siyam

389 8 0
                                    





Malaki ang pag hanga ko sa alon
Ewan ko kung normal ba yung ganito
Pero manghang mangha ako sa kung paano namumuo ang mga munting pag galaw sa dagat na kalaunan ay lumalaki at nagiging alon
Namamangha ako sa kung paano nito natatangay ang lahat ng bagay na madaanan nito
Plastic, balat ng candy o lagayan ng chichirya
Mas namamangha ako sa kung paano nito nagagawang hanguin ang anumang madaanan nito hanggang gitna o minsan, umaabot pa hanggang dulo
Pero may hangganan ba ang dagat?
May limitasyon ba ang mga alon?
Hindi ako mahilig sa Siyensya kaya pasensya kung hindi ko alam ang sagot sa mga katanungan kong iyon pero eto lang ang sigurado ako,
namamangha ako sa alon at sa kung paano nito natatangay lahat ng madaanan nito
Sa tunog na nililikha nito pag oras na ng pag galaw at pag agos
kaya patuloy akong namamangha at natutuwa at nagagalak
Pero may sikreto ako.
Babangitin ko ito ngayon kaya hindi na siya sikreto
Namamangha ako sa alon at nagagalit ako dito
Hindi yung galit na gusto kong manuntok pero yung galit na gusto kong mag mura dahil tangina nung nagawi ako sa dagat nung nakaraan at nagkaroon ako ng tyansang makausap ang mga alon sa ilalim ng buwan, bumulong ako at pinikit ang aking mga mata sa pag aakalang magagawa nila ang nag iisang dahilan kung bakit ako namangha sa kanila
Pero nag kamali ako ng akala dahil pag dilat ko, tangan ko pa din lahat.
Plastic, balat ng candy at lagayan ng chichirya may kasama pang poot, galit, awa, inggit, takot, sakit, luha, sama ng loob sa mundo at sa kanya.
Dati, namamangha ako sa alon at sa kung paano nito natatangay lahat ng bagay na madaanan nito
Ngayon, galit na galit ako sa alon sa kung paano ako binigo nito
Galit na galit ako sa kung paano niya ako pinag mukhang tanga sa kaka hanga sa kanya dahil akala ko matatangay nito lahat ng madaanan niya pero nag kamali ako
Nag. Kamali. Nanaman. Ako
Dahil sa oras na nilatag ko ang sarili ko sa kanya, sa pag iisip na sa makalawa wala na lahat ng bigat at puro nalang saya,
Sa una at huling pagkakataon, binigo ako ng mga alon
Kanina tinanong ko kung may hangganan ba ang dagat o kung may limitasyon ba ang mga alon
Sa tingin ko masasagot ko na ito ngayon
Hindi ako sigurado kung tama ba pero susubukan ko
Wala silang hangganan o katapusan
Walang dulo o sukdulan
Hindi tumitigil sa pag sayaw ang mga alon at hindi mahahanap ng kahit na sino ang dulo ng karagatan maski ang mga lumulutang na plastic, balat ng candy, lagayan ng chichirya o ako
Hindi ako sigurado pero isa lang ang masasabi ko
Namamangha ako sa alon kahit binigo ako nito
Patuloy kong mamahalin, tatanawin, hihintayin at patatawarin ang hindi nito pag agos papunta sakin
Dahil sa kabila ng hindi niya pag tugon sa aking mga hinaing at hindi niya pag tangay sa aking mga pasanin, patuloy ko pa ding
mamahalin,
tatanawin,
hihintayin
at
papatawarin
ang mga alon
na
unti unti
nag lalaho
sa
aking
paningin

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon