaman pa yung pag patak ng mga luha ko o alamin pa kung tumigil ba ito sa pag daloy o ano.

Hindi ko siya sinagot.

Bagkus tumingin ako ng diretso sa mga mata niyang kasing lungkot ng mga mata ko.

Nakikita ko ang sarili ko sayo.

Mahina kong bulong sa kanya.

Ngumiti lang siya pero tuloy tuloy pa din yung pag patak ng mga luha sa mga mata niya.

Ngayon ko lang napagtanto na hindi pala talaga sila mag lalaan ng oras para sayo kasi una sa lahat, ano ka ba sa kanila?

Ano ba yung dulot mo sa buhay nila?

At higit sa lahat, ano ba yung handa mong ibigay para lang mapunan yung kapritso nila sa buhay?

Kasi mahal, sa mundong to, pag tutuunan ka nila ng pansin kasi meron ka ng wala sila.

Pag lalaanan ka nila ng oras kasi handa mong ibigay lahat ng meron ka mapasaya lang sila.

Bibigyan ka nila ng atensyon kasi wala na silang ibang magawa.

At kapag dumating na yung araw na nagkaron na sila ng meron ka, kapag nakahanap na sila iba, kapag nag sawa na sila, hindi ka na parte ng buhay nila.

Hahawakan ko sana yung tao sa harapan ko para yakapin siya at sabihin sakanya na kahit hindi maayos ang lahat, kahit ang hirap sabayan ng trip ng mundo, kayanin niya sana.

Kahit napaka gago ng mga tao sa paligid niya, tiisin niya sana.

Walang susuporta sakanya kung hindi ang sarili lang niya,

kaso hindi ko manlang siya nagawang mahawakan o maabot manlang

dahil kasabay ng pag taas ng kamay ko, tumama lang ito sa bagay sa harapan ko.

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon